This is a work of Fiction. All the names, places, and others that have any resemblance to the actual person is purely coincidental so please don't take this seriously.
------------------------------
"We told you Anna, stop drinking. Kami ang malalagot nito kay Steven eh!" reklamo ng bestfriend kong si Sandra.
"Kung ayaw niyo ako uminom, bakit niyo ako niyaya dito?" Sagot ko sa kanila. I'm not yet drunk just tipsy. Sila lang talaga yung OA kung makareact.
"I thought you need it. Kasi diba... ano...... si Xian...." putol putol na sabi ni Sandra.
"Don't you ever dare say that name again. Nakakainis siya! Niloko niya lang ako. He only wanted fame. Tapos nung tinatamasa na niya saka niya ako iniwan!" Sabi ko at ininom yung isang shot ng vodka.
"Tama na yan Anna! Iuuwi ka na nam-" hindi na niya naituloy dahil umalis na ako sa kinauupuan ko kanina. Pumunta ako ng dance floor. Nasa bar kasi kami ngayon at maingay, birthday nung kaibigan naming si Mae at niyaya ako ni Sandra dito. Wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako.
Kinawayan ko lang siya at binigyan ng isang ngiti. Gusto kong sumayaw at magenjoy. Ang ganda kasi ng music nakakaengganyong sumayaw. Hindi ako dancer but I can dance.
I just want to forget Xian for dumbing me. He's just no one. Yan ang lagi kong sinasabi sa bawat lalakeng umiiwan sa akin. Iniisip ko nalang na hindi sila mahalaga pero lintek lang talaga! Sobrang sakit ng ginawa ni Xian sa akin. Akala ko siya na yung lalakeng mamahalin ko habang buhay! But I was wrong. Sa dami ba namang lalakeng napaibig ko tanging siya lang yung may ganang lokohin ako.
Hindi ba niya alam na isang Anna Garcia ang umibig sa kanya ng tapat?! Halos lahat ata ng lalake pinangarap na ako ang maging girlfriend nila!
Enough of this drama, all I want to do now is dance until mapagod ako.
Kaya ang ginawa ko, sayaw dito, giling doon. Kembot sa kaliwa tapos sexy dance naman sa kanan. Naramdaman ko pang may humawak sa beywang ko. But I don't care. Hangga't hindi ako pinagsasamantalahan, I let him enjoy this night by holding my hips.
Habang nakahawak ang hindi kilalang lalake sa beywang ko ay gumiling lang ako ng gumiling sa harap niya narinig ko pa nga siyang nag 'woah' eh kaya mas lalo akong ginananhan.
"Hey! Let go of my hand!" Sigaw ko sa lalakeng humablot ng kamay ko.
Hindi ako makapalag dahil nanghihina na ako. Maybe it's the effect of the alcohol. Tapos puro blurry pa ang nakikita ko. Hindi masyado clear.
"What the f*** dude!? Don't you see, we're dancing here!" Inis na sigaw noong lalakeng kasayaw ko...... siguro?
"I can't let my girl dance that way in another man." Mahinahon pero alam mong masisindak ka sa pagkakasabi niya noon. My eyes may be blurry but I can hear clearly ang I'm sure si Steven ang nagsabi noon.
"You know what! If she is really your girl dapat hindi mo na yan pinayagang pumunta dito kung ayaw mong may makaagaw pa jan!" Sabi nung lalake sabay whistle pa ng nakakabastos.
I can feel the tension between the two. Kaya ang ginawa ko ay hinila ko nalang si Steven palayo doon. Ayokong mapaaway siya ng dahil ulit sa akin.
Pagkarating namin sa sofa ay dumiretso ako sa tabi ni Sandra at isiniksik ang sarili sa kanya. Papagalitan nanaman ako ni Steven panigurado.
"Sandra let's go! Iuwi na natin tong si Anna sa kanila" sabi ni Steven. At itong bestfriend ko naman na takot sa kanya ay tumayo kaagad at tinulungan akong makatayo.
"Ayoko pang umuwi!" Reklamo ko
"Whether you like it or not I'm taking you home!" May halong galit sa tono ng pananalita niya kaya napatahimik ako. I know they are just concern. Naiintindihan ko naman.
Dahil mabagal akong maglakad at hindi ako kaya ng bestfriend kong si Sandra, kinarga ako ni Steven palabas ng bar. Yung karga na parang bagong kasal. Pero he make sure na hindi ako masisilipan sa dress na suot ko.
"Why did you have to do this Anna. He's just a no one. And you risk your life just for him." Steven
"I love him Stev. Kapag nagmahal ka maiintindihan mo ako."
Hindi na siya sumagot pa at naramdaman ko nalang na inilapag niya ako sa likod ng sasakyan niya. Inilagay din niya ang jacket sa may legs ko para magsilbing kumot ko.
"Huwag mo akong ihatid sa amin. Sa Condo ko nalang Steve. Thank you." Sabi ko
"Anna, please don't do it again. I want you to change. I want the old Anna back." bulong niya sa tenga ko.
"I'm still the same. I'm still me."