Chapter 29 - Plan (10th day)

585 15 0
                                    

Chapter 29 - plan (10th day)

-----------------------------------------------

Abigail's POV
Kanina pa ako nakahiga sa sofa at iniisip kung anong klaseng isip ang meron si Norman , ano kayang naisip nun at ganun ang plano nya , haissyyT!!

*Flashback

Sa Garden kaming dalawa lang ni Norman.

"Abigail , please tulungan mo kong magalit sya"

"Ano na namang kapraningan yan man?"


"Please , Abigail~"

"Man , ayokong madamay sa mga Kaechusan nyo , kaya magpatulong ka na lang sa iba"

"Sige na abigail."

"Tigil."

"Abi tulungan mo lang akong magalit sya please."

"Pano?"

"Yun nga ang di ko alam eh"

"Tsk. Wag mong pansinin , wag mong lapitan , pakita mong masaya ka ng wala sa tabi nya , at tiisin mong wag syang tingnan buong araw , wag mong replyan , o kung hindi mo matiis , pag nakaisang oras na yung text nya tsaka ka mag reply , sabihin mo Busy ka , tapos mag Bye ka kapag hindi mo na alam ang sasabihin."

"Sigurado ka magagalit yun"

"Ewan ko lang kung hindi , sakin mo gawin yon , mas malala gagawin ko sayo"

"Sige sige , sabay ako sa inyo mamayang recess , at pipilitin kong hindi sya tingnan"sabi nya at umalis na , pero hinawakan ko yung wrist nya.

"Teka nga , bakit pala?"

"Gusto ko nang---"

*End of the Flashback

"Oy."biglang sabi ni Shawn , kaya napatingin ako sa kanya.

"Baket?"sabi ko

"Wala lang."

"Pam Pam"sabi ko at kinuha yung phone ko.

"Sinong ka text mo?"tanong nya agad , baliw toh , kaka unlock ko pa nga lang nung password eh -_- 

"Paki elam mo , tsaka ba't ka pala nandito at pano ka nakapasok?"sabi ko.


"Pinapasok ako ni Jerro"sabi nya.

"Oh tapos"
sabi ko

"May Problema kapatid mo"sabi nya.

"Ano?"


"Break na sila."sabi nya , WAIT WHATT???!

"ANO?"

"Bingi ka?"sabi nito

"Tsk. mag jojoke ka na lang di pa ako natawa"sabi ko at kinalikot ulit yung cp ko , nagulat na lang ako ng hablutin ni Shawn yung cp ko at pinaltan ng sandwich.

"Kumain ka muna"
sabi nito.


"Luh! Ang Epal mo! Akin na yan"
sabi ko at tinangkang kunin yung cp kay Shawn.


"Kainin mo muna yan."sabi nya kaya napilitan akong kainin yung sandwich na binigay nya sa akin , tapos nagsalita agad ako kahit meron pang laman yung bibig ko.

"Akin na yan"sabi ko , bigla nyang nilapit yung mukha nya sa akin.

"Ang panget mo. Ubusin mo muna yan"
sabi nya at lumayo na ulit inirapan ko muna sa bago tumakbo papunta ng kusina at uminom ng tubig. Pagbalik ko kinakalikot na nya yung phone ko , kaya naman tumayo ako sa sofa at mula sa likod nya binawi ko yung phone ko pero , ang higpit ng hawak nya kaya hindi ko nakuha , tapos gumalaw pa sya kaya napahawak ako ng mahigpit , tumakbo sya paikot ikot sa sofa tawa sya ng tawa samantalang ako takot na takot na.


"SHAWN!!! MALAGLAG AKO!!!"
sabi ko pero tumatawa lang sya, nakahawak na ren sya sa hita ko , ay hindi , basta yung itsura namen naka piggy back ride ako sa kanya.

"SHAWN NAMAN!"sigaw ko , tapos bigla syang tumigil , at ibinaba ako sa sofa na pinaghihigaan ko kanina , den binigay na nya sa akin yung cellphone ko.

"Yan na."sabi nya at umayos ng tayo.

"Ampanget mo talaga."sabi nya

"Tsk. Alam ko na toh eh , alam ko na talaga toh , ba't ba nakalimutan ko , oo nga pala pagnangaasar ka may kailangan ka , anong kailangan mo?"sabi ko

"Nakuha mo ren. Wala kasi akong pera e--"

"Wala ren ako , kaya Shawn wag ako"sabi ko at tumayo.

"Sige na Abi, may nililigawan kasi ako eh babayaran ko ren naman"

"Hoy tigilan mo ako , ano ako pa gagastos sa mga kalandian mo?"

"Please!~~"

"Shawn ilang beses na kita sinabihan hindi natalab sa akin yan"


"Aysst."sabi nito at pumunta sa likod ko , tsaka humiga sa sofa.

"Hindi mo ba pupuntahan kapatid mo?"sabi nito

"For what?"


"I Comfort mo naman yun "


"So seryoso? break na nga sila? Teka. 6 days? Tsk. matagal pa yung ligaw kesa sa relationship eh , no RELATIONSHI---"

"Umakyat ka na lang dun"sabi nya at tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko , arrgh. ang lakas. Padabog ako umakyat sa kwarto ni Jerro narinig ko pang tumawa si Shawn , lintik napaka paasa nun bwiset , pagpasok ko sa kwarto nakita kong nakabulagta si Jerro sa Higaan nya at nakapikit.

"Jerro"

"I'm tired , get out"


"Hoy pa english english ka pa , tatanong ko lang kung totoo"

"Yeah , kaya makakaalis ka na"

"Tsaka kung bakit?"

"Ewan"

"Ewan ka jan"sabi ko at tumabi na sa kanya

"Ate , pagod ako mamaya na lang"sabi nya , pinitik ko lang yung noo nya.

"Asar naman oh!"sabi nya at tumayo na , pero pinahiga ko ulit sya.

"Nuh yun?"sabi nya

"Bakit nga."

"Wala."

"Wala? sino ba nakipag break?"

"Ako."

"Ikaw? Baluga ka?"
sabi ko , tumango tango lang sya.

"Bakit ka nakipagbreak?"

"Wala lang."


"Anong wala lang , ang lakas mo! ikaw pa nakipagbreak"

"Syempre pogi ang unang nakikipagbreak"sabi nya , tapos nagkunwaring umubo ako.

"Hindi wala lang talaga. Si Bibe nga den eh nakipag break na ren kay Ella"

"Lah! La-lakas nyo ah! Ano yan parang pinaglaruan nyo lang sila"

"Hayaan mo na yun"

"Ji ang tagal tagal mo nang gusto yun tapos anim na araw lang naging kayo?"

"Eh ano?"

"Ewan ko sayo"
sabi ko at tumayo na.

"Tinamad ako bigla"
hindi ako nagsalita.

"Ewan , parang nawala na lang bigla yung pagkakagusto ko sa kanya"sabi nya.

"Ah nga pala ate nag text ako kay mommy aalis na ako bukas , sa kanila muna ako , ayoko na dito."

"Ano? Eh di ako na lang magisa dito! COOL! SIGE! wahahah may bahay na ako."

"Tsk. Lumabas ka na nga , magpapalit ako , tsaka matutulog , napagod ako"

"Bye JERRO! WHUU YES!!"sabi ko at lumabas na paglabas na paglabas ko , gulat na gulat ako kasi si Shawn nasa labas.

"Ano raw?"

"Anong ano raw? tabi nga jan nakaharang ka eh"sabi ko at inusog sya , tapos bumaba na ako ng hagdan at humilata ulit sa sofa.

"Uy , Abi , ano raw nangyari?"

"Break na sila ni Meigan Pati sila Bib--"sabi ko pero hindi ko natuloy kasi binasa ko yung text ni Norman sa akin.

"Kita tayo sa tapat ng school , ngayon na."Bulong ko , tapos tumayo ako bigla.

"Oy san ka pupunta?"
sabi nya.

"Dito lang , Shawn jan ka muna , saglit lang ako promise"


"Oy wag mo kong iwan dito."

"Dyan ka muna. Ingat ka jan , LOVE YOU!"sigaw ko pero alam ko naman na di na nya maririnig yun , layo ko na eh. Nangmakarating ako sa tapat ng school nakita ko agad si Norman

"Oh Man bakit?"


"Tulungan mo kong makipagbreak kay mhaedel"sabi nya agad.

"Man naman pati ba naman ikaw?"

"Sige na , ano ba naisip mong magandang paraan."

"Tsk. ayoko wag nyo kong idamay jan"sabi ko at tumalikod na , bigla naman nya akong hinawakan sa wrist.

"Sige na Abigail."


"Man."

"Alam ko na , pag breakin mo kami gamit ang paraan kung pano naging kami"sabi nito at binitawan na yung kamay ko.

"Aasahan kong handa ka na bukas , sa inyo naten gagawin yon , wag ka munang magpapunta ng kung sino."sabi nito at iniwan na ako , ARGHH! GUSTO KONG MAGMURAA!!!!!!!!!!!!!!! NAKAKAASAR! WHY? WHY???? WHY DO I NEED TO GET INVOLVED? ARGH!

"DAMN!"sigaw ko at umalis na.

Mhaedel's POV

Nakadapa ako ngayon sa higaan at nanonood ng mag vibrate yung phone ko ,pag tingin ko nagtext si Norman.

Norman: Punta ka kila Abigail bukas ng alas tres.
Me: Bakit?
Norman: Nandun ako basta , wag nang maraming tanong
Me: K , Love you  :*

after nun wala nang reply , Damn. Norman , nakakarami ka na ha , dati ikaw pa nagsasabi nyan sa akin. Argh.. ano namang gagawin ko dun? *Ting!*

"GOSH!"
sigaw ko sa kwarto.

"Baka gagawin na nya yung surprise"sabi ko sa sarili ko , at nagpagulong gulong sa higaan.

"Ano kaya yun?"tanong ko pa.

~

xD ASA NAMAN SI ATENG MHAEDEL WHAAHAHAH  

Truth or Dare!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon