Joke #6

2.1K 30 0
                                    

Isang araw sa clinic...

Doc: ano po'ng nararamdaman niyo?

Juan: madalas po kasing sumasakit ang ulo ko doc.

Doc: ano ano ba'ng ginagawa mo at sumasakit ang ulo mo?

Juan: wala naman masyado doc. Sa tuwing sinisingil kasi ako ng pinagkakautangan ko, nagagalit po ako kasi ang kulit niya.  Pagkatapos ho nun ay sasakit na ang ulo ko. Pero pagkaalis niya nawawala na rin po ang sakit.

Doc: ah sige. Alam ko na ang sakit mo. (Nagsulat ng reseta at ibinigay kay Juan.) Eto...

Juan: (binasa ang reseta) Papel de liha at makahiya? Ano ho ba'ng sakit ko doc?

Doc: Kapal ng mukha...

Tagalog JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon