Jonah- than?

193 11 1
                                    

"Kate?" may babaeng sumalubong sa kanya sa harapan ng Bass Hotel.

"Wow, glad you could make it, hinihintay ka na ng kapatid mo sa loob, halika," sinundan naman ni Kate agad ang babae.

"Sige Kate, pupuntahan ko lang yung ibang friends natin okay?" nag paalam si Maurize bago sya nawala sa crowd.

Pag pasok ni Kate sa loob, nakita nya ang mga maraming tao, lahat nag tatawanan at nag iinuman ng mga fancy wines. Nung nakita na ni Kate and kanyang kapatid na si Celine, ngumiti ito at niyapos ang kanyang kapatid. Hindi man nagkaroon ng chance na makumusta man ang kanyang kapatid dahil binatak agad nito sa kun saan man.

"Halika ka Kate, may ipapakilala ako s'ayo... Gentleman ito, tapos ang gwapo pa, compatible na compatible kayo... At, musician pa sya. Lead singer ng isang banda, how great is he!?" sa mga sinabi ng kapatid, parang napatigil si Kate at napansin ito ni Celine.

"Kate? Anong problema?" tinanong ni Celine na concerned.

"Wala naman, pero Celine... Pang anim na lalaki mo na tong pinapakilala sa akin. Siguro naman kapag may lalaking para s'akin, ako mismo ang makaka hanap sa kanya, di ba?" pinaliwanag ni Kate sabay sa pag isip nya sa kay Jonathan.

Tinitigan sya ng mabuti ni Celine at na realize din nito na ayaw na ni Kate na masaktan pa. Yung huling pinakilala kasi ni Celine kay Kate; dinurog nito ang puso ng kapatid.

"Sige na nga, sayang, feel na feel ko pa naman, ito na talaga ang para s'ayo. Para bang... Destiny? Sus, puntahan na nga lang natin sina Maurize," nag lakad na sa kabilang direktsyon si Celine at susunod na sana si Kate ng biglang may bumungo sa kanya.

"Ay, sorry miss, sorry talaga," sinabi ng isang pamilyar na boses.

Pag tinging ni Kate sa mukha ng lalaki, parang namukaan nya ito.

"Kilala ba kita?" tinanong agad ng lalaki, at na gulat si Kate dahil yun ang sana itatanong din nya.

"Hindi ata... Pero..." nag salita si Kate at sabay ang pag titig sa magaganda at mysteryosong mga mata ng lalaki.

"Ah, natatandaan ko na, ikaw yung na bungo ko rin sa labas di ba? Wow, what are the odds?" tuwang tuwa na sinabi ng lalaki.

Dito din na tandaan ni Kate na may nakabungo nga sa kanya nung kasama nya si Jonathan. Ito ang lalaking dahilan kung bakit nawala si Jonathan sa kanya. Medyo napaisip si Kate sa mga nangyari... What are the chances na makikita pa ulit nya ang lalaki na pumigil sa kanyang ibigay kay Jonathan ang pangalan at number nito.

"Ah oo nga, nakakatawa yun. Pati pa dito, binubunggo mo pa ako," patawa na sinabi ni Kate.

"Wow..." binulong ng lalaki sa pag titig sa tumatawa na Kate.

"Huh? Ano? Bakit?" tumingin tingin si Kate sa paligid, iniisip kung ano ang nakita ng lalaki at parang mesmorized ito.

"Wala lang, napaka ganda lang kasi ng ngiti mo," sinabi ng lalaki sa kanya, sabay ngiti, "Ako nga pala si Jonah."

Napangiti si Kate sa pangalan ng lalaki, 'Jonah? Jonah-than? Close ang pangalan,' inisip ni Kate.

"Ako naman si Kate," nag pakilala sya sabay ngiti ng malaki. Pagka shake ng kamay nila, naisip nito si Jonathan. Medyo nalungkot sya, pero naisip nya na ito ang kanyang destiny, na makilala si Jonah... Hindi si Jonathan.

What are the odds that yung lalaking pipigil sa kanyang makasama si Jonathan ay ang lalaking makikilala ni Kate sa party... In the same night.

Siguro si Jonah ang destined na makatuluyan ni Kate. Ayaw man niyang tanggapin sa una, natuto na rin nitong maintindihan kung bakit si Jonah ang pinili ng tadhana para sa kanya.

It's been three years since nakilala ni Kate si Jonah at not once, sinaktan nito o pinaiyak si Kate. It's safe to say na stable ang relasyon nilang dalawa at masaya silang pareho, sobrang saya... Na pwede na silang magpakasal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon