Callix's POV
Nako naman. Bat ganun. May something kay Ashley. Ewan ko. Naguguluhan ako. Bat di pa online sila Azrael. Basketball nga muna ko.
*phone ringing*
Azrael: Tol! Dito kami sa Margaritta Bar pwede ka ba ngayon?
Callix: Ahh after ng game sunod ako. May gusto kasi akong sabihin.
Zach: Tol dalian mo ba!
Callix: Oo sige tol kita na lang tayo dyan
*end of call*
"Callix! Sub daw pagod na daw si Mark" sigaw ni James
Bat ba ganun. Last minute na to. Lord bigyan mo ko ng sign. Pag nashoot ko to itutuloy ko plano.
"10 seconds" sigaw ng mga nanonood
"Callix ishoot mo na" pahabol ng iba
This is it. For my plan.
"For three" Masayang sinigaw ng mga tao.
Nako naman thank you Lord sa pagbigay ng sign. Nako nako naeexcite ako sabihin kila Zach plano ko.
"Oh tol andyan ka na pala tara upo" pagaaya sakin ni Zach
Umupo na lang ako sa tabi nya. Di ko alam pano ko sasabihin. Kailangan ko ng lakas na loob.
"Teka asan nga pala si Az?" Tanong ko kay Zach
"May sinundo sa labas darating na din yun" sagot nya
"Bulaga!!" sigaw ni Azrael
Kahit kailan talaga walang magawang matino to. Pero wait sino kasama nya parang familiar.
"Kakambal ko pala, hoy ashlengtot umayos ka! Sya si Callix at Zach, friends ko gaya ng wish mo. Yan na HAHAHA" pagpapakilala ni Azrael
Shit pano ko sasabihin plano ko. Tsaka ano? Kakambal? Parang di maganda yun ah. Nakakainis naman. Kasama talaga ng mundo sakin.
"Ashlengtot pala HAHA. Az tara nga samahan mo kong umorder ng foods tsaka wine" pagaaya ko kay Az para na rin masabi ko na plano ko
Di ako umiimik tinitignan lang ako ni Az di ko kasi alam pano ko sasabihin e
"Hoy! Kanina ka pa shock dyan para kang tanga. Ano palang gusto mong sabihin?" Natatawang tanong nya
"Ahh tol kasi ano..." Waah di ko alam pano ko sasabihin to. Basta kaya yan.
"Anong ano? Ano ano ano? Hahaha dali na tol" tinatawanan pa rin ako
"Kakambal mo ba talaga si Ashley?" Tanong ko sakanya. Ay shit baka mahalata ako
"Ahh yung kutung lupa na yun? Oo. Nakakabadtrip no?" Naiinis na sagot nya.
"Ilang years na tayo magkaklase pero di ko alam about dyan ah" nagtatampong sagot ko
"Nagstay kasi sya sa Dubai sakitin kasi sya e" sagot nya
Di ako makaimik. Kaya yan Callix. Friends lang naman e. Walang malisya.
"Oh ano ng plano mo?" Pahabol nya
"Ahh gusto kong makipag kaibigan tayo sa squad nila" shet shet naiinis ako sa sarili kooo
"Yun lang naman pala osige lang. Kaso nga pla broken yun. 2 years na ata nagmomove on yung kupal na yun e. Kaya yun. Bakit pala anong trip mo?" Sagot nya
Nagmamahal din pala yun. Okay naman sya ah. Maputi, singkit, ang ganda ng pagkapula ng labi nya, ang tangos ng ilong nya, lahat lahat na nasa kanya na. Mabait din sya. Katanga naman ata nun.
"Ahh ganun ba? Wala gusto ko lang. Basta tol ah" yan na lang nasagot ko.
"Mr. Hemmings eto na po order nyo thank you" hay salamat nakaka
awkward naman.Papunta kaming table. Wtf sino to. Wala kong makita.
"Sir dalhin na po nila order nyo sa table nyo. Sama po kayo samin" pabulong na sinabi
WTF ano to? Sino yun? Napapano yun. Baliw yun ah putangina nun.
"Wooh" sigaw ng mga babae
What?! Bakit kami nasa stage?! So annoying.
"Go Callix kakanta na yan woohooo" sigaw ng mga babae sa bar
Marunong naman akong kumanta. Nagvoice lesson din kasi ako last year kasi kasama ako sa choir samin. So kahit papano may alam ako sa pagkanta. Pero duh. Nakakahiya. Makikita mo talaga sa paligid na nakatutok phone nila saiyo at hinihintay ka ng kumanta. No choice. May magagawa pa ba ko.
Kinuha ko ang mike na nakalagay sa harap ko. Ganun na din ginawa nila Ashley. Umupo si Zach kung saan nakapwesto ang mga drums. At si Azi naman sa gitara.
Inumpisahan ko na ang pagkanta ganun na din si Ashley
Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwiHawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahatHabang kinakanta nya ang mga linyang yun tuluyan akong napatingin sa mga mata nya. Sa mga maliliit at kumikinang nyang mata. Ang ganda ng boses nya. Ang lamig pakinggan. Di ko alam bat iniiwan pa ang tulad nya.
Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayawNagpalakpakan ang lahat. Nagmadali akong bumaba at pumuntang cr.
"Callix, playboy ka. Kaibigan mo si Az. Callix" bulong sa sarili
Naghilamos ako ng bahagya. Nagmamadali akong bumalik kung saan kami nakapwesto. Habang naglalakad. May nakabungguan ako.
"Ahh sorry"
Tumingin sya sakin. Nagulat ako ng makita kong may namumuong luha sa mga mata ni Ashley. Bigla syang tumingin sa mga mata ko at bigla na syang umalis. At bago mahuli ang lahat hinila ko sya palapit sakin. Nagkatitigan lang kami. At biglang tumingin sa likod ko.
"So-Sorry Callix ahh ano una na ko ahh pasabi na lang kay Az ahh bye bye" nanginginig na sinabi sakin ni Ashley
Tumingin ako at tinignan kung sino ang nasa likod ko at kung sinong dahilan ng pagiyak ni Ashley. At nakita ko si Michael at Erich na naghahalikan. Talagang dito pa. Sya lang pala? Nilapitan ko sila.
"Excuse me. Sorry kung naistorbo ko kayo. Pero please stop doing that. Nakakairitang tignan" pagsusungit ko. Nakakasuya nga naman kasi.
"Ulol pala to e. Bakit sayo ba to? Makapagpahinto ko parang ikaw may ari neto" galit na sagot nya sakin
Tinignan ko syang masama na parang nagbabanta at umalis na ako ng bigla nyang hinila ang damit ko. Pinag susununtok ako nito at naglabas ng patalim at sinaksak sa bandang tagiliran ko. Unti unting nagdilim paningin ko. Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko. Nakita ko si Ashley. Yun na siguro dapat kong gawin para umayos na sya.
"Callix!" huling narinig ko mula kay Ashley.
BINABASA MO ANG
Music Sweethearts
Novela JuvenilMusika ang sandalan sa tuwing ika'y nasasaktan, musika ang dahilan sa tuwing ika'y masaya. Sa musika nga din ba mabubuo ang pag-iibigang di mo inaasahan?