The Beginning of.... THE END

1.4K 23 11
                                    

Naniniwala kaba sa destiny? Sa fate, naniniwala ka rin ba?

Ang lahat ng taong isinisilang sa mundo, may nakatakdang kapalaran. May naka sulat ng kuwento.

Bawa't isa s'atin ay may iba ibang kuwento, kung minsan, ang dalawang magkaibang kuwento ng dalawang magkaibang tao ay nagkakatagpo. Minsan, nabibigyan ng pagkakataon ang dalawang tao nag magkakilala, pero hindi lagi para sa mabuti ito.

Ito ang kuwento ni Jonathan at Kate.

Sa paskong gabi, nakilala ni Jonathan ang isang perpektong babae. Kaso, humadlang ang tadhana at nawala sya.


The Beginning of... THE END

"Ano ba to, bakit kasi andami daming tao bumibili ng mga regalo para sa pasko ng last minute!?" tinanong ng galit ang tono nang kaibigan ni Kate na si Maurize.

Paskong gabi kasi kaya napakaraming tao sa mall na bumibili pa ng mga ipang reregalo.

Si Kate ay isang babae na organized, lagi syang may plano, kung saan sya pupunta at sa anong oras... napaka superstitious nitong si Kate, naniniwala sya na lahat ay may purpose at may nakatakda na ang lahat na kapalaran.

Ngayong pasko, hindi rin alam ni Kate kung bakit o ano man ang nangyari, pero hinding hindi sya talaga organized. May mga last minute parties na nasabihan nyang pupuntahan nya at lahat ay sabay sabay, tapos wala pa syang regalo para sa kanyang kapatid...

"Maurize, nag co-complain ka eh, nandito ka rin nga na nag hahanap ng pang regalo," sinabihan naman sya ni Kate.

"Eh Kate, iba n'ako sa mga taong ito, kasi mas maganda naman ako," nag biro nalang si Maurize dahil sa biglang realization nya na tama ang kaibigan nya.

"Hay nako, sige na, bumili ka na, mag pupunta lang ako sa banda dun," nag paalam na si Kate dahil alam nya na kapag nag usap lang silang dalawa, wala silang mabibili pareho at malulungkot ang kapatid nya kapag wala syang regalo para dito.

"Sige, magkita na lang tayo sa party mamaya sa Bass Hotel?"

"Oo ba."

Umalis na si Kate at nagsimula ng maghanap ng ipang re-regalo para sa kapatid nya. Hindi nya alam kung ano man, pero parang may humihila sa kanya papasok sa store na tawag ay Serendipity. Pumasok naman sya. Pag pasok nya, nakita nya agad ang isang napakagandang singsing. Nilapitan nya ito at nung kukunin na nya, may isa pang kamay na kumuwa dito at nag kahawak sila ng kamay. Pag tingin ng dalawa, parang na love at first sight silang dalawa. Biglang nawala ang lahat ng tao sa paligid nila at naiwan na lang silang dalawa; nakatayo, magka hawak kamay, at ngumingiti sa isa't isa ng parang mga tanga.

Ang unang pumasok sa isipan ni Kate ay kung sino ang napaka gwapong lalaki na to at bakit kaya nya ako nginingitian ng nakakatunaw na ngiti? Unang unang pagka kita lang ni Kate kay Jonathan, na gustohan na nya ito ng sobrang sobra.

'Bakit kaya ang ganda nitong babaeng ito? Napaka hinhin ng mukha nya, parang napaka bait at innocente.'

Katulad din ni Kate, na in love agad si Jonathan sa pag una palang nilang pagkaka kita.

Si Jonathan ang isang care free na lalaki, kahit ano ang feeling nyang gawin, ginagawa nya. Wala syang plano sa buhay at naniniwala sya na ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa mga destiny at fate, para sa kanya ang kalalabasan na buhay ng tao ay dahil sa mga choices na sila mismo ang pumipili... Kapag mga mali o masama ang pipiliin mong daan para sa sarili mo, edi yun ang magiging kalabasan ng buhay mo, masama at hindi mabuti.

Sila ang dalawang tao na hindi man magka kilala sa ngayon ay siguradong sigurado na sila na love at first sight ang nangyari sa kanila.

Nung natauhan na sila, pareho silang bumitiw sa singsing at sa kamay ng isa't isa at nagtawanan sa hiya. May isang lalaki naman na biglang kinuwa ang singsing at nagsimula ng lumakad palayo kaya agad naman pinigilan ito ng dalawa.

Every KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon