Blake & Gail

13 3 1
                                    

Gail's Pov

Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Litong lito ako ngayon! Arrrrggghh!! Ang bilis ng pangyayari.

Nasa kwarto ako ngayon kakauwi ko lang. Pumunta kami kanina sa Park nina Blake at Jin. Totoo ba yung sinabi ni Blake kanina? Na gusto niya ako?

Flashback

Habang naglalakad kami sa park nakaramdam kami ng pagod kaya umupo kami sa grass. Nagdala si Blake ng kumot at mga pagkain. Habang kumakain ramdam kong tumingin sakin si Blake.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

Dahil sa tanong ko ay napasmile siya

"Baliw" dagdag ko

"Dahil sa'yo" sagot niya

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Kaya napaiwas ako ng tingin. Nakita ko si Jin na dumistansya sa aming dalawa ni Blake. Ano naman ang problema ng isang to? Tsk. Mas nabigla ako nang nasa harap ko na si Blake at hinawakan ang kamay ko. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.

"May sasabihin sana ako"

Dahil sa sinabi niya biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Gail, gusto kita. Gustong-gusto kita, dati pa"

End of flashback

"Kasalanan mo to Blake kung bakit ako nagkakaganito eh!"

"Ang tanga ko kanina dahil nabigla ako sa sinabi niya ay napatakbo ako. Gusto kong umiyak sa hiya!" Sabay takip ng unan sa mukha

"Feeling ko ang pula ko kanina"

Mayamaya biglang nagring yung phone. Di ko pinansin dahil wala ako sa mood makipag usap sa iba.

"Gusto kong kumain ng noodles" *sad tone*

Nagring ulit ang phone ko.

"Kung sino ka man gaano ba importante ang sasabihin mo at kailanganan mo pang tumawag!?"

Kung may tao lang siguro dito iisipin talaga nila na baliw ako.

Huminto ulit ito sa pagriring. Pero nagring nanaman ulit.

"FINE!"

Tumayo ako at Inis kong kinuha ang phone sa table. Dun ko nalaman kung sino ang tumawag.

"Jin?" Dadali ko itong sinagot

"Buti naman sinagot mo"

"Bakit ka napatawag"

"Busy ka ba?"

"Hindi naman nasa kwarto lang ako. Bakit?"

"Good. Gusto ka kausapin ng kapatid ko."

Ito nanaman tayo, parang lalabas na yung puso ko dahil sa kanya.

"Ha? Sorry busy pala ako muntik ko ng makalimutan. Bye!"

Dali dali akong pumunta sa kama at humiga.

"Parang ayaw ko na pumasok sa lunes" iyak kong wika.

"Alam ko naman sa sarili ko na crush ko siya, dba dapat matutuwa ako? Tama! Natutuwa ako kasi gusto ako ng crush ko!" Dagdag ko pa

Nagwawala ako sa kama ng biglang nagvibrate yung phone ko. Nilagay ko pala to sa may unan.

From: Jin
Kanina pa kami sa labas ng bahay niyo. Mag dadalawang oras na kami andito, kailan ka ba lalabas?

"Anak ng! Kanina pa sila?!"

Dali dali akong lumabas. At yun nakita ko sila.

"Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong sakin ni Jin

"Bakit ba kayo andito?"

"Gail"

Lumapit sakin si Blake.

"Bakit?"

"Galit ka ba?"

Pigilin niyo ko! Ang cute ng crush ko! ako galit? Kung pwede lang sana. Charot

"Ha? Hindi. Bakit?"

Bigla niya kong niyakap

"Sorry sa sinabi ko kanina Gail"

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sakin kaya niyakap ko na rin siya pabalik.

"Okay lang. Sa totoo nga natuwa ako"

Bigla siyang kumalas sa pagyakap at tumingin sakin ng dretso. At hinintay na magsalita ako ulit.

"Ano kasi Blake, ahh, kasi ano, hmmm, CRUSH KITA DATI PA!"

Napapikit ako sa sinabi ko sabay takip ng mukha ko gamit ang dalawang kamay.

Inalis ni Blake ang kamay ko sa mukha at hinawakan ito.

Unti unti kong dinilat ang mata ako. Sh*t!!! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Bakla ba talaga to?! Nagsmile sya habang nkatingin sa kin. Gusto kong umusog pero di ako makagalaw, hinawakan niya kasi ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay. At hawak rin ng isa niyang kamay ang bewang ko.

"Matagal mo na pala ako gusto. Bakit di mo sinabi?"

Di ko alam may ganitong attitude si Blake. Ang galing niyang mang akit kahit bakla siya

"Natatakot kasi ako sayo"

Natawa siya sa sinabi ko.

Mas lumapit siya sakin para bumulong

"Pwede ba kitang ligawan?"

Diko na napigilan ang sarili ko at natulak ko siya, mahina lang naman. Tumakbo ako sa likod ni Jin na kanina lang pala kami pinanuod.

"Tsk" yan lang yung narinig ko mula kay Jin

"Oy Gail bakit ka andyan gusto mo rin ba si Jin?"

Dali dali siyang lumapit at hinila ako. At tinignan si Jin ng masama. Sabay bulong ng "Akin siya"

Baliw na talaga si Blake! Gusto kong umiyak dhil sa kakyutan niya kainis!

Long time no update! Mahigit 4 years lang naman bago maka update amp HAHAHAHAHA. Di ko na alam ang takbo ng storyang ito.

Vote & comment
Thanks for reading :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected CouplesWhere stories live. Discover now