Chapter 8 - Wait for Me to Come Home

17.5K 181 54
                                    

Napangiti lang ako then I kissed her forehead. She kissed me sa lips. Then nagtawanan lang kami.

"Mate?"

"Hm?"

"Mahal kita." S ex lang pala katapat ng katorpehan ko. Sa wakas, nasabi ko ang matagal ko na sabihin.

"I know." Sagot ni Martine.

"Pero hindi yung mahal na, alam mo na, as best friend..."

"Mm."

"Mahal kita noon pa."

"Gusto mo bang i-cross ang line na 'yan ngayon?"

"Anong ibig mong sabihin?" Act dumb, Baste. Kahit alam ko kung ano ang tanong nya.

"Hindi mo nga alam ang sagot sa tanong ko."

"Basta mahal kita. I want you to be my girlfriend."

"Huwag muna ngayon, Basterd."

Bumangon sya at hinanap ang damit nya. Ako naman, napatitig lang sa kisame, nag-iisip kung anong sasabihin next.

"Mate, wala naman magbabago kung magiging magkarelasyon tayo."

Nagsusuot na si Martine ng pyjama nya. Bumangon ako at hinila sya pabalik ng kama. Hinalikan ko ulit sya at gumanti naman sya pero sya rin ang humiwalay after a while.

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Basterd. Mahal din naman kita. Pero hindi pa ako handa makipag relasyon ngayon. Sa iyo or to anybody."

She kissed me one more time sa lips and bumangon sya at naglakad palabas ng pinto.

"Goodnight, Basterd!"

Napatingin ako sa orasan, halos 2:30 na rin pala. Basted na naman ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko na para bang mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung dahil sa nangyari, magbabago ba ang relasyon namin ni Martine. But in a way, I feel releived na nasabi ko sa kanya. That's the important thing.

**

Wala naman nagbago sa relasyon namin ni Martine. Lumalabas pa rin kami pag weekend para mag brunch sa Wildflour or kung saan. Parang walang nangyari. Lumalabas pa rin sya kasama ang mga girls nya. Pero kagaya ng dati, fling-fling lang. Naulit pa rin ang nangyari sa amin sa Boracay, dalawang beses pa. Weird siguro ng relasyon namin dahil in the surface, best friends kami and sa kabila noon, f*ck buddies din kami. Well, I don't know if it's a good or bad thing basta ang alam ko, hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

**

Isang Sabado three months after "first time" namin, alas-diyes ng umaga hinihintay ko ang pagbusina ni Martine sa labas ng aming bahay. Bumangon na ako at nagshower. 11 AM na, wala pa rin sya. Tinawagan ko ang phone nya pero naka off ito. Nag-umpisa na akong mag-worry.

Dali-dali akong lumabas at tinungo ang kotse ko. 15 minutes later nasa harapan na ako ng bahay ni Martine. Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Mamey na nakaupo sa salas, nakatulala, mugto ang mata. Humalik ako sa kanyang pisngi.

"Anong meron Mamey?" Lambing ko sa kanya. Napaiyak sya lalo. Kinabahan na ako.

"Mamey, naman..." Tumayo ako at pumunta sa kitchen para ikuha ng tubig si Mamey. Medyo weird na wala syang niluluto na pagkain. Normally nagpeprepare na sya para sa makakain ng tropa mamaya.

MartineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon