[Ian's POV]
Pagkastop namin sa resort na pupuntahan namin nag check in agad kame kasi nagmamadali si Eli. At dumiretso agad siya sa c.r. ng cabin namen. HAHAHAHA. Nakakatuwa talaga ang babaeng yun, hindi man lang nahiya. Parang di babae.. HAHA, ang cute cute niya! (*_*)
By the way, I'm Adrian Centino, 18 yrs. old. Una ko palang nakita si Eli ay crush ko na agad siya.. Hehe, alam kong medyo corny kasi sa edad ko hindi na uso yung crush kasi pag may nagustuhan ka liligawan mo na agad. Kaso lang hindi kame magka school ni Eli, kaya hindi ako makadiskarte sa kanya. Huwag niyong isipin na torpe ako ha! Sa gwapo kong 'to! xD
Inayos ko nalang muna yung mga gamit namin. Buti nalang binilhan ko na si Eli ng pamalit at swimsuit, alam ko naman kasing hindi siya makakadala kasi hindi niya naman alam kung saan kame pupunta.
Nakita kong lumabas na si Eli ng c.r.
"SOlve kana? HAHA" asar na tanong ko sa kanya, at mukhang napikon naman siya
"Heh! Wag ka nga! Nang-aasar ka eh. Hmp."
"HAHA, cge.. good boy na po ako"
"Buti naman.. Teka, ba't dito mo ko dinala? Wala akong pamalit" sabi niya habang naka kunot noo.
"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko sa kanya sabay buhat sa kanya ng pang kasal.
"Uwaaaaa! Ian.. Ibaba mo ko! San mo ba ako dadalhin?!!!"
"Sa beach.. saktong sakto wala kang dalang pamalit! HAHA (evil laugh)"
"Ian naman eh.. Ibaba mo ko dito!" sigaw niya sakin.. parang sound system yung bunganga niya! Pasalamat siya mahal ko siya <3 .. Pero sshhh lang kayo ha!
Dahil nasa sea side naman yung cabin namin.. Nakarating kame agad sa beach. Nilapag ko muna siya sa white sand, hindi ko muna siya binasa baka magkasakit pa 'to noh!
"Ambigat mo pala! Mababali likod ko sayo eh.." haha, joke lang, hindi naman talaga siya mabigat.
"Sino bang maysabi sayo na buhatin mo ko ha?! Hmp." galit niyang sabi..
"Galit ka? Uyy, wag ka na magalit hindi naman talaga kita babasain eh.. sorry na" paliwanag ko habang nakatalikod siya sakin.
"Ewan ko sayo.." naglakad siya palapit sa beach at hinubad yung sapatos niya at tinupi yung jeans niya para hindi mabasa at nag tampisaw siya sa tubig
"Halika nga dito!" sigaw niya sakin habang galit parin ang mukha niya. Lumapit naman ako sa kanya.. Baka dumagdag pa galit nito sakin eh..
Nung naka lapit na ako sa kanya at nasa tubig narin ako.. Nagulat ako nung tinapunan niya ako nang tubig dagat habang naka ngiti siya, nabasa tuloy ako.
"Ganti ko lang yan sayo! HAHAHA!" sabi niya sakin
"Ganun pala ah?" ngiti kong sabi.. at ginantihan ko rin siya ng tubig at di nagtagal ay nabasa na buong katawan namin.. Naglaro lang kame na naglaro sa beach.. HAHAHA.
Tumigil lang kame sa kakalaro nung napagod na kame.. haha, ang saya saya ko!
"HAHA, ang saya! Pero pano na 'to? Wala akong dalang pamalit.." sabi ni Eli habang pinipiga yung damit niya na sobrang basa.
"Ok lang yan.. Binilhan na kita ng pamalit kasi alam ko naman na hindi ka makakadala ng damit. HAHA, parang mga bata tayo."
"Oo nga eh, ang sarap maging bata ulit"
"HAHA, oo nga. balik na tayo sa cabin at magpalit, 12noon narin kasi eh.. lunch nalang tayo pagkatapos." sabi ko sa kanya, nagugutom narin kasi ako sa kakalaro.
"Cge gutom narin kasi ako.. Libre mo ko ha! Ikaw nagdala sakin dito eh." nginitian ko nalang siya as a sign of agreement.
**********************************************************************************
BINABASA MO ANG
This Song
Teen FictionYou know what i love about songs? It's the fact that when you hear a certain song you remember a person. And it brings back good and bad memories of something and you can't do anything but smile.