*1*

3.1K 73 4
                                    

*1*

June 18, 2010

*Bells Ringing*

Kay sarap pakinggan ang tunog ng kampana. Huwag naman sanang sukob ang title nito noh? Bigla na lang magiging pampatay ang tunog ng kampana ba?

O siya, tama na katangahan.

Nandito kami sa Amerika. Dito kami magpapasakal este kasal ng lalaking pinakamamahal ko, si Claine.

"Anak, ikakasal ka na! Natutuwa kami ng papa mo sa'yo!" sabi ng tuwang-tuwa kong Mama. Masaya rin ako ngayon kasi, inalok ako ni Claine ng kasal at... at... ETO NA!

And yes, Claine and I are going to get married. Now.

"Oo nga naman Keano, Tandaan mo ang bilin ni papa huh? Kahit kailan mahal na mahal ka namin!" Na-touch ako sobra! I love my Mom and Dad so much kaya't nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa.

"Alam ko naman 'yun 'Ma, 'Pa! I love you too also!" nakangiti kong sambit sa kanila at nag group hug kaming tatlo. Bumukas 'yung pinto ng hotel at nakatayo roon ang Kuya ko.

"Tama na ang drama! Hinihintay na tayo ng sasakyan!" sabi niya na nakangiti sa amin.

"Let's go!" sabi ko sa kanila ng nakangiti. Lumabas na kami ng kwarto ng hotel at nagsimula ng pumunta sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan kami ay kinakabahan ako ng sobra. As in 'yung kaba sa dibdib ko na bumibilis 'yung pintig ng puso ko.

"Anak, huwag kang kabahan," ngiting saad ni Mama. Napangiti na lang din ako sa kaniya.

"Oo nga, anak. Nandito lang kami ng mama, para sayo," sabat ni Papa.

"Ang drama niyo talaga!" singit ni kuya na siyang nagkatawanan kami.

Nang makarating kami sa simbahan ay nand'on na raw si Claine. Naunang lumabas sina Mama at Papa. Sumunod si Kuya sa kanila.

Ako? Eto, kinakabahan. This is it! One of the memorable days in my life! Ikakasal na kami! Nakakatuwa! Happy ako kasi pinili niya ang isang tulad ko na mahalin niya at nagpapasalamat akong dumating siya sa buhay ko. Everything has changed when he came into my life. Parang destiny/soulmate ko siya na kahit sa mga susunod na buhay namin ay siya pa rin ang pipiliin ko.

Bumaba na rin ako ng sasakyan. Taas noo akong naglakad kasama nila Mama. Nakasalubong namin sina Moo and Poo. Magulang ni Claine. 'Yan ang tawag ko kasi mas cute daw pakinggan. Tumakbo naman ang kapatid ni Claine at magsisimula na raw ang ceremony.

Kinakabahan na ako. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko baka mamaya, may tumutol sa kasal, o kaya may delubyong darating, mga ganun?

Ang nega ko 'di ba? Kasi naman ang gwapo ng papakasalan mo, ikaw ba hindi ka ba magtataka? Mamaya niloloko ka lang pala ng lalaking ito? Kahit ba 2 years na kaming mag-jowa, siyempre hindi ko pa rin maiwasan matakot lalo't bakla ako.

Hinatid ako ni Papa sa altar. Feeling ko ako 'yung bride. May dala-dala akong bulaklak. Taray 'di ba? This is it! The day today is my day!

Napatingin ako kay Claine. Shet! Ang gwapo niya talaga! Laglag panga ko sa kakisigan niyang angkin. Ehh! Kinikilig ako! Grabe! Hindi ko akalain darating din ang araw kong ikakasal sa simbahan!

Nang malapit na ako kay Claine, binulungan ako ni Papa, "Ingat ka mamaya, baka mabuntis ka."

Natawa naman ako sa sinabi ng papa ko. Grabe? Mabubuntis ba ako? Pwede rin. Baka araw-arawin pa ni Claine ang pag-angkin ng ang pinakamagandang parte ng katawan ko. Just kidding! Ang libog naman ata nang sinabi ko?

Eto na, nasa harap ko na siya. Katapat ko na siya. Nakangiti siya sa akin at nginitian ko rin naman siya. Ang gwapo niya talaga kahit kailan! As in kakaiba ang awra ng mukha niya. Sobrang saya. Ako rin naman masayang-masaya. This is it! Wala nang urungan 'to.

"Claine, I'm so proud of you kasi napatunayan mo ang pagmamahal ko sa kaniya. Ikaw na ang bahala sa gwapo at cute kong anak huh?" My Dad had to speak. Ibinigay niya ang kamay ko kay Claine. Lumawak naman ang ngiti ni Claine when he received my hand from my Dad.

"As you wish, sir. I'll be treating him like my queen," ngumiti naman si Dad sa narinig niya galing kay Claine. Tinapik niya ang braso nito tapos nag-shakehands pa sila.

Lumakad na kaming dalawa at humarap sa pari. Well, feeling ko, binabalinguyngoy na ako sa kaka-english ng pari na ito. Ano pa nga bang magagawa ko? Nasa Amerika kami 'di ba?

Habang nagseseremoniya, napatingin ako saglit sa pamilya ko at nakangiti sila sa akin. Lalo na si Mama.

Binuka ni Mama ng bibig niya para sabihin sa akin ang katagang, 'I love you, baby' na siyang pagpatak din ng luha ko.

Napangiti ako at sinabi ko rin na mahal ko sila. 'Yung feeling na parang high school life na may marriage booth every foundation day na pagpapartnerin ang dalawang tao then after kasal-kasalan? Pero hindi eh. This is real. Totoo na 'tong nangyayari.

Mag-focus na tayo sa highlight ng wedding namin.

"You make exchange your vows right now," the priest said after giving us the right time to give our vows.

"I, Claine Francisco, take you, Keano Aguilar, to be my lawful wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to be forever at your service, to be with you everytime at your side, until death do us part," napangiti at kinilig ako sa sinabi ni Claine habang sinusuot niya ang simbolo ng ang aming pagmamahalan, ang wedding ring sa aking kaliwang palasingsingan.

After that, it was my turn to give my vows.

"I, Keano Aguilar, take you, Claine Francisco, to be my lawful wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part," Wala eh. Wala akong tagline na pwede kong sabihin para sa kaniya.

"Now I pronounced you, fully husbands, you may kiss him now," ang awkward nang sabihin ni father ang mga katagang iyon. Kadalasan kasi ang sinasabi, you may kiss the bride, sa'min kiss him now. Paano, wala namang bride 'di ba? Parehas groom.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Claine. Medyo natatawa pa kaming dalawa ng magkatitigan. Ehh, ang awkward kayang mag-kiss sa harap ng madlang tao. Nakakahiya pa pati kasi parehas kaming lalaki.

Nang medyo ayos na ay medyo may effect pa kaunti. Dramatic effect 'yung tipong slomo. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti kami sa isa't-isa para mas effective na may dramatic scene.

'Yung sa perfect dramatic effect?

Unti-unting lumapit si Claine sa akin hanggang sa... our lips finally touched. Sweet kisses kumbaga.

It was definitely and perfect kiss. It means, we sealed our hearts for each other. The kiss that sealed our lifetime promise of love, time, and happiness for each other.

And yes, friends, madlang tao, sino man kayo,

I am now fully officialy husband of Claine, Mr. Keano Aguilar-Francisco.

Ang Love Story Ko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon