Chapter 1

4 0 0
                                    

Nasa ball ako ngayon, syempre naka pang ball gown ako at may suot na mask. Yung mata lang yung natatakpan. At dahil di ko pwedeng suotin yung eyeglass ko, I wear contact lense na color gray.Pale pink yung color ng gown ko at tube na criss-cross ang likod. (yung parang may lace?) Kulot yung hair. Basta I feel pretty this night. Wala namang maka kilala sa akin dahil naka mask ako. 

Andito ako ngayon sa may intrance ng venue, may stairs pababa. At nung pababa pa lamang ako may nag escort sa akin. Staff ata yun dahil pagkarating ko sa baba bumalik naman siya agad dun sa may entrance. Yung mga tao nakatitig lang sa akin. Is there something wrong sa looks ko ngayon o sadyang nabighani lang sila sa ganda ko ngayon? (ahem! ang lalim nun mhen!) Pumunta nalang ako sa may table kung saan ko hihintayin ang bestfriend ko.

5 minutes ...

15 minutes ...

30 minutes ...

Ang tagal naman ng babaeng yun, metal ba yung sinuot niya? Ang tagal ha? =____= May nagsasayawan na nga oh, pero wala parin. Dadating naman kaya yun? Nakooo, ayokong maging loner, baka mamaya mapagtripan na naman ako or worst baka umandar na naman yung habit ko. >.< Wag lang sana! 

While waiting, may guy na naka mask na lumapit sa akin. 

"Excuse me miss? Pwede ka bang maisayaw?"

"Uhm.. oh sige" then nag smile ako sa kanya. Siya din nag smile sa akin. 

Slow dance siya at I'll be na instrumental version yung pinatugtug nila. 

Ang awkward! Kasi lahat ng mga tao naka tingin lang sa amin. Kami lang yung nakasayaw sa ginta ng dance floor ngayon kasi yung iba nag stop para lang mapagmasdan kami. I feel the warmth around my cheeks. Nagba-blush ako sa hiya, pati narin sa kilig. >.<

"Ey? Nagbablush ka.. Why?" he asked.

"Ahh? eh, wala. Awkward lang kasi eh."

Then, tinanggal niya yung mask niya..

Ohh Geez!! Is this true?! Ang kasayaw ko ngayon ay ang ultimate crush ko?! Na si Sehun Troy Lee??!! Ayeeeeeh!! Ang swerte ko ngayon! 

Dahan dahan din niyang tinggal yung mask na suot ko. 

"Uhm... Mayee?" 

Whuut?! Alam niya name ko? Pano nangyari yun? Eh sa alam ko, di niya ako kilala.

"You know me?"

"Of course, I know you. Matagal na."

"P-pero pano?" 

"Dahil dati pa lang crush na kita, at ngayon may chance na akong sabihin sayo yung nararamdaman ko."

"Weeh?" 

"Oo"

"Di nga? Binobola mo lang ata ako eh." 

"Oo nga, ang kulit mo naman." sabay pisil sa ilong ko.

Then he lean down to me, ilang inches lang yung lips niya sa lips ko. Then may binulong siya. 

"I love you Mayee."

Then he's about to kiss me..

"Mayeeee!! Gising na!! Malelate ka na nyan!!" 

Amfufu!! >.< err.. Kala ko totoo na! Kala ko totoong may crush din siya sa akin. T____T

Okay na sana eh. Andun na sana eh. Siya na sana first kiss ko eh. Hayy, sayang naman oh! Sana di nalang ako nagising.. Ay hindi! Jusme! Wag naman sana, ayoko ko pang matulog habambuhay noh! Sana totoo nalang yun at hindi sa panaginip lang. 

*kriiiing* *kriiiing*

Ano bayan! Panira moment naman tong alarm na to. Nag eemote pa ako eh. >.< Psh.

Bumangon na ako para maghanda na sa school. Naligo, nagbihis, kumain, nag ayos at pumunta na sa school.

Naglakad lakad lang ako papuntang school since malapit lang naman yung bahay namin. Pagkapasok ko sa gate ay umandar na agad ang habit ko. Natapilok ako at naka hawak pa ako sa bewang ng isang lalaki. 

Familiar yung likod niya. At di ako nagkakamali. Si Sehun! Bat ba lagi akong naaaksidente sa tuwing nagtatagpo kami?! 

"Excuse me miss?"

"Ay sorry po. Di ko sinasadya, natapilok lang po. Sorry talaga sorry." sabi ko sa kanya habang naka tungo. Di ako maka tingin sa mukha niya, nakakahiya. >.<

"Okay lang, basta mag ingat ka na sa susunod. Wag masyadong clumsy." then tumalikod na siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sorry talaga, di na mauulit."

"Aasahan ko yan Ms. ... De Leon?" T-teka? Bat alam niya yung last name ko? 

"W-wait!!"

Di na niya ako pinansin. :/ 

Bat kaya niya alam yung last name ko? Mahanap na nga lang yung bestfriend ko.

"Uy, Kyliegh? Kanina ka pa ba dito?"

"Di naman. Kakarating ko nga lang eh."

Siya nga pala ang nag-iisa kong bestfriend since highschool si Kyliegh Cassandria Garcia. Siya yung tagapag tanggol ko. May time kasi nung highschool palang kami ay napagkatuwaan ako ng mga schoolmates ko at pinagbabato nila ako ng mga kamatis, itlog at harina. Siya lang yung naglakas loob na tulungan ako. Binabaliwala lang niya yung mga tumatama sa kanya. Tinulungan niya akong tumayo para maka alis na sa lugar na yun. Buti nalang talaga at nandyan siya. Nanghihina pa naman ako sa mga oras na yun. Dinala niya ako sa clinic, umalis siya nun papuntang locker room para kumuha ng extrang uniform na pamalit namin. Simula ng araw na yun magkaibigan na kami at siya na lagi yung kasama ko araw-araw. We share secrets nadin at alam niyang stalker ako ni Sehun. May time pa nga na tinutulongan niya ako sa pang iistalk kay Sehun.

*Flashback*

"Mayee!! Halika! Tignan mo oh" sabay turo niya sa screen ng laptop niya.

"Oh bakit? Anong meron jan?"

"Tingnan mo kasi"

"Paki basa nalang please? Masakit pa mata ko eh"

"Sige na nga. Ayon dito sa description kay Sehun. Ang gusto daw niya sa isang babae ay yung simple lang, mabait, may talent, plays instruments at magandang manamit."

"Ano pang ibang info dyan?"

"April 12, 1996 yung birthday niya."

"Ano pa?"

"Kumakanta at sumasayaw din siya, he plays guitar and piano."

"Yung sports na nilalaro niya, nanjan din ba?"

"Oo, uhm.. basketball at badminton yung nilalaro niya."

"Meron paba?"

"Uhm.. Wala na eh."

"Ahh, okay ^^ Salamat Kyliegh"

*End of Flashback*

"Tara na Mayee? Same naman tayo ng first subject ngayon eh."

"Tara!"

May mga taong naka tingin lang sa amin, yung iba nagbubulong-bulongan, yung iba naman parang may nilunok na mega phone ang lalakas ng mga boses. =____=

"Diba siya yung natapilok kanina at naka hawak pa sa bewang ni Sehun?"

"Oo, siya nga. Tatanga tanga naman kasi. Tss"

"Chansing lang talaga yan eh. Duh!"

Napa look down nalang ako sa mga sinasabi nila. Oo, ako na ang clumsy. Di ko naman sinasandya yun eh. 

"Halika na Mayee, wag mo ng pansinin sila."

Then, dumiristo na kami sa room namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clumsy Dummy Girl (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon