Chapter One

15 0 0
                                    

Maagang nag-impake ng gamit si Gail, mga gamit na kasya lang sa kanyang backpack tulad ng ilang T-shirt, pera at mga gamot in case of emergency. She decided to run away, hide from her family and also ayaw niyang ubusin ang buhay nya sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Bantay sarado siya ng kanyang pamilya simula ng araw na malaman nila ang kalagayan nito, kung lalabas man siya ay hindi maaaring walang bodyguard na nakabantay. Mabilis na natapos si Gail sa pag-impake ng mga gamit sinigurado nyang tulog na ang kaniyang mga magulang sa plano nyang pag-alis, labag man sa kaniyang kalooban ay kailangan niyang gawin ito. Alam niyang palubha na ng palubha ang kaniyang sakit, walang kasiguraduhan na sya ay gagaling. Gusto niyang sa oras na siya ay mamamaalam na sa mundo ay aalis siyang masaya at walang pag-sisisi dahil nagawa niya na ang lahat ng dapat niyang gawin. Gusto niyang eenjoy ang natitira niya pang buhay ng normal tulad ng dati walang bantay at walang nagbabawal sa kaniyang ginagawa, kaya nag-decide siyang umalis ng walang nakakaalam, alam niyang sa oras na malaman ng kanyang mga magulang ang gagawin nya pipigilan lamang siya ng mga ito.

Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan sinigurado nyang maingat ang kanyang mga hakbang, nang malapit na siya sa main door ay dahan-dahan niya itong binuksan ng kaunti sapat lang upang siya ay makasilip sa labas kung saan may mga bodyguards na nagbabantay. It's now or never" sa isip nya. Kumuha sya ng maliit na bato sa paso ng halaman na nasa tabi ng pinto at ibinato sa kotseng nasa garahe, dahil sa ginawa nya ay nag-alarm bigla ang sasakyan dahilan upang lapitan ito ng mga guards na sya namang hinihintay gawin ni Gail upang sya ay makapuslit. Mabilis at maingat ang kanyang mga kilos papalabas ng kanilang malaking gate upang hindi sya makita ng mga guards. Lakad takbo ang ginawa nya ng siya ay makalabas, nang sigurado na syang malayo na sya sa kanilang mansion ay pasalampak syang naupo sa kalsada hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanya na para syang isang baliw.

I'm freeeeee!!! sigaw nya ng patalon-talon pa. Lubos ang sayang kanyang nadarama sa mga oras na iyon, malaya na syang gawin ang mga bagay na gusto nyang gawin. Alam nyang mag-aalala ang parents nya sa oras na malamang sya ay nawawala pero ayaw nya munang isipin yun, sa pagbalik nya ay pangako nyang hihingi sya ng tawad sa ginawa nyang pagtakas, she knows her parents love her so much at hinding-hindi sya matitiis. Kinuha nya ang backpack na nahulog sa kalsada ng siya ay magtatalon at isinuot muli upang maghanda sa muling paglalakad para maghanap ng masasakyan papuntang maynila dun nya balak magtago mahirap na kung hindi sya aalis ng buhol kilala ang kanilang pamilya sa lugar at sa oras na ipamalita ng kanyang mga magulang na nawawala siya ay madali syang mahahanap ng mga ito pag nagkataon.

Till Its EndWhere stories live. Discover now