Chapter Three

24 0 0
                                    

''naglalakad ako sa kalagitnaan ng gabi at ang dilim-dilim na tila wala kahit ni anong uri ng liwanag na maaaninag, kagyat akong napalingon ng sa wakas ay mayroon ng liwanag,,,

'ngayon ay nakatingala ako sa isang mataas na kastilyo, napakalaki na parang sa mga Fairy Tale ko lamang nakikita at sa tuktok ay nakadungaw ang gwapong prinsepe, di ko agad mailalarawan ang kanyang mukha sapagkat napakalayo niya sa akin, naghanap ako ng pintuan o kahit anong lagusan na patungo sa kanyang kinaroroonan wala akong makita kondi ang isang hagdan, at hindi lamang ito isang hagdan kondi isang bakal na hagdan, nakapagtataka hindi ba?saan nanggaling ang bakal na hagdan?paano iyon napunta roon?at iyon lang ba ang paraan upang makaakyak sa itaas patungo sa nakadungaw na prinsepe?.. iyon ang mga katanungang hindi ko kayang bigyan ng kasagutan kaya wala na akong magagawa kondi umakyat gamit ang hagdan...

'sabay sa determinasyon kong makaabot sa kinaroroonan ng prinsepe ay pinilit kong makaakyat kahit na nakasuot ako ng palda, at habang pataas ako ng pataas sya namang paglamlam ng liwanag, "malapit na.,konti nalang Serenity, kayang kaya mo yan .. AJAH!!!,.  at yun nga, malapit na ako sa prinsepe ngunit unti-unti namang dumidilim ang kapaligiran pero wala akong pakialam dahil gusto ko syang makita at iyon ay malapit ko nang makamit sapagkat abot kamay ko na lamang ang prinsepe na ngayon ay inaabot na ang kanyang kamay at patungo sa akin na agad ko naman sanang aabutin ng biglang nawala ang tanging liwanag..,,

" anong nangyayari? bakit nawala ang ilaw? let there be light!!

'sa pamamagitan ng aking salita ay nagkaroon nga ulit ng liwanag na nakapagbigay sakin ng ngiti ngunit kagyat ding napalis ng makita ko kung sino ang nakadungaw sakin,,. OoO..  wahhh!!! si Undertaker????

"teka tama ba ang nakita ko? si undertaker nga?,, WAHHH!!! bakit sya narito??? nasaan ang prinsepe?? T____T,, >.>    <.<     OoO ... WAHHH!!!.. si JOHN CENA??? si TRIPLE H?? at ang mga iba pang WWE wrestlers bakit sila nandito??? WAHHH!!!! ano ba to... nasaan ang prinsepe ko???? T____________T.....

TOINK!!! PLANGAK!!!!..

"ARAY KO PO!!! ANO BA!!! BA'T KABA NANANAPAK???.. T____T .. ako himas himas ang ulo ko na sinapak ng bakal na kamay

'KUNG AYAW MONG MATULOG, MAGPATULOG KA....

inabot ko ang switch ng table lamp ko ng malingunan ko ang....

"WAHHH!!! MOMO!!! anong nangyari sayo fiona????

'Nagtatanong kapa?? ehh kanina pa ako nagising ng dahil sa ingay mo...  si Fiona na parang galing sa taping ng Kung Fu Panda na namumutla na at nangigitim pa ang gilid ng mata at eyebags..

"Anong ingay bang pinagsasabi mo ehh nananaginip ako rito..

'Oo alam kong nananaginip ka, GRABEHH,, daig mo pang broadcaster kung managinip ehh, lahat ba naman ng nilalaman ng panaginip mo sinasabi mo kaya panong di ko malalaman na nananaginip ka???. >.< .. 

"ANO!! lahat ng nilalaman ng panaginip ko??

'Opo, kapital L.A.H.A.T, lahat, mula sa paghingal hanggang sa pagsigaw mo ng nasaan ang prinsepe mo lahat yun narining ko..

"GRABEHH ka naman Fiona, kahit ba naman sa panaginip ko wala nang privacy??? wala ka talagang patawad T_T ako na naiiyak na sa sinasabi ni Fiona

TOINK!! pLANGAK!!

"ARAY NAMAN FIONA!! kanina kapa nananapak huh!! ang bigat kaya ng kamay na bakal, naaalog di lng brain cells ko kundi pati narin ang tutuli ko!!

'Anong walang privacy ang sinasabi mo?? ehh ikaw tong nagsasalita pag tulog dyan, at pwede tigil-tigilan mo yang pagtitingin mo ng wrestling huh!! ikaw napa sadista mo ring babae ka ehh.. >.< si Fiona na pinandidilatan na ako ng mata

Reality BitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon