HANNAH AND NIGEL'S POV
Pasukan na nila sa Lunes at naghahanda na silang dalawa sa araw ng pasukan. Ang tanging problema nila ay wala silang matitirahan, kaya nag pasya muna silang tumira sa haunted town house.
Nung Lunes na ay sabay na silang gumising dalawa ang CR sa townhouse na iyon kaya makakapag ligo sila ng maayos. Magkalayo ang CR sa town house na iyon isa sa 1st floor, at isa naman sa 2nd floor.
Naligo si Hannah sa 1st floor dahil takot siyang maligo ng tahimik sa labas. Sa 2nd floor naman naligo si Nigel dahil lalaki naman sya at matapang na lalaki si Nigel.
Pagkatapos nilang maligo ay nagbihis na sila. Nagulat silang pareho dahil pagkatapos nilang magbihis ay pareho sila ng uniform sa St. Madds.
" Sa St. Madds ka rin nagaaral? " Sabay nilang tanong. At sabay rin silang tunawa ng malakas.
Sabay narin silang naglakad papuntang St. Madds. " Anong section mo?" Tanong ni Nigel kay Hannah. "Red Roses, ikaw?" Tanong naman ni Nigel. " Di ko alam eh, Ang alam ko lang ay ang room ko, Room 401 daw ako.
" Ah ganun ba? Ako naman di ko alam kung anong room ko pero alam ko kung anong section ko." Sagot ni Nigel.
" Sige antayin nalang natin. " Sabi ni Hannah. * Nakita na ni Nigel at Hannah ang kanilang section. *
" Uy! Magkaklase pala tayo! " Sabi ni Nigel ng pagulat. " Haha, Ang galing ah! " Sagot naman ni Hannah, habang nagb-blush nanaman yung pisngi nya sa kilig nanaman ata.
Pagkapasok nila ng room 401 ay tuwang tuwa sila kaso medyo late sila kaya magkahiwalay sila ng seat. Sa unahan si Hannah at sa likuran naman si Nigel. Medyo nakaramdam ng lungkot si Hannah dahil wala syang matatabihang gwapo.
Pero nagulat si Hannah nang makita nya ang kanyang katabi. Isa lang ang katabi nya dahil nakaupo sya sa dulong harapan. Nagulat si Hannah dahil ang kanyang katabi ay...Gwapo at mukhang mabait na masipag pa!
Nakipag usap si Hannah dun sa katabi nya. " Um..Hello Ako nga pala si Hannah Acosta, Ikaw anong pangalan mo? " Tanong ni Hannah sa kanyang katabi. " Ah, Ako nga pala si Albert Zamora. Ikaw? " Tanong ni Albert. " Ako naman si Hannah Acosta, nakagagalak kong makilala ka☺" Sabi ni Hannah.
Nakita at narinig ni Nigel ang kanilang pagu-usap, narinig din nya na magsa-sama daw sina Albert at Hannah sa recess hanggang uwian. Nakaramdam ng sakit at lungkot si Nigel, pero nagtaka sya kung bakit, bakit kaya?........
YOU ARE READING
Ang Housmate kong Mumu
TerrorBy: Yizie_Nix Naniniwala ka ba sa paranormal entities? Takot ka ba sa kanila? Eh pano kung 'yong bahay na tinitirahan mo ay pinamumugaran pala ng isang pangkaraniwang nilalang? Kaya mo ba tumira sa isang bahay kung ang housmate mo ay...MUMU? Mr. And...