Chapter 18 - DAMN FEELING!

609 16 0
                                    

Chapter 18 - DAMN FEELING!

Mhaedel's POV
Nagpopose kami dito ni Norman , grabe kilig na kilig ako , nakakaasar ang swe-sweet kasi ng mga pose namen.kaso parang may mali eh , hindi ko alam siguro sobrang kilig lang toh.

"Dhel? Dhel?"sabi ni Norman.

"Ay sorry ano yun?"sabi ko

"I love you"sabi nito , feeling ko lalong umariba yung mga nerves ko sa katawan , at dahil sa sobrang likot nila natulala na lang ako.

"Dhel Dhel"

"Ay sorry ulit"

"Ok ka lang ba ?"

"Oo naman bakit"sabi ko , medyo dahan dahan syang umiling.

"Ah tara na palit na tayo , tapos hatid kita sa inyo"

"Ge"sabi ko at dumiretso na kami sa dressing room , after kong magpalit , dumiretso na kami sa parking lot , tahimik walang nagsasalita saming dalawa habang papunta kami sa kotse nya. nang biglang mawalan ako ng malay.

Third Person's POV
Nagulat si Norman ng mahimatay si Mhaedel , hindi nito inaasahan ang nangyari buti na lang at nasalo agad ni Norman si Mhaedel , itinakbo nila sa ospital ang dalaga.

Agad na tinawagan ni Norman ang mga magulang ni Mhaedel , mabilis namang nakarating ang mga ito , galit oo pero hindi naman nila sinisisi si Norman sa nangyari , ilang minuto pa ang lumipas eh hindi paren nalabas ang doctor sa loob ng kwarto.

"Geez , what's the matter Mhaedel"bulong ni Norman sa sarili , nang tingnan nya ulit ang cp nya ay lalo syang kinakabahan dahil sa palalim na ng palalim ang gabi. Dahil sa naboboring na ito sa paghihintay tinext nito sila Ella , agad naman na nagsidatingan ang dalawa.

"Tangna naman Norman , bakit ngayon mo lang sinabi"sabi ni ella , lumapit naman agad ito sa mga magulang ni Mhaedel at nag mano.

"Kuya man man ano bang nangyare? bakit kanina pa hindi lumalabas yung doctor?"sabi ni Meigan

"Hindi ko ren alam eh , bigla na lang kasi syang nagcollapse habang naglalakad kami papunta sa parking lot eh"

"Aist nakakaasar naman kasi yan si Ate eh , akala mo naman kasi ang lakas lakas ayaw pa kasing inumin yu--"

"Anong sabi mo? Ate?"

"oo ate! ate ko naman sya ha! siyam na buwan lang naman tinanda sa akin tsk. tsk."

"Eh ano pa yung sinasabi mong iinumin nya?"

"Ah eh ano kasi yun--"

"Sino pong kamaganak ng pasyente?"sabi bigla ng doctor kaya napunta lahat ng atensyon nila sa doctor.

"Ako po doc"sabi ng nanay ni Mhaedel , nagtaka si Norman ng bigla na lang lumayo ang doctor pati ang nanay ni Mhaedel sa kanila para lang pagusapan ang condition ni Mhaedel. 'ano kayang tinatago nila sa akin?' isip ni norman , aalis na sana si Meigan para takasan ang tanong ni Norman ng hawakan ni Norman ang braso ni Meigan.

"Meigan sabihin mo nga sa akin anong tinatago nyo sa akin?"sabi ni norman , pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Norman kaya naman namimilipit na si Meigan sa sakit ng hindi na nito kinaya at dumaing na ito.

"Aray aray! masakit norman! ano ba"

"NORMAN! ITIGIL MONGA YAN"sigaw ni Ella , kaya binitawan na ni Norman si Meigan , at umalis na lang ito ng galit dahil hindi sinabi ni Meigan ang sikreto ni Mhaedel.

"Ayos ka lang?"

"Ang hirap magtago ng sikreto Ella"mangiyak ngiyak na sabi ni Meigan.

Truth or Dare!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon