11

7.2K 188 33
                                    

Jho

Hindi maalis alis yung tingin ko kay Bea habang nakaupo siya sa may kabilang dulo ng lamesa sa bar kung nasaan kami ngayon. Nanalo kasi ang basketball team nina Thirdy laban sa rival school nila kanina kaya nagkayayaan silang mag-celebrate kasama kami, yung coaching staff, at ibang malalapit nilang kaibigan.

Kaya eto ako ngayon, nakaupo sa tabi ni Thirdy na masayang nakikipagasaran sa mga teammates niya habang panakaw lang akong sumusulyap kay Bea na kanina pa ako hindi pinapansin mula nang nagkasalubong kami sa may MOA arena.

Hindi ko din siya masisisi. Kahit ako hindi alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanya pagkatapos niyang magtapat sakin. Nalilito din kasi ako sa nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako na-orient sa dapat gawin at i-akto kapag nalaman mo na may gusto sayo ang isa sa mga kaibigan ng boyfriend mo!

Pero sa totoo lang hindi ako ganoong nagulat nung umamin na si Bea na may gusto siya sakin. Hindi naman ako manhid. Alam ko at ramdam kong may something. Ayaw ko lang talaga i-acknowledge kahit nung umpisa pa lang.

Iniisip ko din kasi ang pwedeng maging reaksyon ni Thirdy kapag nalaman niya. Syempre wala akong balak sabihin pero paano kung dumating sa punto na malalaman nga niya? Ayoko naman na magaway at magkagulo silang magkaibigan ng dahil lang sakin.

Huminga ako ng malalim at inilayo ko muna ang tingin ko kay Bea. Ayoko na munang mag-isip. Nakaka stress mag-isip. Wala rin naman akong magagawa sa sitwasyon. Ikakain ko na lang 'to.

Mayamaya pa ay nagkayayaan na kaming umuwi dahil pagod din yung ibang kasamahan ni Thirdy. Sinabihan ko na din siya na umuwi na kami dahil kanina pa siya nagrereklamo na masakit yung katawan niya. Naka akbay siya sakin habang papalabas na kami ng bar pero hindi ko maiwasan na lumingon sandali kay Bea na kasalukuyang umiinom ng beer kasama yung ibang kaibigan ni Thirdy.

Mukhang wala pa siyang balak umuwi.

Gusto ko sanang sabihan si Thirdy na pigilan si Bea uminom at ayain nang umuwi pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Isa pa, natatakot din akong makahalata siya kaya hinayaan ko na lang. Malaki na si Bea, siguro kaya na niya ang sarili niya.

Hinatid na din ako agad ni Thirdy at nakauwi na akong hapong hapo na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Napapatitig ako ng matagal sa kisame habang dumako na naman si Bea sa isip ko.

Nung mga nakaraang araw halos puro si Bea na lang ang lagi kong naiisip. Ewan ko ba. Minsan tuloy nagi-guilty na 'ko lalo na kapag kasama ko si Thirdy. Feeling ko kasi nagtataksil ako sa kanya kahit wala naman kaming ginagawang masama ng kaibigan niya.

Napahinga ako ng malalim dahil sa naiisip ko. Ano kaya ang pakiramdam ng maging girlfriend ang isang Bea de Leon? Napaka sweet at thoughtful niyang tao kaya sigurado akong swerte talaga kung sino man ang magiging karelasyon niya balang araw. Bukod dun, ang ganda niya at lakas pa ng appeal niya.

Ang problema lang bukod sa maraming nagkakagusto sa kanya, nakwento sakin ni Thirdy dati na may pagka salawahan daw si Bea. Minsan nga daw may pinagsabay siyang dalawang babae at nag abot silang tatlo sa iisang bar. Hindi naman daw nangako ng commitment si Bea sa kahit sino dun sa dalawa pero dahil pareho silang head over heels sa isang yun, nagsabunutan daw at nagkagulo sa bar.

So malamang kung magkakaroon man ng pagkakataon na maging kami balang araw, mangangamba lang ako palagi na baka mambabae siya ng hindi ko alam.

Ayoko na 'no. Ayoko nang bumalik sa ganoong klaseng relasyon. Masyado akong naging martyr nung kami pa ni Baham na kahit madami nang nagsasabi na nangangaliwa daw siya ay hindi pa din ako naniniwala. Ayoko ng maramdaman ulit yung klase ng sakit na malaman na hindi pala ako sapat sa taong karelasyon ko.

My Best Friend's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon