Chapter 1

28.5K 822 16
                                    



KANINA pa hindi mapakali si Dawn. Katatanggap lang niya ng list of entourage para sa church wedding ng kapatid na si Toni sa kaibigang si Greg.

Nagprisinta kasi siyang siya na ang magdadala niyon sa gagawa ng invitation, alam niyang sobrang abala ngayon ang mag-asawa sa kabi-kabilang appointments at preparasyon para sa kasal.

Alam na niyang siya ang maid of honor, katulad ng napag-usapan nila ng kapatid, ang hindi niya lang napag-handaan ay ang bestman.

Wala na bang ibang kaibigan si Greg na maaaring maging bestman nito? Hindi pa nga siya nakaka-move on sa una nilang encounter ni Art, heto at ang binata pa ang kukuning bestman?


FLASHBACK

"Saan tayo?" nakangiting tanong nito pagka-upo pa lamang sa driver's seat.

"Ewan ko sa'yo. Nagprisinta kang maghatid diyan, hindi mo naman pala alam kung saan mo ako ihahatid." sagot niyang may kasamang irap dito at naka-halukipkip na tumingin sa labas ng bintana.

Bago iyon ay nakita pa niya ang dagling pagkapalis ng ngiti nito.

"Bahala ka diyan sa buhay mo." sa isip-isip niyang hindi pa rin tumitingin dito.

"Tayo ngang dalawa magkaliwanagan, may problema ka ba sa akin?" anitong sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang humarap sa kanya.

"Wala!" flat niyang sagot na hindi pa rin tumitingin dito.

"I don't think so. College pa lang tayo lagi mo na akong sinusupladahan, kapag magkakasama tayo nina Greg, para akong hangin sa'yo, nag-e-exist pero hindi mo nakikita. Tell me, may nagawa ba ako na ikinagalit mo? Kasi ako, honestly, wala akong matandaan." tila frustrated na sabi nito.

"Ano sa tingin mo?" masungit pa ring baling niya rito.

"Wala nga akong matandaan. Actually, crush nga kita noong college pa tayo, kaya lang napaka-suplada mo, bago pa lang bumubuka yung bibig ko, nasosopla na agad ako."

Nagulat siya sa sinabi nito, ngunit hindi siya nagpahalata. Kailangang mangibabaw ang matinong kaisipan niya.

"Wala ka palang matandaan, eh, eh di wala." sagot niya at bumaling muli sa bintana.

"Tell me, siguro crush mo 'ko, 'no? Pa-hard to get ka lang." anitong bumalik na ang pilyong ngisi.

Nanlalaki ang mga matang bigla siyang bumaling dito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no? Ako? Magkaka-crush sa'yo?" at itinuro niya pa ang sarili, at gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya pumiyok sa pagkakasabi niyon. "Mag-aalaga na lang ako ng aso." sabi niya at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana upang maka-iwas sa mga mata nito.

Ayaw niyang makipag-titigan dito at baka ipagkanulo siya ng mga mata niya.

"Aso pala, ha, 'pag natikman mo 'ko, baka sabihin mo, isa pa."

"Excuse me--" asik sana niya rito, ngunit natigilan siya nang pagharap niya ay nakadukwang ito sa upuan niya at malapit na malapit ang mukha sa kanya.

"What?" anas nitong deretsong nakatingin sa mga mata niya. "Ngayon, sasabihin mo na ba sa akin kung saan kita ihahatid, o, patatagalin pa natin 'to, o gusto mo munang patunayan ko sa iyo na mas masarap akong alagaan kaysa sa aso?"

Napalunok siya sa sobrang lapit nito. Awtomatikong umangat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito upang itulak ito palayo, ngunit hind man lang ito natinag.

Loving a Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon