*Epilogue*

2K 52 5
                                    

*Epilogue*

Bawat tao, may love story tayong kakaiba.

May pagkakaparehas man kung paano nagkakakilala, may unique pa ring paraan kung paano magmahal ang dalawang taong nagmamahalan.

May ibang happy ending, mayroon din ng sad ending.

Ewan ko, pero isa ata ako sa mga taong kasama sa happy ending. Ang swerte ko atang tao na minahal ako ng isang tao na nagngangalang Claine.

Nasa shooting ako ngayon. Well, writer kasi ako ng isang movie. 

Pero natuwa ako kasi nakikita ko ang sarili ko sa story na iyon.

Meron akong kwento
Isang love story na
Nangyari sa kanto
Habang ako’y papunta saking trabaho
Ay may tumatakbo at bigla nalang
Kaming dalawa’y nagka-bunggo

Ang totoo niyan, love story namin ni Claine ang sinulat ko. Ginagampanan naman ng artista kinuha ni direk.

Actually, I was a college student when we first met. Ang corny noh? Parang cliche ba? 

Kasi nagkabunggo lang naman kaming dalawa sa hallway. Marami akong dalang books dahil inutusan ako na dalhin ng guro namin sa kabilang room. 

Tapos ang cliche rin masyado kung pa'no ako na-inlove. 

'Yung tipong na-love at first sight ka sa taong kaharap mo? Ito 'yun.

As in n'ong araw din na iyong masalo niya ako sa pagkakabagsak, ay siyang tumibok ang puso ko sa kaniya.

  

Ako’y nagtataka saking nadarama
Nang makita sya ay kumislap aking mata
Kahit ligaw tingin
Sana ay yong mapansin
Nang makumpleto ko…
Ang love story ko

Naging kami? Oo. Hindi ko nga alam kung paano pero niligawan niya ako. Akala ko isang pustahan lang ang lahat pero hindi ehhh. Kasi lahat ng kilos niya binabantayan ko. Kung nas'an siya, nand'on ako. As in para akong alalay niya na kung saan nand'on din ako. 


Siya ang first boyfriend ko ever. Nakakatuwa noh? First and last ko? I don't pero siya ang tinatawag kong soulmate. 

Akala ko nga maghihiwalay kami pero hindi, pinanindigan niya ang lahat. Kami at kami lang hanggang dulo sabi niya.

Ito pa nga ang sabi niya sa akin eh, "Tayong dalawa hanggang sa huli. Ikaw ang bubuo ng storya ko. Ikaw ang buhay ko, at ikaw ang linya ng librong isasabuhay ko kapag ako'y nawala."

Kinilig naman ako n'ung time na 'yun.

Nabigla ako
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo
Nang mag sorry sya at tinanong ako
Kung OK lang ako
Ang nasagot ko lang
Natabig nya ang puso ko

Hanggang sa ikasal kami. Hindi ko nga alam kung bakit naikasal kami eh? 

Bago pa nga 'yun, niyaya niya ako sa isang lugar. Sa may baywalk. During the sunset, naka-akbay siya sa akin at vmay kinuha siya sa bulsa niya.

Hindi ko alam kung ano 'yun so patuloy pa rin ako sa panunuod ng paglubog ng araw.

"Pea ko..." tawag niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko habang nakasandal lang ako sa balikat niya. 

"Kung ikakasal ba tayo, tatanggapin mo ba ang alok ko?" tanong niya sa akin.

"Bakit naman hindi? Gaya ng sabi ko, Ikaw lang ang mamahalin ko. You will be my first and last person in my life that I'm going to say I love you."

"Kung gan'on, will you marry me?" nilabas niya ang singsing na nasa kahon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bihira lang ang taong magsasabi sa isang baklang tulad ko na papakasalan niya and he is asking for my hand to be his forever.

"Pea?" 

"Yes. I will." sagot ko sa kaniya at ikinatuwa naman niya. Hinalikan niya ako sa lips at unti-unti namang paglubog ng araw na siyang sinundan ng buwan.

Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Ako na ata ang isa sa pinagpalang bakla na magmamahal ng isang tulad niyang gwapo, matapat at ginoo.

Kaya n'ong time na nagkaroon kami ng tampuhan ng dahil sa isang babaeng iyon na sekretarya niya, ay agad niya akong sinuyo and I'm so lucky to have him at my side.

"Pea? Pinapanuod mo na naman iyang love story natin eh?" pag-agaw pansin ni Claine. 

"Wala eh nakakatuwa lang kasi. Hindi ko aakalain na hanggang huli tayo pa rin," sagot ko sa kaniya.

"Siyempre para sa akin ikaw lang ang mahal ko, ang buhay ko at linya ng librong binuo nating dalawa magkasama." natuwa ako sa sinabi niya.

"You will be the character of my story forever and ever," sabi ko na nakangiti sa kaniya. Kiniss niya sa noo na siyang nagpapakita ng sweet sa akin and I'm happy that his the character in my love story.

The End...

Ang Love Story Ko (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon