Chapter 3

132 11 1
                                    

Ang sarap ng pakiramdam, parang nagkatotoo yung hiling ko. Saan na ba ako? Oras na ba? Saan na si Einstein?

"Gumising ka, Dean!, wag mo kong iiwan dito kasama ang iba. Dalhin mo na lang ako, gusto ko makita si Curie! Iyak ni Meldy.

"Wag kang OA Meldy, sinabihan ako ni Curie na ako na daw yung future 26th Century Einstein!" Nasasabik kung pagsabi.

"Wag ka nang umasa friend, winawalis na ng apo mo yung alikabok na iniwan mo."

At, doon sa sandaling iyon, nasira na yung puso ko, dahil pinaasa ako ni Idol at pati na rin sa pagtutukoy ni Meldy sa akin bilang isang friend. Naalala ko yung dahilan, kung bakit hinimatay ako nang tumingin ako sa kaniya.

"Master!" Sigaw niya.

Hihiga na sana ako sa isang private room ng isang hospital, ngunit mas masakit yung sampal ni Meldy kaysa sa karayom.

"Huhh? Sino ka ba?" Tanong ko.

"Uh, sorry Master, ako pala si Fredrick, ang 1st class na mayordomo ng pamilyang Hanginon. 

Sa totoo, hindi ko siya kilala, ngunit may isang tanong siya na napabayaan ako naka nganga.

"Alam mo ba ang hanapbuhay ang tatay mo?"

"Paa-"

"Isang lider ng mafia si tatay mo, noong bata pa siya, ang tatay ng nanay ng tatay ko yung 1st class mayordomo ng pamilyang Hanginon." paliwanag niya sa akin.

Ganun pala ka classy ang pamilya ko, kaya naisip ko yung mga magagandang ideya ng mga lalaki na kaya ko nang ma"achieve".. Alam ko na kung bakit maraming babae ang nagkagusto sa akin, kung bakit lahat na celebs Idol ako at kung bakit Hanginon ako.

"Master Dean, ang unang dahilan bakit nandito ako, ay kasi, nasa kapahamakan ang iyong buhay at pati na rin ang iyong pamilya."

Linusob daw ng Flat Clan yung HQ namin. Gusto daw ni Tatay na ako yung papalit sa kaniya bilang boss, kapag nakarating ako ng College. Pinagisipan ko muna yung gusto ko sa buhay. Gusto ko magkaroon ng apat na anak, dalawang lalaki at babae, walang homosexual. Magkaroon ng malaking bahay malapit sa casino at ibang pang hiling ko na gusto ko mangyari. Inimbita ako ni Fredrick sa isang Japanese Restaurant. Inimbita ko na din si Meldy, pero ang akward niya simula pa nang sinabihan ako ni Fredrick tungkol sa Flat Clan.

"Ms. Meldy, gusto mo bang pakasalan si Master Dean?" Tanong ni Fredrick.

"Huh?! Anu ba ang nasa loob ng iyong ulo?" Sigaw ko.

"Master, para po ito sa iyong future, kailangan ng isang boss, ng isang asawa. Pwede na rin apat."

Naisip ko na merong akong kapangyarihan bilang isang future boss.

"Mmm... Fredrick." Sabi ko gamit ang boses ng isang boss.

"Sorry Master, hindi mo na pala kaya umasa sa iba na ibigin ka ng dalawang beses, pero may nagustuhan ka ba Ms. Meldy kay Master Dean?"

Tumawa si Meldy, at ngumiti si Fredrick. Wala akong maintindihan sa kanila, parang Rebisco, ang sarap ng feeling. May sasabihin sana ako ng dumating yung pagkain. Nakita ko yung kanin, at inisip ko na lang na sana ako na lang yung kanin upang wala mag-aaksaya sa akin. Nagpatuloy yung mga hugot ko gaya ng; Sana siya na lang sa left para ako ang right person sa kaniya. Sana siya na lang si Ma'am Balinteno para mahimatay siya sa aking kapogian. Tinanong ko yung sarili ko, Bakit ba dinala ko yung plastic? dapat merong tamang segregration.

Hindi ko napansin, hinahawakan na pala ni Meldy ako sa puwit. Mahilig nga kasi yung ilang babae humawak ng puwit ng mga lalaki, "women's fetishes".

"Dean, gutom ka ba?" Tanong ni Meldy.

"Siguro, hindi pa ako busog eh." Denial is real.

"Dean, wag mo itong seryosohin, just say ah!" Pinakain ako ni Meldy ng ramen, sushi at iba pa.

Pumula yung mga pisngi niya at akin rin, kagaya noon. Hinawakan ko yung kamay niya. Tumingin kami sa isa't isa sa ilalim ng limang minutos.

"Eheemm, Eheemmm. Master Dean." Pakikialam ni Fredrick.

"Wag kang KJ bes." Sabi ko.

"Master, mukhang merong mga miyembro ang Flat Clan dito, alis na po tayo."

Itinuro ni Fredrick ang mga miyembro, kagaya ng kanilang clan, flat sila lahat, no offense.

Tumayo kami papunta sa exit, merong sandata ang mga pilyo sa kanilang likuran. Nang tumayo sila, Natakot ako. Sila ang unang tumakbo papunta sa amin, sinuwerte ako, dahil isang akong otaku. Marami ako nalalaman tungkol sa spells na pangdadag ng speed namin, pero minalas ako dahil gagana lang iyon sa mga taong may ka MU.

Desperado kami, kaya naghiwalay na lang kami. Muntikan na akong umiyak dahil dalawa lang kami ni Meldy, si Fredrick, ang lonely talaga. Naubosan ako ng enerhiya, pumasok na lang kami sa isang kalye, ngunit napahinto kami sa sulok nito. Nakaabot ang babaeng miyembro ng Flat Clan, itinuro niya ang kanyang baril sa akin, AK-47. 

*Thug*

Natumba yung babae sa harap namin.

"Mark John, ikaw ba yan? Full proof as ever ang iyong tula mo, kung yan ang iyong ginamit." Sabi ko.

"Konichiwa!"

Hindi pala iyon si Mark John, siya pala ang yung aking....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love DecidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon