Chapter 3

5 0 0
                                    

Maaga akong gumising dahil may pasok na ngayon. Matapos mag bihis ay bumaba na agad ako at didiritso na sana sa kotse ko ng may biglang nagsalita.

" Di ka na ba kakain blake? Baka magutoman ka niyan iho."

Humarap ako sa kanya. Buti pa siya may pagmamalasakit sa akin eh yung parents ko? Puro trabaho nalang ang inaatupag.

"Sa school na lang po yani" sagot ko sa isang may kaedaran na rin na babae.

Siya yung yaya ko simula nung mga 3 years old pa ata ako nun eh 18 na ako ngayon.

"Oh sha sige! Ingat sa pagmamaneho." Nakangiting paalala nito sa akin.

Napangiti nalang din ako at nilapitan siya saka hinalikan sa noo.

"Opo, mag iingat po ako. Kumain ka na rin. Mauna na ho ako" saka sumakay na sa kotse.

Naiwan naman si yani na nakangiting pinagmamasdan akong umalis.

Ganyan na kami, sanay na rin si yani na hinahalikan ko siya sa noo. Mahal na mahal ko yun eh.

***
Habang nagmamaneho ako ay tumunog yung cellphone ko.

"Yes?" Sagot ko na hindi na tinitignan kong sino yung caller.

"Goodmorning"

Brrrrrkk!!

Napahinto nalang ako at agad tiningnan kong sino yung caller.

Shit! bakit ba naman kasi ako nagugulat? Grabe naman maka goodmorning tong babaeng to. Ang landi! Hoooo!

"Pwede bang mamaya ka na tumawag? Nagmamaneho ako oh?! Muntik pa akong ma-aksidente dahil diyan sa pag'goodmorning morning mo!" Kainis!!!

[ Eh? binabati ka lang naman ah.]

Hula ko nagpout yan. Nagpapacute! Tss!

"okay! So tapos ka na?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

[ uhmm! Hindi pa. Im wearing a pink headband. Ciao! ] toot toot!

Oh? Paki ko kung sumusuot siya ng pink na headband? Mga babae talaga.

My Unknown GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon