Pumasok ako Jollibee ng nakangiti.Naamoy ko agad ang bango ng fries.Narinig kong hindi pinapapasok ng guard ung mga nasa likod ko.Tumingin ako sa paligid.Nakita kong karamihan sa mga tao ay nakikiusyoso.Nagbubulong bulongan..Na tila ba ayaw rin nilang papasukin ang mga iyon..
"No.Let them in"seryosong pagkakasabi ko sa guard
"Pero ma'am-"Kumamot pa ito sa kanyang ulo.
"Kasama ko silang lahat"ngiting balik ko sa guard
"Sorry ma'am.Sige pasok na kayo"Binuksan ulit Ng guard ang glass door at pinapasok na ang mga kasama ko.Ngitian ko silang lahat.."Akala namin ate Yie di na kami papapasukin.Buti na lang po kasama namin kayo!"magiliw na Sabi sa akin ni Trisha.Ito ang pinakabata sa kanila.6 years old palang siya.Ang kwento sa akin ng mga batang kasama niya inabandona na daw Ito Ng magulang niya kaya kasa kasama na daw nila ito kahit saan.Yie ang tawag niya sa akin instead na Rie.Bulol kasi siya sa R.
"Ate ate,andito po ba si Jollibee?!gusto ko po siyang makita!"todo ngiti naman Ito na naging dahilan ng paglabas ng dalawang dimple niya sa pisngi.Cute!
"Oo naman Nikolo.Inaantay na kayong lahat nun sa taas"masayang Sabi ko sa kanila.Si nikolo ang pinaka jolly sa kanilang lahat.Kahit sa Kabila ng pagkamatay Ng mga magulang nito dahil daw sa drugs eh makikita mo parin ang pagiging masayahin nito.Nagsigawan silang lahat sa sobrang saya.Tumingin ako ulit sa paligid.Iba't iba ang reaksyon ang nakikita ko.Ung iba masaya.Ung iba nangdidiri.Ung iba nakikiusyoso parin..Kahit naman mga batang lansangan Lang sila may karapatan parin silang maging normal na tao.Mapuntahan ung lugar na gusto nila puntahan.Gawin ung gusto nila gawin.Kumain sa lugar na Kung saan gusto nila kumain.Pero papaano mangyayari iyon Kung ung iba sila pa mismo ang pumipigil.Tayo mismo ung nagbibigay ng malaking pader para iwasan at pandirihan sila.Alam ko naman na hindi masama ang tumolong.Kaya hanggat kaya ko tutulong ako.Mahirap maging isang batang lansangan.Alam ko un.Kasi isa ako sa kanila dati...
Pumunta ako ng counter at tumawag ng pwede mag aasist sa mga bata sa second floor.Sinadya Kong rentahan ang buong floor sa taas dahil marami marami ang batang pabubusugin ko ..Pinauna ko na ang mga bata sa taas.Habang umoorder ako.Di Ko maiwasan na tingnan ang paligid ko.Para bang may kanina pa nagmamasid sa akin.Ipinagwalang bahala ko na lang iyon.Dala na lang din yata Ito ng pacrave ko sa fries.
Nadatnan kong masasaya at tuwang tuwang ang mga batang nasa halos bente lahat.Ang iba ay patalon talon pa.Ung iba naman nasa harap ng malaking glass window at kung ano ano ang tinuturo sa labas.Tinawag ko silang lahat at mabilis naman itong nagsilingon at nag sipag ayos ng upo.
"Gusto niyo na bang makita si jollibee???!"excited kong tanong sa kanila.
Sabay sabay silang tumango at nag yehey..Di nagtagal lumabas Si Jollibee at nagmamadaling sinalubong ng mga bata ito.Napuno ng tawa at saya ang buong lugar na iyon.Nakaramdam na naman ako ng kakaiba.Ung katulad Ng naramdaman ko kanina sa ibaba.Ipinagwalang bahala Ko na Lang Ito dahil dumating na ang pagkain..Isinerve isa isa sa kanila ang pagkain na inorder ko.Mawawala ba naman dun ang spaghetti at burger?.Ngumiti na Lamang ako at nilantakan na rin ang fries na inorder ko..
Natapos silang lahat na hawak hawak ang kanilang mga tiyan.Busog na nga talaga sila.Maya maya pa'y tumayo na ako at sinabihan silang aalis na kami..Sumunod naman silang lahat sa akin at isa isang nagpaalam at nagpasalamat.Nagrequest Si banban na kung pwede ba daw siyang makahingi ng isang goodbye kiss kahit sa noo Lang.Tinukso siya ng mga ibang bata at sinabihan pang Baka raw gusto niya ako.Napangiti na Lang ako.Pinagbigyan ko ang hiling niya .Ngunit lahat na rin sila'y humingi na rin Ng kiss.Nakakatuwa lang..
"Paglaki Ko po ate tella.Aasawahin kita"seryosong sabi sa akin ni banban.
"Sige.Aantayin kita"napatawa na lang ako sa sinabi nito.Tiningnan Ko na lamang silang papalayo...Ang sarap sa pakiramdam.....
😂
BINABASA MO ANG
The Good Misstress
RomancePaano mo masasabing mahal ka ng isang tao kung sa umpisa pa lang alam mo ng walang kakatotohanan iyon?Paano Kung gusto mo pang lumaban at makuha ang dapat na sa iyo,pero alam mong kahit anong gawin mo talo ka parin?Paano?