Nakaw Ng Tadhana

381 11 7
                                    

"So anong ginagawa ng isang maganda babae dito at nag s-shopping sa paskong gabi? Mukha ka namang babae na organized," sinabi ni Jonathan sabay sa pag lakad ng mabagal katabi ni Kate.

"Anong ibig mong sabihin?" tinanong sya ni Kate.

"Ang ibig kong sabihin ay, para ka namang yung classeng babae na tatapusin na ang pamimili ng mga regalo siguro sa halloween palang," nag biro si Jonathan at ngumiti nung narinig nya ang magandang tawa ni Kate.

Nagkatitigan ulit ang dalawa pagkadating sa bilihan at na interrupt lang nung biglang nagsalita ang babae, "Ano pong bibilin nyo?"

Si Kate naman, agad ibinigay sa babae ang singsing at bumalik pag titig kay Jonathan.

"Miss?" nang gulo na naman ang babae at parehong tumingin si Jonathan at si Kate.

"Ano po yun?" tanong ni Jonathan na parang naiinis, pero magalang pa rin ang pag tanong.

"Ah, ito po kasing singsing na to ang huli na mabibili nyo po sa ngayon, bale 'last sale' na po at ang pangalan po ay 'Infinite Love', baka gusto nyo lang pong malaman, yung iba pang info, kasama na po sa loob ng kahon."

"Okay, salamat."

Tumitig ng matagal sa kanilang dalawa yung babae at ngumiti bago sya tumalikod at may kinuwang isapang maliit na kahon na nakatago.

Pag tingin ng dalawa kung ano ang kinuwa ng babae, nakita nila na dalawa na ang singsing na hawak nito.  Agad nitong inilagay sa isang supot and dalawang kahon na may mga singsing at pag bigay nya kay Kate, bigla syang nagsalita.

"Special promotion po namin yan sa last customer na bibili nitong singsing, free na po yung isa, parang wedding gift na lang. Ang cute nyo po, best wishes na lang, salamat sa pag bili dito sa Serendipity, where lahat ng mabibili nyo ay dahil sa fortunate accident."

Nag pasalamat si Kate at biglang hinatak si Jonathan sa palabas ng store, nung nasa labas na sila at medyo malamig ang hangin at madilim sa labas, pweras na lang sa mga christmas lights.

"Since kelan kita inalok sa kasal?" tinanong nya kay Kate na parang natatawa, si Kate naman, tawa lang ng tawa.

"Lakas mong tumawa, ang hirap naman yan, baka pag may nangyaring masama s'akin tatawanan mo lang rin ako," biniro sya ni Jonathan at lalo namang tumawa itong si Kate.

Nang huminahon na sya, sinabi nya, "Hindi ha! Napaka caring at concerned na tao kaya ako, tsaka pag magkasama tayo, hinding hindi ka masasak-" hindi nya natapos ang sinasabi nya kasi bigla syang na dapa.

Biglang tabi sa kanya sa sahig si Jonathan na takot na takot, "Okay ka lang ba? Hindi nga ako masasaktan, pero kapag ikaw naman ang nasaktan edi bale na mahulog man ako sa butas sa kalye, wag lang ikaw." 

Nung umupo si Kate, halatang halata na nasaktan sya at parang iiyak na, "Uy, wag kang iiyak, ang dapat sa mga babaeng katulad mo ay laging naka ngiti," sinabi ni Jonathan. Tumingin kay Jonathan si Kate, "Anong katulad ko?"

Ngumiti ng maliit si Jonathan, "Ang magandang babae."

Ngumiti rin pabalik sa kanya si Kate, pero bigla itong umaray at nakita ni Jonathan na may galos ito sa braso at dumudugo ang tuhod nito. 

"Nako, hindi magandang tignan yan," sinabi ni Jonathan.

Tinulungan ni Jonathan patayo si Kate at pinasan ito sa likod nya, "Ah, wag mo na tong gawin, ibaba mo na ko, nakaka hiya naman," sinabi ni Kate, sabay sa pag tago nya sa mukha nya sa balikat ni Jonathan.

"Ano ka? Hindi kita palalakarin na dugo dugo ang braso at tuhod mo." 

"Para naman akong bata nito, 21 na ako, galos lang to," sinabihan ni Kate si Jonathan, pero hindi parin sya ibinaba.

Every KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon