AUTHOR'S NOTE: Hi, Guys and Gals. Before anything else, I just wanted to notify everyone: I am posting this and another chapter instead of an update for A Different Cup of T for a reason. Hindi ko muna sasabihin kung anong reason but please bear with my late updates. Two weeks more and I'll be able to update all my pending stories. Thank you for your unending love, support amd understanding. Loveyah all!!!! :)))
I hope you, likewise, get to enjoy this story.
A little help? Tell me how you feel about this story. Please? Thank you. :)
-------------
"Takbo lang."
"Takbo pa."
Nakakapanghilakbot na sigaw ng nilalang na naka-traje de boda - traje de bodang puno ng dugo na nilakipan pa nito ng mala-demonyong halakhak.
Hindi talaga mawari kung anong klaseng nilalang siya - lalake, babae, tomboy, bakla o walang kasarian.
Pero hindi iyon ang dahilan ng takot na masisilayan sa mga mata ng isa pang babaeng naka-traje de boda din.
Umiiyak, humihikbi - ito ang patuloy na ginagawa ni Megan habang binabaybay ang madilim na kasukalan. Hindi niya iniinda ang mga sugat at malalalim na saksak ng kutsilyo sa katawan na bunga ng walang patumanggang pagpipista sa kanyang katawan ng nilalang na humahabol sa sakanya.
"Diyos ko. Diyos ko, iligtas niyo po ako." Taimtim na dasal ng humihikbing si Megan habang patuloy sa paglalakad papalayo sa lugar kung saan siya ikinulong.
"Sa tingin mo makakatakas ka dito? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Dinadagdagan mo lang ang sakit na dapat kong iparanas sa'yo." Muling litanya ng taong dumukot kay Megan. Sumunod dito ang tawa na ni sa hinagap ay ‘di nanaisin ninumang marinig sa malawak na pulupot ng kadiliman.
Lalong nadagdagan ang mga pesteng dumadaga sa puso ni Megan. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi nagpatalo si Megan sa sarili. Hirap na hirap man siya dahil sa dami ng saksak ay pinilit niyang makalayo kahit wala siyang direksyon.
Sa bawat hakbang niya ay naririnig niya ang siya ring paghakbang ng taong humahabol sa kanya.
Hakbang ang kanang paa, susunod ang kaluskus mula sa ‘di kalayuan. Muling paghakbang - mauulinigan ang paghahalo ng yabag sa damuhan kasama pa ang tunog na mula sa mga insekto ng gabi.
Napatigil si Megan sa paglalakad nang maramdamang wala na’ng kaluskus.
Lumingon siya upang sipatin ang kaganapan sa paligid, lalo na sa kanyang bandang likuran. Lumingon siya upang tiyakin ang kaligtasan. Lumingon siya - iyon ang pagkakamaling sana ay hindi niya ginawa.
Tatlong beses na pagbabalik-tanaw sa naiwang lungga ng kasamaan, una at ikalawa sana'y sapat na, ginawaran niya ng ikatlo - wala na, sayang lang. Dahil sa muling pagharap sa dapat sana ay kanyang mabilis na tinahak – ay muling tumiklop ang pag-asa ng umagang dapat sana'y masisilayan niya bilang "SIYA."
"Sabi ko sa'yo magpapagod ka lang." Mayabang at kagimbal-gimbal na bungad ng nilalang na nagnakaw ng kanyang katauhan bilang “Megan”.
"Waaaaaaaaaaaaah!" Matining, malakas ngunit maikli. Ito ang huling mga salitang namutawi sa putok na labi ni Megan.
Isang malakas na palo mula sa baseball bat ang pumatay sa liwanag na dapat sana'y papasilay na ilaw para kay Megan.
Matapos ang maikling sigaw ng isang babaeng humihingi ng saklolo ay tanging kaluskus ng damuhang pinapadaanan ng katawang walang-malay ang mauulinigan sa kalagitnaan ng gabi sa lugar na kung saan ang hustisya ay siya nang mahihimlay.
BINABASA MO ANG
SAVAGED IDENTITY
RomanceMemories are what defines one's life. It gives a person character - an identity. But what if all your memories are stolen? What if your identity has been lost? Can you keep up? Can you make it through? What if a very very handsome doctor is right b...