Prologue

4 0 0
                                    

Karen Aragon's POV

Nakaupo ako sa isang bench dito sa isang park na malapit lang sa bahay namin. Kakatapos ko lang nag-jogging at nagpahingang umupo dito. Iginaya ko ang mga mata ko sa aking relo, mag-aalas singko na ng hapon. Kitang-kita ko na ang paglubog ng araw.

Na-bored kasi akong mag-isa doon sa bahay, oo mag-isa lang ako at pakshet lang sembreak pa naman wala akong magawa kundi tumunganga lang doon. Eh kasi nga naman, iniwan ako nina mama at papa kasama pa ang nakababatang kapatid kong si Khino na sobrang kulit. Pumunta sila sa probinsya namin para magbakasyon at mamisita sa mga kamag-anak namin.

Naala ko pa yung huling sinabi ni Khino sakin bago sila umalis. Yung unggoy na 'yun.

"Hahahahaha! Taga-bantay ng bahay, paano ba yan ate para kang aso nyan. Hahaha! Byeee bantay!" Humahalakhak na sabi ni Khino sakin sabay hawak sa tiyan nya. Putragis na kapatid kong unggoy na 'to kung hindi ko lang siya kapatid baka nasakal ko na 'to.

"Haist! Ewan ko sayo unggoy! Sakalin kita dyan!" Untag ko sa kanya sabay pagbabanta.

"Hahahahaha! Don't worry mahal pa rin kita ate at maganda ka pa rin kahit mukha kang aso. Hahahaha!" At ayun humagalpak na naman siya sa tawa. Susunggaban ko na sana siya kaso sumigaw si mama.

"Hoy Khino! Tama na nga 'yan, 'wag mo nang kulitin ang ate mo. Sige na, kunin mo na ang mga ibang gamit na'tin, at baka ikaw pa ang maiwan dito." Sabi ni mama sa kanya.

"Mama 'wag naman. Hindi pa ako nakakapunta sa probinsya natin, buti pa si ate nakabisita na 'dun." Sabi nya at saka sya bumaling sakin. "Peace ate, I love you pakabait ka dito. At 'wag kang magdadala ng lalaki-" At ayun binatukan ko na. "Aray!! Ate naman, joke lang." Sabi nya sabay himas sa kanyang ulong binatukan ko at saka nag-peace sign . Mamimiss ko ata ang unggoy na 'to kahit may pagka-animal ang ugali.

At yun nga, ako ngayon ang taga-bantay ng bahay namin habang wala pa sina mama. Kahit dalawang linggo lang wala akong kasama parang mamamatay na ako sa ka-boring-an kung tutunganga lang ako sa bahay, kaya nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga anu-ano mang gawain.

Hindi ko naman mayaya-yaya ang matalik kong kaibigang si Yumi, dahil abala din iyon sa kanilang bakasyon. Haay, ako lang ata ang hindi magbabakasyon. Lintik na sembreak na yan.

Naisipan kong umuwi sa bahay, naligo ako at saka ako kumain ng dinner. Nang nakuha kong magpahinga ng saglit ay natulog na ako.

Nang nakaidlip ako ng sandali... May nararamdaman akong kakaiba. Tumaas  ang aking balahibo.

Kumalabog ang puso ko nang gumalaw nang saglit ang kama ko, tila may taong gumagalaw. Aaaaah! May tao nga sa tabi ko! Sinong hayup ka! Shet! Multo ba 'to!?

Karen, tatagan mo ang sarili mo. 'Wag kang kabahan, kung multo yan. Eh di, multo lang yan. Mas matakot ka kung magnanakaw yan at pagtangkaan ang buhay mo. Okay lang kung magulat ka, 'wag ka lang mamamatay.

Unti-unti akong lumingon sa likod ko. Haharapin ko sya.

Pumikit muna ako, para intense. Heh! Ano ka ba Karen, nakuha mo pang magbiro sa kalagitnaan ng kababalaghan.

Nang nakaharap na ako, unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Pagkabulat ko...

Blurred.

Blurred.

Blurred.

Clear!

Waaaaaaaaaaaaaaah!

Multo ba 'to? O isang anghel? Hindi! Isa itong diyos!

Isang lakaki. Lalaking may beard sa kanyang baba hanggang sa magkabilang panga, pati sa ibaba ng kanyang ilong ay may konting bigote. Perpektong makakapal na kilay. Kulay bughaw ang mga mata na sobrang ganda.
Perpekto ang tangos ng ilong. Mapupulang labi na para bang aakitin ka at gusto mo na lang halikan ang mga labi nito. At simetrikal na malaigting anggulo ng mga panga. Ang hoooooot!

What a perfect creature!

Wait! Bakit parang papalapit ng papalapit ang kanyang mukha patungo sa aking mukha?

Hahalikan ba ako nito? Waaaaaaaah! Sheeeeet! Hahalikan ako ng isang diyos at baka magkasala pa ako nito.

Oooooh, malapit na. Malapit na! Malapit na talaga! Mamamatay na yata ako sa kilig at humaling.

Then, our lips met softly.

Kriiiiiiiiiiiiinggggggggggg!!!! Pakshet na alarm clock!

Minulat ko ang aking mga mata. Then, I've just realized.....

It was just a dream. Lintik na panaginip!

Gio Fruega's POV

I was in a deep sleep lying in the left side of my bed facing the right side, I'm in a side lying position.

I tried to open my eyes.

Nang may nakita akong nakahiga sa harapan ko. I was shocked a little bit.

And astonished at the same time.

She's a girl. No! I think, isa siyang dyosa. Dyosang sobrang ganda na tila bang inaakit ka.

What an angelic face! Perpekto kurba ng kilay. Maamong mga mata at mapupungay na mga pilik mata. Matangos na ilong at mapupulang labi na para bang masarap halikan.

Overall, she is so percfect.

I want to kiss her. Yes, I really really want to kiss her lips.

Unti-unti kong nilapit ang aking mukha, at saka inilapat ang aking labi sa kanyang labi.

And right now, I am kissing a Goddess.

Kung sakaling panaginip ito, ayaw ko sanang magising. Sana 'wag na lang akong magising.

Kriiiiiingggggggg!!! What the fvck! Fvck you! That alarm clock!

I was absolutely correct.

It was just a dream. Panaginip nga. Lintik na panaginip!

Author's note:

Si Giovict Fruegas po ang nasa litrato sa itaas. Oh 'di ba sobrang guwapo, mukha pa lang laglag panty na! Hahahaha! Sooorrreyyy!

Just kindly wait for Karen Aragon's image, soon. Thank you for reading!

It Was Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon