II

335 5 0
                                    

Akala ko'y ako lang
At wala ng iba

Ngunit ako'y nagkamali sapagkat Ikaw pala'y may ibang sinisinta

Mundo ko'y nagunaw
Nang ito'y aking malaman

Ang galak ay nawala
At napalitan ng patak ng luha

Ngunit ang lahat ng ito'y
Aking tinaggap

Hindi ako sumuko at
Ika'y ipinaglaban ko

Ngunit nang ikaw na mismo ang Naglinaw ng lahat,

Ako ay nanlumo dahil sa mga
Salitang sa iyo mismo nag mula

"Kailangan ko nang linawin ito. Mahal ko siya at mahal niya ako. Hindi pa kami pero alam kong doon din ito tutungo. Sana marespeto mo kung anong meron kami."

Hindi ako makasagot at
Tila hininga ko'y malalagot

Ayokong umiyak ngunit
Yun ang naganap

Tumakbo ako papalayo,
Papalayo sa iyo

Nag isip isip ng
Dapat gawin

Sa tingin ko'y kailangan
Ko nang itigil ito

Akala ko kasi ganun din ang
Iyong pag tingin sa akin

Ngunit ako'y nagkamali sapagkat
Sa kanya'y ganun ka din

Ang pag tingin ko sa iyo
Ay tila nag iba

Ang pagiging mabait
Ay napalitan ng pait

Naging mapait
Sa buhay na malupit

Idinaan sa ibang bagay upang
Ika'y makalimutan

Ngunit walang nangyari dahil sa Damdaming matindi

Mahal kita kahit ako'y
Paulit ulit na masaktan

IT JUST TURNED INTO A POEMWhere stories live. Discover now