Chapter 2

24.5K 764 19
                                    




"Hi, Honey."

"Hi. Where are you?"

"Uh... honey, I'm sorry, I had to say this over the phone, but Dad doesn't gave me a choice."

"Huh? What about?"

"I'll be away for two months."

"What?! Why?"

"Business call. I'm really sorry, but you know I can't say no to Dad. I am still proving myself to him."

"Okay. I understand, business naman 'yan, eh."

"Thank you, honey. Ang swerte ko talaga sa'yo."

"I know, right!" at binuntutan niya ng tawa.

"Uh... oh... conceited girlfriend, here." anito sa nagbibirong tinig.

"Sira." aniyang tumatawa pa rin. "Anyway, kailan nga pala ang alis mo?"

"Hmm... what will you say if I tell you that, I am leaving now?" alanganin ang boses na tanong nito. "I'm already here at the airport, waiting for my flight."

"What?! As in?!"

"Y-yes. As in.." anito sa nagpapa-umanhing tinig. "I'm so sorry, honey, nagulat din ako. Kanina ko lang din nalaman na ngayon na 'yong flight ko."

"Your father doesn't really like me, huh?!"

"Of course, not." mabilis at tila tarantang sagot nito.

"It's okay, what can I say, then? Happy trip?" sarcastic na sabi niya.

"Honey, please, don't be like that." nakiki-usap na sabi nito. "Promise, babawi ako pag-uwi ko."

"I told you, it's okay." aniya at nagbuntong-hininga. "Naiinitindihan ko, trabaho 'yan, eh."

"Pero nagtatampo ka?"

"Nope."

"Iyong totoo..?"

"Well... medyo lang. Kasi naman.."

"Sorry na talaga. I promise, babawi ako pagbalik ko."

"Paano nga pala 'yong kasal ni Toni?"

"Pakisabi na lang, pasensya na. I would really want to come, kaya lang, I don't have a choice."

"Okay. Sasabihin ko na lang."

"Thank you for understanding, honey. I love you."

"Yeah. Mag-iingat ka. I love you, too."

PAGOD na ibinagsak ni Dawn ang katawan sa sofa. Kadarating niya lang galing sa imprentahan na pinag-pagawaan niya ng imbitasyon para sa kasal ng kapatid.

Grabe ang init sa labas, gayundin ang traffic na lalong nagpadagdag ng pagod niya.

Inabot niya ang bag at inilabas ang cellphone mula roon. Itatawag niya sa kapatid na nakuha na niya ang invitation.

"Sis, nakuha ko na ang invitation n'yo. Dalhin ko ba sa bahay n'yo?"

"No need, ate. Kita na lang tayo mamaya."

"Sige, saan?"

"Sa Heaven's Grill and Restaurant, dinner na rin tayo. Treat ni Greg." anito at saka tumawa.

"Sira ka talaga." natatawa ring sabi niya. "Pero, gusto ko 'yan. Sige, kita tayo d'on mamaya."

"Okay. Mga seven pm."

Loving a Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon