Ring, ring, ring.
Matining at nakakabulahaw na tunog ng alarm clock ni Megan - sakto alas kwatro ng umaga. Halos ibato ni Megan ito dahil nais pa niyang ituloy ang himbing na himbing niyang tulog. Ngunit alam niyang dapat ay bumangon na siya.
Ito ang gumising sa mahimbing na tulog ni Megan.
"Anak, gising na. Baka ma-late kayo ng Daddy mo." Katok ng ina ni Megan.
"Gising na po, Mommy. Maliligo na po ako." Sagot ni Megan habang nakahilata pa rin.
"Sige, 'nak. Sabi nga pala ng Daddy mo ihahatid ka na daw niya."
"Mommy, susunduin po ako ni Kendi. Ihahatid po kami ni Tito Erman."
"Dad, si Erman na daw maghahatid sa Anak mo. Susunduin daw nila dito." Pagbibigay impormasyon ng inang si Merly sa asawang si Gani.
"Ahh, gano'n ba? O, siya, susunduin ko na lang siya pagbalik nila."
Iyon ang huling narinig ni Megan bago tuluyang nawala sa tapat ng pintuan ng kanyang silid ang kanyang minamahal na mga magulang.
Matapos niyang mag-ayos para sa retreat ng klase nila ay diretso na siya sa kusina kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang.
Pagkakita ni Megan sa nakatalikod na bulto ng mahal na amang si Gani ay agad agad siyang lumingkis sa batok nito at yumakap ng mahigpit.
"Good morning, Daddy! I love you po!" Masiglang bati ni Megan sabay halik sa pisngi ng Ama.
"Naku! Naglalambing ang prinsesa ko. May kailangan ka ba?" Nakangiting biro ng ama.
Bahagyang napakalas si Megan sa ama ngunit hinayaan nitong manatili ang pagkakayakap sa ama mula sa batok.
"Daddy naman! 'Pag may hihingin lang ba ako malambing?" Reklamo ni Megan sa Ama.
Isang tawang kay sarap sa pandinig lamang ang isinagot ng Ama ni Megan.
"Ay! Si Daddy tawa lang, o." Paghihinampo ni Megan sa Ama.
"Ito namang prinsesa ko, kung makapagtampo parang batang inagawan pa rin ng barbie." Lambing ng Ama. "Siyempre nagbibiro lang ang Daddy."
Lumawak na muli ang ngiti ni Megan at muling yumakap sa Ama bago sinalubong ang inang tangan ang kanilang agahang pagsasaluhan.
"Good morning, Mommy. I love you!" Masiglang bati ni Megan sa ina matapos kunin dito ang tangan sabay halik sa pisngi.
"Naku! Ang baby ko, dalaga na talaga. Mas matangkad ka na kaysa sa akin." Komento ng ina.
"Hindi pa dalaga iyan. Baby pa rin natin iyan." Pagkontra ng Ama ni Megan.
"Anong baby? Aba! Gani! Baka nakakalimutan mo, nasa second year college na ang anak mo." Sagot ng ina.
Nakikinig lamang si Megan sa mga magulang.
"Oh? E ano naman? That doesn't mean she's no longer my princess. She will always be my princess. And you will always be my queen." Segwey ng mahal na Ama sa kanyang mahal na reyna.
Hinawakan pa ni Gani ang kamay ng asawa at tsaka hinalikan ang kamay.
"Ang sweet naman parents ko!" Masayang komento ni Megan.
"Kaya ikaw, bawal ka pa mag-boyfriend ha? Aral muna." Pagpapaalala ng ama ni Megan.
"Si daddy talaga. Siyempre mag-aaral po akong mabuti." Playing safe na sagot ni Megan.
BINABASA MO ANG
SAVAGED IDENTITY
RomanceMemories are what defines one's life. It gives a person character - an identity. But what if all your memories are stolen? What if your identity has been lost? Can you keep up? Can you make it through? What if a very very handsome doctor is right b...