Chapter 14 - Black Envelope

6 0 1
                                    

*Eli's POV

Knock knock

"Pasok" sabi ko

"Maam tapos na po ba kayong maligo?" sabi ni manang

"opo manang."

"pwede ko na po bang papasukin yung make up artist?"

"cge manang"

D ko alam pero tinatamad ako ngayong gumalaw. Hayy. O baka ayaw ko lang talaga sa idea na ikakasal na ako mamaya.

Maya maya pumasok na ang make up artist. Tahimik lang ako habang nag me-make up siya.

At after 1 hour and 45 mins. natapos na yung make up ko pati hair do.

"Salamat po" sabi ko sa make up artist. At lumabas narin siya

Sht.

Ang ganda ko. Hahaha.

Ang swerte nman ng groom ko nito. Ang ganda ganda ko. Hahaha.

Parang na excite tuloy akong pumunta na sa simbahan para ipakita kay mommy yung make up ko. Hahaha

Lagi ko kasing kasabwat si mommy sa pagpapaganda. Feeling ko nga mas maganda pa si mommy sakin eh.

Pumasok si manang sa kwarto ko na.may dalang napakalaking box.

Tingin ko ito na yung wedding gown.

Binuksan ko yung box

"Wow ang ganda" sabi ko. With sparkling eyes.

"Maganda po talaga yan maam. Specially made po talaga yan para sa inyo eh" sagot ni manang

"Grabe. Parang ginaganahan na tuloy akong magpakasal. Haha"

Napa hinto ako nung may nakita akong black na envelope na naka ipit sa gown

"Manang bakit po may ganito dito?" tanong ko kay manang

"Ha? Chineck ko po yang gown kanina, hindi ko namam ya nakita. Ano po ba yan?"

Binuksan ko na lang yung envelope.

May puting card na may na ka sulat na

Kasal mo? Tss. Good luck na lang sayo.

Bigla akong kinabahan. Sino naman ang mag lalagay nito dito?

Wala naman akong natatandaan na kalaban ko. O kahit sinong tao na may motibo na mag sabi sakin ng ganyan.

Kung iisipin nga wala namang masama na nakasulat sa card. Kaya wala akong dapat ipangamba. Nag goodluck pa nga sakin oh. Kaya salamat na lang sa kanya. Dahil kailangan ko talaga ng good luck ngayon. Haha

Pero hindi ko na muna siya iisipin. Baka ma stress pa ako at pumanget no. Hahaha. Maya maya aalis narin ako papuntang simbahan.

*Other person's POV*


Tinatanaw ko siya ngayon mula sa bintana ng kwarto niya.

Naka suot na siya ng wedding gown

Halatang kabado siyang magpakasal

Dapat talaga siyang kabahan no

Good luck na lang sa kanya at sa kasal niya

Sisiguraduhin kong magiging miserable ang araw na to para sa kanya. Dahil naging miserable din ang buhay ko nang dahil sa kanya

Ito ang araw na hindi niya makakalimutan

Ang araw ng kasal niya


Expect me at your wedding


------

Okey. The sudden twist of the story was epic. Hahaha.

This SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon