You Needed Me (Chapter 3)

1.6K 31 0
                                    

11pm na nang makarating sa bar ang magkakaibigan.At gaya ng napag usapan,si Vice ang taya sa lakad nilang ito kung kaya sige sa pag order ng maiinom ang mga beks at pati na rin ang pulutan ay pinakyaw na yata nila.Hindi naman umalma si Vice na tila tuwang tuwa pang makipagharutan sa mga kasama.

"Hoy ats!anek ganap?bakit galante ka yata ngayon?"si Negi
Binato naman ito ni Vice ng lemon sa mukha na agad namang sinipsip ng huli.

"Maka-hoy ka saken,g@g*.Ano ba?!Diba nga sabi ko,celebration 'to?!Sa wakas,wala na sa buhay ko yung babaeng 'yon," ani Vice saka inisang lagok ang nasa hawak nyang baso.
Nagkatinginan naman ang mga beks dahil sa sinabi nito.

"Wala as in.."-Archie

"Pinalayas na nya si ati mong girl sa balur,"-Buern

"WHAT?"-Archie

"Correction.Hindi ko sya pinalayas.Sya ang umalis.Saka mabuti na rin yon,parehas kaming nakalaya sa lintek na sitwasyon namin,"

Bigla namang nanahimik ang mga beks dahil kahit sila ay nalungkot sa nangyari.Hindi para sa kaibigan,kundi para sa asawa nito na hindi na rin iba para sa kanila.

"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo Ats?"-Negi

"Tss,awa?Sya ba,naawa ba sya sa batang dinadala nya?Hindi.Pinilit nya ang gusto nyang magtrabaho kahit  buntis sya.Alam nyang mahina yung kapit ng bata pero pinilit nya yung gusto nya.Ngayon,ako pa ang dapat maawa?Nawalan ako ng anak dahil sa kanya," ani Vice  na mabilis pinahid ang luhang tumulo sa pisngi nya.Tanging haplos sa likod naman ang nagawa ni Buern para maibsan ang bigat na nararamdaman ng kaibigan.

"Nawalan din sya e.Baka nga mas masakit pa yung nangyari sa kanya dahil sya ang nagdala sa bata.." alanganing sagot ni Negi.

"Saka simula't sapul,hindi naman na naging asawa ang trato mo kay K,Ats.Kaya ganun nalang yung tindi ng kapit nya sa bata.Baka iniisip nya,pag nagkaanak kayo,maayos ang lahat sa inyong dalawa.." dagdag ni Archie

"Walang maaayos dahil alam nyang bakla ako.Yung anak ko lang ang dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto nila nanay na panagutan sya.At ngayong wala naman na ang anak ko,wala ng dahilan para manatili sya sa buhay ko"

Itutuloy...

You Needed Me (A ViceRylle One-Shot Story)Where stories live. Discover now