Easkairluvath 5 - The Final Gift, the Meaning and the Conclusion

1.4K 110 37
                                    

Easkairluvath
(c) HaveYouSeenThisGuy

Kinarir na Author's Note: Una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga readers(kahit wala naman ata) na sumubaybay sa Easkairluvath. Natutuwa po ako kasi may mga nagbasa nito. Isa po siyang Christmas special kaya I aim to finish it on or before Christmas at very thankful naman akong natapos ko siya. So ayun. Tapos na po ang kwento. Ito na po ang mahiwagang ending ng Easkairluvath and this will be the end of yet another story of mine. Yay.

Befor akong magsimula sa final chapter. I just want to greet each and everyone of you readers a Very Merry Christmas and a Very Prosperous New Year. I hope your vacation is great. Masaya po ako ngayon haha. So ayun, naging MMK na ang A/N ko at paniguradong may naiinis na sa'ken ngayon kasi ang taas na nung title wala pa'ring nangyayare.

So yeah... Eto na po ang mahiwagang pagtatapos ng Easkairluvath. I hope you guys like the ending.

---------------------------------------------

Easkairluvath 5 - The Final Gift, the Meaning of Easkairluvath and the Conclusion

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Nakatingin ako ngayon sa mga glow-in-the-dark stars na nakapalibot sa ceiling. Hindi kasi ako mapakali simula kaninang umuwi ako. Hindi ako makatulog. Mulat na mulat ang mata ko at kahit anong pilit ko ay hindi ako mabisita ng antok.

"Janna, hindi ako makatulog." kausap ko ngayon 'yung teddybear na binigay sa'ken ni Jek kanina. Hindi ako mapakali eh, ang daming bagay bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon. Nag-online ako sa Skype kanina pero hindi online si Jekjek. Kakausapin ko sana siya or kakamustahin man lang pero wala eh. Itinext ko din siya kanina kaso wala din akong nareceive na reply. Siguro pagod lang sa b'yahe si Jekjek kaya hindi nakakasagot. Tsaka bakit ba ako hindi mapakali eh magkikita naman na kami ni Jekjek bukas.

Nahiga ulit ako at ipinanatag ko 'yung loob ko. Tumingin ako sa bintana sa may labas, nakikita ko ang mga stars sa langit. Nakakita ako ng isang shooting star. Napangiti ako. Tapos chineck ko 'yung phone ko para tignan kung anong oras na kasi kanina pa talaga ako hindi makatulog at natuwa ako nung nakita kong 11:11 PM na ng gabi.

Napangiti ako. Siguro nama pwede akong magwish ng isang beses sa mga nakita ko.

"Sana magparamdam si Jek sa'ken."

And after I said that nakaramdam ako ng init sa katawan na para bang may nakaakap sa'ken. Napapikit ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

"Bestfriend." naramdaman kong may yumuyugyog sa'ken. "Bestfriend."

Napadilat ako at nakita ko si Kevin na nakangiti sa harap ko. 

"Merry Christmas bestfriend! Today is the day!" nakangiti niyang bati sa'ken.

"Ayy oo nga!" bigla akong napabangon at tinignan ko 'yung orasan. Nagulat ako kasi 11:00 na ng umaga. Agad akong tumayo. "Kevkev, labas ka muna, maliligo lang ako." sabi ko sa kanya. "Mag-aayos lang ako ng mukha ko."

Easkairluvath (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon