Awkward

76 4 3
                                    

Jin's Pov

"Hoy Jin!" Tawag sakin ng kapatid kong si Blake

Lumingon lang ako sa kanya at hindi umimik. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala namin.

"Pano mo nakilala si Gail?"

Di ko nga pala binanggit kanina.

Tumabi siya sa pag upo sakin.

"Nagkita kami once sa 7'11"

"Yun lang? At naging friends na kayo??"

Tumango lang ako. Pero may bigla akong naalala.

"Diba sabi mo sakin may nagustuhan ka, isa sa mga friends mo? And you didn't mention her full name only the first letter. And that is G. I was just thinking kung si G---"

"Stop, okay tama yung hinala mo"

Nabigla ako. Di ko naman alam na tatama ako. Totoo kaya si Gail yung tinutukoy niya?

One time nagconfess siya sakin. Matagal narin yun, sabi niya may nagustuhan siya. Nung una wala lang ako kasi akala ko naman na lalaki yung nagustuhan niya. Nabigla ako nang sinabi niya na girl.

Sabi niya kasi sakin na first time niyang magkagusto sa girl. Natawa ako nung time na yun kaya binatukan ako ng kapatid ko. Kahit bakla yun ang lakas parin.

At ayun hindi niya sinabi yung name ng girl basta nagsisimula daw sa "G" yung name.

And now parang nalungkot ako kasi si Gail pala yung nagustuhan niya. Eh parang gusto ko na rin kasi si Gail. Alam kong bakla si Blake at dapat magiging panatag ako dun kasi lalaki ako.

"Bakit ka tulala?"

Para akong nagising bigla sa pag dadaydream ko nang nagsalita si Blake

"Ha? Wala. So si Gail pala yung tinutukoy mo?"

"Oo. Haaay. Di ko alam kong matatawa ako sa sarili ko. Kasi nagkagusto ako sa Girl at yun ay si Gail"

"Pano mo ba siya nagustuhan?"

"Pano nga ba? Hmmm. Syempre dahil sobrang bait niya plus sobrang ganda, i like the way she smiled at me. Para akong matutunaw. And everytime kapag kakanta siya? gooossshh! Kinikilig ako always kapag naririnig ang boses niya"

Bakas kay Blake ang kilig sa mukha niya. Natawa nalang ako.

Mayamaya naalala ko na kinuha ko yung number ni Gail. Nabigla ako ng siya unang nag alok na hingin ang number ko. Pero dahil naiwan ang phone niya ay ako nalang ang humingi.

Gusto ko siyang itext para tanungin kong busy ba siya. Pupunta kasi ako ng 7'11.

To: Gail
Hi Gail. Si Jin pala ito. Pagod ka na ba?

Di nagtagal nag reply naman siya

From: Gail
Saved. Matutulog na sana ako. Bakit?

Nalungkot ako bigla. Sayang di nalang ako pupunta dun.

To: Gail

Wala naman. Next time nalang siguro. Sige. Goodnight :)

Sana sa next time di siya busy.

From: Gail

Goodnight.

***

Sabay kami ngayon na pumasok ni Blake. Isa din siya sa pumasa sa SC. Syempre kung gaano ako katalino ay ganun din siya.

Nasa room na kami at di nagtagal dumating na si Briyce.

Hinintay kong dumating si Gail at mayamaya dumating na siya kasama si Kim. Syempre di nila kami pinansin.

Pumunta na sila sa likod. Kahit naman nag pangdisguise ang dalawang to ay makikita mo parin sa kanila ang ganda.

"Sa likod ba sila nakaupo?" Bulong ni Blake

"Ano sa tingin mo?"

"Ang sungit ha?" Tumayo siya bigla at pumunta sa likod

Nakikipag kwentohan pa talaga tong kapatid ko, gusto niya lang naman makatabi si Gail. Tsk.

***

Blake's Pov

Pumunta ako sa likod matapos kong kausapin si Jin. I saw her again and again. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Alam kong bakla ako pero bakit nagkagusto ako sa girl? VICERYLLE lang ang peg?

Umupo ako sa tabi ni Gail. Kahapon ko lang ulit nakita ng malapitan yung face niya. Kinilig tuloy ako pero syempre diko pinahalata.

"Hi Blake" bati sakin ni Kim

Nagsmile lang si Gail. Pansin ko talaga lately ang tahimik sakin ni Gail, galit kaya siya?

"Saan kayo mag lalunch mamaya?" Out of the blue kong tanong

"San nga ba? Hmmm, san tayo mamaya Gail?"

"Ha? Sa canteen nlang"

"Sabay tayo ha?? Namiss ko kasi kayo sobraaa!"

Totoo naman na namiss ko sila. Sila lang ata ang naging close friend ko.

"Sure"

Buti naman kinausap na ako ni Gail. Kinikilig na naman ako.

***

Nasa canteen kami ngayon. Kasabay namin sina Jin at Briyce pro magkaiba yung table nila, alam nyo na. Nasa likod namin sila.

"Hanggang kailan nyo ba titigilan yang pagdidisguise ninyo?"

"Hanggang sa magsawa kami" as usual si Kim lang ang sumagot

"Gail?" Tanong ko sa kanya kaya lumingon siya sakin

"May gagawin ka bukas?"

Dahil sabado bukas gusto ko sanang lumabas kami ni Gail.

"Hoyy Blake! Bakit si Gail lng ang tinatanong mo ng ganyan??"

"Wag ka ngang ano Kim. Alam ko namang busy kang tao kaya useless kong magtatanong pa ako"

Nagpout lang si Kim.

"Wala naman Blake, bakit?"

Bakit kapag siya ang babanggit sa pangalan ko ay parang iba? Arggggh. Ang sarap pakinggan <3

"Ano kasi gusto kong mamasyal tayo"

"Tayo lang dalawa?"

Kami lang ba dalawa? Ang awkward naman kung kami lang. Okay sana kong sasama si Kim kaso may gagawin kasi siya every Saturday.

Kaya napalingon ako sa likod kung saan nakatingin din sakin si Jin. May maganda akong naisip.

"Nope, kasama natin si Jin"

***

"Seryoso? Sasama ako sa lakad niyo ni Gail bukas?"

Nasa bahay na kami ngayon at kausap ko ang magaling kong kapatid.

"Paulit ulit? Oo nga sabi. Gusto ko nga sana kaming dalawa lang pero ang awkward ata at baka di ko kakayanin at mahimatay ako"

Napansin ko kay Jin na first time niyang hindi umayaw sa mga lakad ko na kasama siya. Siguro gusto niya rin makasama si Gail.

***

Maaga akong nagising, susunduin kasi namin ni Jin si Gail sa kanila. 9am yung usapan namin.

Pagkatapos mag ayos ay pumunta na kami sa bahay ni Gail.

Kakatok na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Sh*t ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nasa harapan ko ngayon si Gail. Ang ganda sobra. Naka dress siya na white at pinaresan lang ng converse na shoes.

"Tara na?" Si Jin na ang nagsalita.

---

Naka update rin! Huhu bawi ako sa next chapter guys.

To be continued..

Thanks for reading :)

Unexpected CouplesWhere stories live. Discover now