IKA-PITONG KABANATA

139 9 0
                                    


"Ano bang nangyari?"

Umiling si Maria habang umiiyak." Hindi ko alam."

"Sandaling napatahimik si Felissa at hinaplos ang kanyang balikat. Nasa hospital sila ngayon. HInatid si Mang Pedro sa pinakamalapit na pagamutan.

:Ano bang kasalanan ni tatang sa kanila?" bawatsalitang inilalabas ni Maria ay tumutusok sa kanyang puso, alam niyang sa panahing ito'y nawalan ng pag-asa si maria kaya naman sinamahan niya ito sa Hospital.

"Diyos ko! Tulungan niyo ang tatang ko." pagsusumamo ni Maria.

"Wagkang mag-alala, Maria. Tutulungan ng ama ang tatang mo."

Napatayo na lamang simaria at iniaip na makakaligtas ang kanyang ama. Kay daming katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan. Paano na lamang kung mawawala ang tatang niya? Sino na lang ang bubuhay sa kanila kapag nawala siya? Sino na lang ang mapapasaya sa araw niya kung ang tinuturing niya payaso ay mawawala? Napatayo siya bigla ng makitang lumabas ang doktor mula sa kanyang puting kwarto kung saan ipinasok ang kanyangtatay. Tinanggal ng doktor ang kulay puting bagay na nakatkip sa bibig nito at nilapitan sila.

"I'm so sorry the patient lose so much blood. He didn't survive. I'm sorry for what happen." ani ng doktor sa kanilang dalawa.

Sandaling napatingin si maria kay Felissa dahil hindi niya alam kung ano ang nais ipabatid ng doktor sa kanya. Niyakap siya ni Felissa habang umuling. Walang salitang  lumabas sa kanyang bibig. Ang mga luha'y mas mabilis na nahulog sa kanyan mata. Tila sinasakal siya at nahihirapang huminga dahil sa labis na pagtangis.

" Buhay pa siya di ba?" nagsusumamong boses ni Maria. Para bang ayaw makisama ng kanyang puso sa sinasabi ng kanyangutak.

"Hindi siya pwedeng mawala." unti-unti na siyang napapa-upo sa sahig habang kalong pa rin siya ni Felissa.

";Patawad Maria ngunit wala na ang tatang mo."

"Hindi pwede."mahina niyang bulong sa hangin, kay hirap isipin na wala na ang pinakamamahal niyang ama. Parang tinanggalan din siya ng buhay.

";Bakit siya pa?" wika niya.

"Ang dami-damimg pwedeng mawala bakit ang tatang ko pa?" Ano ba ng kasalanan niya at pinatay siya ng walang kalaban-laban? Tila isang maamong tupa si mariang nagsususmamong ibalik ang buhay ng kanyan tatang." HIndi ba nila inisip na  may pamilyang naghihintay sa kanya?"

"Sandali Maria. Gusto ko nang umuwi sa amin,. Walang kasama ang kapatid ko." wika niya at biglang napayuko.

" Ngunit wala akong pambayad." problemadong nasaad ni Maria.

Isang ngiti ang ipinakita ni Felissa. "Ako na ang bahala doon"

Mabilis na hinigit ni Felissa ang kanyang kamay at dinala siya sa lugar kung saan nagbabayad. Halata ang pagkaluma ng hospital pati ang dingding na unti-unti ng nababakbak ang pintura niyon. Wala ring masyadong pasyent dahil sa mahal ng pagpapagamot sa hospital na iyon. Hindi na nga natandaan ni Maria kung bakit at papaano siya napunta roon. Ang huli na lang niyang natatandaan ay tinulungan siya ni Felissa na dalhin ang kanyang ama sa pagamutan. Mabilis na inabo ni Felissa ang perang kanyang hawak sa matandang babae.

" Felissa, wag na. Ako na bahala." pagtatangi nito at inalyo ang kanyang kamay na hawak ang pera ngunit ibinigay muli ni Felissa ang pera.

" Ipon ito para sa'yo- sa'tin"

Maluha-luhang napayakap si Maria sa kanya. Paano na lang siya kung wala ang kaibigan? Siguro'y matagal na siyang nabaliw. Napakalaki na nang naitulong ni Felissa sa kanya at hindi niya alam kung paano niya ito mababayaran.

"Salamat." ang naiusal niya sa kaibigan.


--------

"Atche! Atche! Nobarin ya'y tatang? ( Ate! Ate! Nasaan na si tatay?)" salubong ng kanyang bunsong kapati na si Juan. Sandaling napatahimik si Maria at nag-umpisa na namang mahulog ang kanyang mga luha ng yakapin niya ang mga kapatid. Hindi umimik ang kanyang mga kapatid tila alam na nila ang sagot niya. Tumayo si maria at yinakap ang kanyang inang nakasaklay. " Likuran na nakatamu, ..."

Nawasak ang puso ng ina ni Maria. Hindi niya mapigilan at napahagulgul na rin siya. Sampung beses ag sakit na naramdaman ng kanyang ina. Sa tagal ng pagsasama nilang mag-asawa hindi niya yata kayang mabuhay ng isang araw man lang ng wala ito. Saan pa kaya siya kukuha ng lakas ng loob kung wala na ang kanyang asawa?
HIndi niya alam kung maiging ganoon pa rin kakulay ang mundo niya? Hindi niya alam kung makukuha niya pa rin bang ngumiti.

"Oh,Diyos ko, bakit siya pa? Bakit ang asawa ko pa?" nausal ng ina niyang lumuluha.


Tuwing Takip SilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon