Ang lakas ng kaba sa dibdib ni Jho habang nakaupo siya mag-isa sa restaurant na pinag-usapan nilang magkikita ni Bea. Hindi nga niya maintindihan ang sarili niya kung bakit bigla na lang niyang naisipang kunin yung contact number ni Bea sa phone ni Thirdy at i-message siya so they can see each other and talk.
Medyo nakokonsensya pa nga siya dahil basta na lang niyang binuksan yung phone ni Thirdy while he was in the comfort room and immediately searched for Bea's number so she can save it on her own contacts.
Ang iniisip lang naman niya, kailangan lang talaga nila mag-usap ni Bea tungkol kay Thirdy at sa dinner date na mangyayari sa kanilang tatlo bukas ng gabi. Mahirap na kasi baka makahalata pa si Thirdy na hindi sila okay at biglang mag-usisa.
Maliban naman dun, Bea also said something to her at the party that keeps bugging her mind.
I've been looking for you. I don't know where to find you.
Jho wants to know kung anong ibig sabihin dun ni Bea. Why was she looking for her? Hindi naman sila magkakilala. Wala silang link sa isa't isa.
Well, aside from that kiss that happened between the two of them before she decided to pull back and walk away.
If she was being honest, meron siyang konting attraction na naramdaman kay Bea while they were talking that night. Nung una sinusungitan pa niya si Bea kasi she thought that she was just talking to her because she's looking for a one-night stand. Clearly, Jho is not that kind of girl kaya ni-rebuff agad niya yung mga advances ni Bea sa kanya sa simula pa lang. Hindi naman niya akalain na maa-attract na din siya sa kanya eventually habang naguusap sila. There's just really something with Bea's aura that fascinated her. Yung parang ang sarap niyang kausap at kasama at parang gugustuhin mo na lang na palaging nasa tabi niya. Kaya nga hindi na siya magugulat kung bakit madaming nahuhulog sa mga katulad ni Bea.
Shucks. What is she thinking? Bakit yung attraction kay Bea ang nasa utak niya? Okay, erase muna yun. Kung na-attract man siya kay Bea noon, pwes wala na yun ngayon sa kanya. Baka nga kaya lang niya yun naramdaman kay Bea dati ay dahil malungkot at mag-isa siya at nasasaktan pa siya dahil sa ginawang pangangaliwa ng ex niya. Bea somehow made her feel not so alone at the time kaya naman kahit papano, gumaan yung pakiramdam niya. For now, they really need to talk things through so there won't be any awkwardness between them when they meet up tomorrow at dinner with Thirdy.
Mga kalahating oras na din nakaupo at naghihintay si Jho at the restaurant. She keeps on checking her phone to see if Bea has finally texted that she's already on the way. Kinabahan tuloy siya lalo dahil baka maisipan ni Bea na huwag na lang siyang siputin. Hay nako, subukan lang niya talagang hindi sumipot!
She glances around the area to see if the girl she is waiting for could be lurking somewhere. Nagsisimula na din kasi siyang hindi mapakali. Kung alam niya lang na hindi agad makakadating si Bea, sana hindi na lang niya inagahan.
Asan na ba kasi yun? Siya na nga yung nag-effort na makipagkita sa lugar na malapit sa school ni Bea tapos siya pa 'tong pinaghihintay.
Bigla naman nag-ring yung phone niya ng hindi inaasaan na sobrang nagpalakas sa tibok ng puso niya dahil sa gulat at kaba. She is expecting that it would be Bea calling but she gets dismayed a little when she sees Thirdy's name on the caller ID.
She answers the call. Mukhang di pa naman darating si Bea.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Girlfriend
FanfictionAre you willing to give up your friendship with your long-time best friend so you can finally pursue the very first girl to ever make you feel that love is worth fighting for? Or are you just going to stay away and live on the side lines to watch th...