Chapter 1

5 0 0
                                    

Familiar

Karen's POV

Lumipas ang dalawang linggo ay nakauwi na sina mama galing probinsya.

Lumipas na ang dalawang linggo hanggang ngayon, nasa kaibuturan pa rin ng isip ko ang lalaking mala diyos ang mukha. At hindi ako makaget-over na hinalikan niya ako sa aking panaginip, two weeks ago. Oo, kahit panaginip lang iyon at dalawang linggo na ang lumipas parang big deal pa rin sa 'kin iyon. Hindi ko mawari kung bakit hindi maalis-alis sa isipan ko. Nang dahil ba sa kanyang maladiyos na mukha?

God! I think I'm going to be insaned.

"Huy ate!" Sabay tapik ni Khino sa 'kin. "Aalahanin mo, nandito ka sa bahay natin wala ka sa ibang dimensyon." He said with his annoying face. Haaaay, talaga naman oh. Khinong unggoy.

"Heh! Ewan ko sa 'yo, may nalalaman ka pang ibang dimensyon diyan. Baliw." Untag ko sa kanya. Nandito kami sa hapag-kainan kumakain  ng aming agahan, pasukan na naman at second sem na ng eskwelahan namin.

"Ikaw kasi, kanina ka pa nakatunganga diyan male-late na tayo. Come on and let's go, Mang Elias is already waiting for us." Sabi niya sabay kuha ng kanyang bag at nauna ng umalis papunta sa labas.

Nang nakarating na kami sa sa harap ng school nasalubong ko agad ang kaibigan kong si Yumi, nagtext kasi siya kanina na sabay na kami papasok sa loob ng school at buti na lang halos lahat ng subjects ay magkaklase kami. Pareho kaming kinukuhang course na Business Management,  doon din naman ang patutunguhan namin sa pagkat parehong business sa isang kompanya ang pinagkakaabalahan ng mga magulang namin. Hindi talaga kami pinaghihiwalay nitong best friend kong si Yumi, noon sa elementary, high school, at hanggang sa pag-college namin.

Nang nakita niya ako ay agad siyang pumunta sa 'kin at sinalubong ako ng yakap. "Kareeeeen! I miss you!" Sigaw niya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.

"I miss you din." Sabi ko. Humiwalay siya yakap namin at saka nginitian ako. "Oh, ready ka na ba pumasok?" Tanong niya.

"Oo naman, halika na pasok na tayo." Paanyaya ko at saka kami humakbang papasok sa eskwelahan ng Angelicus Xaviour University.

Nang nakarating na kami sa room para sa unang subject namin ay saka kami umupo sa aming seat. Marami-rami na din kami dito, wala pa naman dito ang prof namin at karamihan sa kanila ay tila may pinagkakaabalahang usapan.

"Oh doon na lang tayo." Sabay turo ni yumi sa tatlong bakanteng upuan sa unahan ng second row. Lumapit kami at saka umupo.

Bumaling ako kay Yumi. "Yumi, ano usap-usapan dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Was Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon