Empty Space

20 0 3
                                    

Part7: Jealousy

  
          Lala Pov

      Nakakainis, ano bang nakakatakot sa tulay? Selos na selos na tanong nang nagseselos na utak ko.

   Kasi naman, kay Dee ko lang nakita ang pagkagentle ni Mark. Parang isang mamahaling vase na hinahawakan niya si Dee. Sobrang ingat para bang natatakot siyang mabasag. Pero si Dee naman ang hindi siya iningatan tingnan mo basag na basag na ang puso niya sige pa rin siya. Kong iiwan siya ulit ni Diamond hinding-hindi ko na siya dadamayan.

 
   "Selos ka no?" Pang-aasar pa na tanong ni Yugeom. Napataas kilay naman si Bambam. 
   Mga kutong lupa na to. Mga bwesit sila.

"Hindi kaya!!" Sige Lala deny pa.

  "Hay naku Lala, alam mo bang denial ka! Yan ang pinagkaiba niyo ni Dee." Sabi pa ni Bambam.

    Talagang magkaiba kami. Hindi ako nang-iiwan at bumabalik nalang bigla. 

   "Si Lala kasi she look so innocent which is she is really innocent, samantalang si Dee naman she has the aura of innocence pero di talaga siya inosente." Sagot ni Yugeom. Makausap mga to. Parang wala lang ako.

   Muli kong nilingon si Mark. I immediately look away. He look so calm and happy. A contented smile is plastered in his face, his eyes are telling the joy he have kept for so long. A joy that became a stranger when Dee leave him and became an acquaintance when Dee came back.
 
  Pero paano ako? Isa lang ba akong babaeng taga pahid nang luha niya dulot nang babaeng rason nang kanyang lungkot at saya.

   Mark Pov

   I know na masaya ako na nayayakap at nadadamayan siya ulit, pero yung saya na nararamdaman ko, napapalitan nang takot.

   Takot na baka pagbinalikan  ko siya luha na naman ang magiging kapalit.
    Takot na baka pagbigyan ko ang puso ko ay maiiwan na naman ako sa ere nang nag-iisa. Nagtutunog bakla na ako ngayon pero pagnasaktan ka pala nagiging cheesy at korni ka na.

 
     
"Andito na tayo." I said flat and cold, ayaw kong ipakita sa kanya ang saya na nararamdaman ko.

"Thanks, I love you." Sagot niya agad sakin. Shit! Dee you're making this hard for me.

   Tiningnan ko lang siya nang mataman.

"Don't say that word again Dee. Stop playing with me, I hate you!" Walang emosyon na sabi ko.

 
Dee Pov

  Mukha akong tanga na nakatingin sa kanya ngayon. Pigil na pigil ang pagtulo ng luha ko.  Paano kasi bago mo sabihing I hate you alamin mo muna ang nangyari. Pagsasalita ko sa isip. Get a grip Dee pag okay na siya kulitin mo ulit.

   Napaiwas naman ako ng tingin nang nilapitan niya si Lala. Tang-inang babae. Oh ang sama ko di ba? Pasensya nagseselos lang.

  Nagpakawala ako nang malalim na hininga. I flipped my hair. Ohkay, maganda ako.

  Yeah its my way of comforting myself ang paulanan nang papuri ang sarili ko.

   "Putang*na ang ganda ko." Walang kangiti-ngiting sabi ko at tumalikod.

 

  Lala POV

   
    Agad na napangiti si Lala nang nakita niyang iniwan ni Mark si Dee at lumapit sa kanya, ang selfish pakinggan noh? Ganyan talaga nagmahal ka.
   
   Sabi nila "Money is the root of all evil" pwede rin nating i-revise yan from money to love. "Love is the root of all evil" paano ko nasabi yan? Dahil sa pagmamahal natuto tayong maging makasarili, kong sino ang sa atin at dapat sa atin nalang. Dahil sa pag-ibig natuto tayong pumatay, katulad nga nang sinasabi nang famous na linya"hahamakin ang lahat maging akin ka lang." Kahit ang kapalit nun ang buhay, natuto tayong siraan ang pagkakaibigang inalagaan nang ilang taon. Pero wala tayong dapat na sisihin nagmahal lang tayo.

  "Sorry Lala." Nakayukong sabi ni Mark, ang Gwapo niya talaga.

  "Okay lang yun. Naiintindihan kita." Nakagiting sabi ko. Ang tanga ko talaga. Sa lahat nang tanga diyan 'gimme five'

 
   Nilapitan kami nang tour guide at dinala sa mga magagandang lugar.

   Meron isang restaurant na gawa sa kahoy napakaganda.

   Tahimik lang at kakaunti ang mga tao, this place is really peaceful, it is showering our eyes with the beauty that cannot be define by flowery words.

  "Gutom ka? Kain tayo?" He asked at inalalayan ako. He is really the sweetest thing on earth.
 
   "Kakain kayo? Sabay kami ha!! Lika na Dee." Sabi ni Kiera na nakasunod lang pala sa amin. Kasama niya si Dee. Well obvious naman.

  "Bakit mo siya isasama? Kami lang ang kakain." Nakasimangot na sabi ni Mark.

  Yes!! Wag mo siyang isama. Ayokong maging masama kay Dee kaya lang gusto ko ako naman ang pansinin ni Mark at this time ako na ang mamahalin niya.

  "Pag-aari mo ang restaurant? Hindi naman aah." Sagot ni Dee. Ang sama talaga nang ugali nitong babaeng to. Hindi niya ba napapansin na nasasaktan ang mahal ko sa presensya niya? Talk about being insensitive D.E.E.

  "Ayokong makasabay kang kumain. Nagagalit ako sa existence." Punong-puno na panunuya na sagot ni Mark.

   Tahimik na nakikinig lang kami ni Kie at Jackson sa kanilang dalawa. Nag-iba naman ang reaction ni Dee. Mark just hit her heart. Parang anytime iiyak na siya nang malakas.

   "Yeah right pumikit ka!!" Inis na sagot ni Dee at hinatak ang nakasunod na si Kie.

Third Person POV.

   Tahimik na nakaupo silang lima habang pinapakiramdaman ang paligid.

   "Ang tahimik hindi ako sanay" sabi ni Jackson

  "Edi mag-ingay ka."-Kie

   "Ang awkward. Nililigawan kita Kie at gusto kong magpa-pogi points sayo,but great I ended up dealing with this."nag-ingay nga ang lokong Jackson.

 
  "Bakit kasi nakisabay pa kayo." Pabirong tanong sabi ni Lala.

   "Gusto ko kasing siraan ang kasayahan niyo." Aggressive na sagot ni Dee.

  "Wow. Demonyo ka talaga. You ruined me Dee now that I am healing myself, you wants to ruin me again." A sarcastic statement came out from Marks mouth.

"Hugot yun Dude! For what na hinabol-habol kita noon tapos sisirain lang kita, hindi ako tanga Mark." Dee suddenly answered. Nainis kasi siya, sometimes we deal with the things we don't want to happen. Nakakagawa tayo ng bagay na hindi natin gusto. Sa lahat nang naiiwan, you really think nang-iiwan kami nang walang mabigat na dahilan?

 
     "Come on. You have a reason for leaving him? Tss. Ganyan naman kayo eh. You have a reason. Why can't you just stop using that excuse. If you really love him you will fight, ipaglalaban mo siya. Sabay kayong lalaban." Lala can't just take it. She know that Dee has a reason at natatakot siya sa reason na yun. She know ones Mark will hear that reason he will come back to her.

  "You know what Lala, your still living in that illusion wake up this is reality, you can't fight without those upgraded weapons."

Akmang sasagot pa sana si Lala sa sinabi ni Dee nang biglang nagsalita sa likuran ni Dee.

 
"Diamond? Mamahaling bato?" Nanigas naman si Dee sa kinauupuan, isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan.
Unti-unti niyang nilingon ang nagsalita.

  " Anong ginagawa mo dito Draven?"

*****

  Who is Draven?

  

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon