On Rainy Days

30 5 7
                                    

"Kenn, I love you. Remember that."

 Naimulat ko ang aking mga mata. Agad ko namang pinunasan ang luha sa aking pisngi. Bumalik na naman ang panaginip na iyon. Tumayo ako at pumunta sa may bintana.

"Umuulan. Kaya pala," sabi ko sa aking isipan.

 Tuwing umuulan kasi bumabalik ang panaginip na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman kilala ang babaeng nasa panaginip ko dahil malabo ang itsura niya pero kapag napapanaginipan ko iyon ay palagi ko nalang nararamdaman na umiiyak na pala ako. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

 Naligo nalang ako at nagbihis kasi hindi na ako makatulog. Naghanda nalang ako para sa pagpasok ko sa trabaho kahit maaga pa. Pagkatapos ay nilock ko na ang pinto ng bahay. Kahit umuulan ay naglakad lang ako dahil malapit lang naman sa kalsada ang tinitirhan ko. Pagkarating ko sa may waiting shed ay nakita ko na naman ang babae. Nakaupo siya na parang may hinihintay. Tatlong araw ko na siyang napapansin. Habang naghihintay ng bus ay umupo ako sa tabi niya.

"Ah, miss, may hinihintay ka ba? Napansin ko lang nung  mga nakaraang araw na palagi kang nandito," tanong ko sa kaniya.

"Oo. May hinihintay  nga ako," malungkot niyang sagot sa akin na nakatingin lang sa kalsada na umuulan.

"Dumating ba ang hinihintay mo?" tanong ko parin sa kaniya. Hindi ko maiwasang magtanong, eh. Palagi siyang nandito kahit umuulan. Wala naman siyang dalang payong.

"Oo. Dumating siya," ngiti niyang sagot pero agad naman itong napalitan ng lungkot. "Pero hindi niya ako maalala." dagdag niya.

"Eh? Paano nangyari iyon? Boyfriend mo ba ang hinihintay mo?" Imbes na sagotin niya ako ay tumitig lang siya sa akin tsaka ngumiti. Nagulat naman ako kasi ang ganda niya. Iyong matamis niyang ngiti ang dahilan kung bakit ako naistatwa. Pero sa matamis niyang ngiti ay makikita mo ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"So, boyfriend mo pala. Palagi mo ba siyang nakikita rito?"

"Oo. Dito rin kasi siya naghihintay ng bus."

"Ahh." Iyon lang ang nasabi ko. Mayamaya'y dumating na ang bus. Bago ako sumakay ay humarap muna ako sa kaniya.

"Mauna na ako," sabi ko at ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik at kumaway.

"Mag-iingat ka!"

Pagkasakay ko ng bus tinitigan ako ng mga pasahero. Hindi ko na lang iyon pinansin at humanap na ako ng bakanteng upuan.

Kinabukasan ay ganoon parin. Bumalik na naman ang panaginip na iyon at umuulan parin. Napadalas na nga ang pag-ulan ngayon kasi Oktobre na. Maraming bagyo ang paparating.

Naghanda na lang ako para sa pagpasok ko sa trabaho. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa waiting shed. Pagkarating ko ay nandoon na naman siya. 

"Hi!" bati ko sa kaniya.

"Hello!" bati rin niya pabalik at ngumiti.

"Hinihintay mo pa rin ba siya?" tanong ko.

"Oo."

"Hanggang kailan ka ba maghihintay sa kanya?"

"Hindi ko alam pero maghihintay parin ako."

"Diba hindi ka niya naaalala?" tanong ko ulit sa kaniya. Tumingin naman siya akin. Nagulat naman ako kasi ang lungkot niya. Nagsisisi naman ako sa tanong ko.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon