Chapter Spell: Reparo! - to fix broken objects.
=0=
"Ma, punta na po ako sa school!" Sigaw ko habang madaling inaayos ang mga gamit ko. Bakit ba kasi kung kelan kailangan ko ng alarm tsaka ko naman nakalimutang i-set kagabi? Bakit kapag walang pasok tsaka tunog ng tunog sa umaga yung alarm na 'yon?
Isinukbit ko na 'yung bag ko sa isang balikat ko at inayos ng kaunti ang blouse ko. Mukha nanamang di naplantsa 'tong damit ko na 'to. Tss.
"Hindi ka na ba kakain ng breakfast?" Ani mama mula sa kusina.
"Malelate na po ako, sige po alis na ako!" kumaripas na ko ng takbo papunta sa bike ko.
Yes, I use bike para eco-friendly diba? Atsaka malapit lang naman 'yung school ko sa bahay namin, andyan lang sa ututan, chos'. Iwas gastos pa diba?
Chineck ko muna yung gulong kung kaya pa, dahil matagal-tagal na rin akong nakapagpalit ng gulong. At nakakadalang maflattan ng gulong sa daan noh'.
Tiningnan ko ang orasan ko bago ako umangkas sa bisikleta ko.
7:45
Ah shit! Late na talaga ako! Ay nako Alicia! Lagi ka na lang late!
"I.D po miss." Bungad ng guard nang huminto ako sa tapat ng gate ng school namin.
Si kuyang guard naman, parang hindi naman ako kilala. Hihingin pa yung I.D kong epic fail ang picture.
Kinuha ko yung bagpack ko at nagkalkal. Aish! Nandito lang iyon kanina ah! Bakit wala??
Halos binaligtad ko na yung bagpack ko pero wala paring ni bakas ng I.D ko.
"Kuyang guard, malelate na po kasi ako, naiwan ko po ata ung I.D ko sa bahay." sabi ko kay manong guard, todo paawa na ang peg ng face ko para lang payagan na niya. Naman kasi noh' sa ilang taon banaman na dito ako pumapasok, di pa ba siya sanay saakin?
Nakatingin lang siya ng straight saakin na para ba siyang bangkay na walang buhay. Gumana ka naman please! Late na ko oh!
"Hindi pwede Miss. Protocol iyon dito sa eskwelahan ninyo." Sabi ni manong guard, at aba nagdikwatro pa ng upo! Paprotocol-protocol pa! If I know may iba naman siyang estudyanteng pinapalampas! Nataon lang na napagtripan niya ko. Huh!
Napakamalas ko naman ngayong araw oo!
Kainis kasi si manong bangkay na guard! Dapat magretire na yan eh! 'Di niya ba alam na late na late na ko! Para naman kasing 'di ako tagaschool na to para di papasukin! Nako! Pag ako naging presidente ng eskwelahan na 'to papatanggal ko yang batas ID McDuffie na yan!
Lumayas na ko sa harapan niya dahil baka kung ano pa ang magawa ko sakanya. Baka bigla na lang siyang lumipad sa kinauupuan niya sa inis ko.
"Urgh! Napakahigpit talaga ng matandang bangkay na yan!" bulong ko sa sarili ko habang sumasakay na uli sa bike ko.
"May sinasabi ka ba miss?" tanung ni manong bangkay na nakatayo na ngayon.
Naku po! Narinig pa niya 'yun? Medyo matalas panaman pala ang tainga ni Lolo bangkay.
"Wala ho!" sigaw ko atsaka ko pinatakbo yung bike ko.
Habang nasa daan ako bigla akong nahirapan magbike. Parang may kung anong pumipigil sa pedal para makausad ako. Ano nanaman ba problema Richie? Ilang beses na kita naipacheck-up sa manggagawa ah?
Tumigil muna ko, pagkakita kita ko natatanggal na ung kadena nung bike ko.
Shemai naman! Bakit ngayun pa!? Ngayon pang nagmamadali ako at may kailangan akong kunin!? Jusme! Kamalsmalasan naman talaga, di kaya may balat sa pwet yung... yung.. ahm.. yung bag ko?
BINABASA MO ANG
Griffinshole Town [under construction of editing]
FantasyExtraordinary world, extraordinary people. A town that is full of fairytales and spells, a world for wizards and a secret place for extraordinary fairytale, with the sweet touch of spells..... -o- not your ordinary wizardly story. She is Alicia Gro...