Over
Kinabukasan nagising akong nasa kama ng condo ko. Ang sakit sakit ng ulo ko. Maybe it's because of the hangover. Ang dami ko kasing nainom kagabi. It was not my first time pero nakakapanibago parin. Hindi naman kasi ako ganito noon kapag brokenhearted eh. Minsan pinapabayaan ko lang. Pero iba ito ngayon. Tinamaan ako kay Xian.
Pinilit kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi but I failed. Ang tanging naaalala ko ay ang pagdating ni Steven sa bar tapos wala na.
"Drink this." Yung ang basa ko sa isang note na katabi ang isang coffee. Maybe it's from Steven. Dito siguro siya natulog kagabi para may kasama ako.
Steven is my childhood bestfriend. He's not gay. He's a true man. And I trust him a lot. He knows all my ex boyfriends. Ako naman ay hindi ko kilala ang mga naging girlfriends niya. Maybe wala naman talaga. Pihikan siya sa pagpili ng babaeng mamahalin niya. Ang gusto niya ay yung papakasalan niya hanggang huli. Minsan nga napagkakamalan kaming couple at pinagseselosan din siya ng mga naging boyfriends ko dahil close daw kami masyado.
Bumangon ako at ininom ang kape. Pagkatapos ay dumiretso sa loob ng CR para maligo at gawin ang ritwal ko. Una kong binuksan ang gripo para magkaroon ng tubig ang bathtub. Nilagyan ko ng sabon ang tubig at hinintay na mapuno. Itinali ko ang buhok kong mahaba tapos ibinabad ang katawan sa loob ng bathtub. Nanatili akong ganoon hanggang bente minutos. Hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako sa loob. Kung hindi niya pa ako kinatok, hindi pa sana ako titigil.
"Baby, come out there. Magkakasakit ka niyan." Rinig kong sabi niya mula sa labas.
"Five minutes." Sagot ko sa kanya.
"Nope tama na yan. Kung mananatili ka jan ay bubuksan ko to."
"Are you crazy?! Bastos!" Sabi ko kaya agad akong umahon doon. At nagtapis.
Nakalabas ako ng bathroom at nandoon parin siya nakatayo sa pintuan. He's half naked for God's sake at ako nakatapis lang ano nalang iisipin ng ibang tao!
"Your breakfast is here." Sabi niya sa akin nung nakita niya akong palabas.
"Okay. Thanks. Kung tapos ka na pwede ka ng umalis" mataray kong sabi sa kanya.
"As you wish." tapos hinalikan pa niya ang kamay ko. Loko talaga itong bestfriend kong to.
Baby or babe ang tawag sa akin ni Steve simula ng highschool. Kaya hanggang ngayong college ay yun parin ang tawag niya. Sabi niya nakasanayan na daw. Noong highschool kasi kami maraming nangkakagusto sa kanya pero hindi naman niya gusto kaya ayun tinawag niya akong babe or baby. Para daw madiscourage ang mga babae at tigilan na siya. Hindi malabong maraming magkakagusto sa kanya. He's got brown eyes, chocolate colored hair, have abs, a perfect body and has an attitude of a perfect man . Sino ba naman ang may ayaw niyan diba?
"Uhmm..... Steven?" Sabi ko pagkalabas ng kwarto.
"Yes?"
"Would you mind if I join you?"
"Sure. Sit here beside me." Then he tap the space beside him.
"Sorry for what happened last night. I don't remember anything but I'm sure napaaway ka." May lungkot sa boses ko habang sinasabi ko yun. Nakayuko lang ako dahil sa kahihiyan.
"You should be sorry. If hindi mo ako pinigilan kagabi maybe may pasa na ako sa mukha. Kung hindi ako tinawagan ni Sandra hindi ko malalaman ang ginagawa mo. You know I don't like you going in bars. Maraming mga mambabastos sayo doon! Maganda and men drool over you." Nakatingin parin siya sa TV habang kinakausap ako at pinapatuloy niya ang pagkain ng breakfast niya.
"Sorry Stev.. Hindi ko na uulitin yun."
"Sus! Ganyan din sinabi mo sa akin noon nung kay Joseph? Yung fisrt love mo na iniwan ka rin."
"Ang tagal na noon Stev. Drop that topic. Ayoko ng maalala yun!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis ako doon na nakasalubong ang dalawang kilay. Parang nawalan ako ng gana dahil sa sinabi niya. Naiinis ako dahil minahal ko ang mga gagong lalake na walang ginawa kundi ang saktan ako.
"Hey wait baby." Sabi niya at hinila ako pabalik sa kanya. "I'm sorry for what I've said. Hindi ko sinasadya." Tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
Madali akong mapikon sa bawat banat niyang totoo naman. Wala akong masabi dahil wala naman akong alam sa pasts niya. Ni hindi nga siya nagkukwento sa akin. Yes, we're best friend since childhood but nagkahiwalay din naman kami pagbakasyon dahil umuuwi siya ng Davao at babalik ng Manila para magschool.
"Bitiwan mo ako Steven!" Malamig kong tugon sa kanya. "Umalis ka na di-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may kumatok sa pintuan namin.
Umalis siya sa harapan ko at binuksan ang pinto.
"Where's Anna?!" May galit at pag-aalala sa boses niya. Yung matagal ko ng hindi naririnig dahil wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Nakumpirma ko lang noon nahuli ko siyang may kahalikang iba. Nagtago ako sa may kwarto pero naririnig ko ang pag-uusap nila.
"She's not here. Umalis ka na dito Xian. I won't let you hurt her again. Kinausap na kita noon. Ipinagkatiwala ko siya pero sinayang mo." Malamig niyang tugon sa mukha ni Xian na walang ibang ekspresyon kundi pag-aalala.
"Shut up dude! Umalis ka nalang at iharap mo siya sa akin!" Inis niyang sabi at pinipilit na pumasok sa loob. Hindi niya magawang makapaspok dahil pinipigilan siya ni Steven.
Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa mga hikbi ko. Mahal ko si Xian pero sinaktan niya lang ako. Iniwan niya ako. He have me when his happy pero pagnagsawa nga naman iiwan at iiwan ka parin.
"Ilabas mo siya! I know she's here. I still love her. I want to apologize to her."
"I TOLD YOU SHE'S NOT HERE! Did you lost your mind? Tingin mo papayagan kitang makita siya? You love her huh?! After what you did? You're telling me you love her?" Sigaw ni Steven maybe napikon na siya kay Xian. "Iniwan mo siya at sinaktan. You two are over!"
"Ano bang alam mo ha?! Umalis ka jan at ng makausap ko siya! I didn't mean to hurt her! I truly love her!"
"Shut up Xian. Leave Anna alone." Tapos noon ay sinarado na niya ang pinto.