Opps!! Wrong number 😱

59 2 0
                                    

Yrah's POV

"Class dismiss!"

Hay thanks god at natapos na rin tong Math namin. Mayghad..... Ginugutom talaga ako ng subject na ito!! Makapunta nga ng canteen.

Lalabas na sana ako ng tinawag ako ni Liezi. Isa sa mga barkada ko. Morena ito at kulot ang buhok. Maliit, ngunit maganda naman ito.

"Saan ka pupunta, Cly?" tanong niya sa akin.

"Canteen." saad ko.

"Kumain nalang tayo ng lunch." pangungulit nito.

Tumawa ako ng mahina. "Bakit ano ba yang ulam mo at excited na excited ka?" mapang-asar na tugon ko.

"Grabe ka naman. Hotdog lang ulam ko. Anong maganda dun?" dismayadong saad niya.

"Anong ulam ni Thevana?" tanong ko.

"Adobo at tsaka pinirito na bangus." sagot niya.

"Ahh.... kaya pala. Hoy Thev!! Itago mo na 'yang ulam mo't uubusin na naman 'yan ni Liezi!!" sigaw ko kay Thevana na papunta sa amin.

"Ha?! No way!! Papatayin ko talaga tong maliit na ito." sabi niya habang nag pe-pretend na sinasapian.

"Anyare?? Zombie sa train to busan, ikaw ba yan?? Ba't ka napadpad dito?? NAsa Korea ka lang ah." mapang-asar na saad ni Liezi kay Thev.

"Eh ikaw, Valak? Why are you here?? Di'ba nasa America ka?" bawing pang-aasar ni Thev kay Liez.

"Eh sa sinabihan ko yung director na 'I need to rest' Vacation ko ngayon kaya 'wag mong sirain." Pa-irap na tugon ni Liez.

"Tumigil na nga kayo. Para kayong magaganda." awat ni Alessa sa kanila.

"Ang ganda mo Grabe." sarkastikong saad ni Liez.

"Shut up na nga lang kayo! Ang baho na ng simoy ng hangin.Kaya nagiging polluted tong Earth eh. Ilang decades ba kayong walang toothbrush? Bumalik na kayo sa mga planeta niyo. Tara na nga't ginugutom niyo pa ang mga alaga ko sa tiyan." asik ko sa kanila. Ganyan kami. Wag na kayong magtaka.

"Huy bampira!! Hintay!!" sigaw ni Thev.

"Bilis!!" sagot ko.

***FASTFORWARD***

Sa wakas!! Busog!! 

"Tara, maglakad-lakad tayo para ma-digest naman kinain natin. Lalo na kay Vrille." patama ni Liez.

"Excuse me lang, ha. MAliit lang kinain ko." saad niya sabay kapit sa braso ko. Hindi po yan babae. LAlong hindi yan bakla. Lalaki po yan. Ganyan lang talaga siya.

So ayun nga, naglakad-lakad na kami. Anyways, alam kong nalilito na kayo, kaya magpapakilala ako pati narin mga kaibigan ko.

*Ehem* *ehem* First of all, hahaha. Just kidding. Okay, seryoso.

I am Vlarima Yrahliza Lairo. I live in a far away land, and I am the princess of vampires. NAndito ako sa human world para hanapin ang magiging king sa aming mundo- LOL just kidding. Tawa ka naman dyan. 

Okay seryoso na talaga.

*Ehem* Hi! I am Yrah Clyzzah Lanreb. 14 years old. 3rd year na at wala akong plano na mag 4th year. LOL just kidding. Sabi nila na maganda raw ako, which is kinda true. Hahaha. Okay joke ulit. I don't know kung saan ba talaga ako nabibilang basta sabi nila maganda raw ako. Matalino ako at aaminin ko yun. I am the 1st placer from 1-3rd year and I have so many events na napanalunan. Hindi masyadong mayaman. Sabi rin nila may appeal naman ako, kaya okay lang. Para sa akin, maputi naman ako (LOL), hindi curly hindi rin straight pero super shiny, silky and soft ng buhok ko at mas matangkad ako kay Thev. I have 5 few friends. Liezi, Thevana, Alessa, Vrille, and Ivan. 

Opps!! Wrong Number ✌✌✌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon