Here we gooo 😃😃
1.) Kung hindi na kayang panindigan hanggang sa huli, huwag nang simulan.
2.) Sa isang relasyon ang kailangan mong abangan ay kung gagawa ng kagaguhan at kasinungalingan ang asawa mo o syota mo. Dahil ang pagiging malambing at responsable ng bawat isa ay obligasyon talaga kaya dapat lang na ginagawa ito pero kapag nakakita ka na ng kalokohan at kasinungalingan, it's time na umalis ka na. Tandaan na ang isang kalokohan na tinatago sa iyo ay hindi malalaman ng biglaan. Malalaman mo lang ito dahil talamak na niyang ginagawa.
3.) Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang taong hindi ka na mahal. Mukha ka na ngang tanga, pinapatunayan mo pa!
4.) Pag sinaktan mo ang isang tao, asahan mo na magbabago yan.. Papatunayan nya sa yo, wala kang kwenta para saktan siya.
5.) Kung mahalaga ka talaga sa isang tao, hahanap siya ng paraan para magkaoras sa yo. Kung wala siyang oras sayo, wag kang umasang mahalaga ka sa kanya.
6.) Isa sa pinakamahirap gawin ay ang magtiwala sa taong sumira na ng tiwala mo
7.) PAYONG KAIBIGAN – Galit ka sa malandi? Mag-isip ka munaHindi naman ang malalandi ang problema dahil kahit saan, nandyan talaga sila Ang sisihin at awayin mo ay ang boyfriend o asawa mo, dahil malingap ka lang, nagpapalandi na siya. Isa pa, hindi sa lahat ng oras mababantayan mo sila.. Nagpapakatanga ka kapag sinisi mo ang iba kahit alam mong ang boyfriend o asawa mo ang mahilig pumatol talaga.
8.) Sa isang relasyon pag below the belt n aang sanhi ng awayan, hiwalayan na yan. At hinding-hindi yan dapat pinasisisihan. Mahal mo sya? Gumising ka nga! Mahal ka daw nya? Bakit ginagago ka?
9.) "Kung matagal ka ng nagho-hold on sa isang tao at wala pa ding nangyari, hindi let go ang solusyon dyan. Acceptance."
10.) "Mahal mo, mahal ka rin naman, tapos papakawalan mo? Tanga ka, tanga ka.. hindi masama ang ipaglaban siya. Hindi yung magpaparaya ka. Tao lang tayo, hindi tayo superheroes na magpaparaya para sa iba."
11.) "Ang nakakapikon na part, may ginawa siyang kalokohan, mahal mo pa din naman."
12.) "Ugali ng mga lalaki ang mang-iwan. Yung mga tipong malapit ka ng maka-move on, biglang magpaparamdam... at mang-iiwan ulit."
13.) "Yung mga linyang 'Kahit na magkahiwalay tayo ngayon, sana tayo parin sa huli.' ay isang malaking katarantaduhan. Kung ganun pala, sana pinaglaban mo na para naman walang masayang na panahon. Parang lokohan naman kasi 'yon."
14.) "Sometimes we sit down at merong isang tao na pumapasok sa isip natin, yet hindi natin malaman kung sino ba siya. Ang alam lang natin ay may nami-miss tayo o may hinahanap tayo. Ang alam lang natin life is not complete right now without that person. Kung hindi mo pa alam kung sino siya, dont worry time will come makikilala mo rin siya. And you will be glad that you waited for that person. And when you find him/her, alagaan mo siya, wag mo ng pakawalan. Dahil tandaan mo, you waited for him for so long."
15.) "Huwag mong sabihin sa ex mo na andyan ka lang kapag nag-aaway sila ng partner niya. Ending n'yan, magiging kabit ka."
👉Susunod na 👈
