IKASIYAM NA KABANATA

110 9 0
                                    

“Sa tuwing nakikita kita, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Para bang may tambol ang aking puso dahil sa bilis at lakas ng tibok nito.
Napapangiti akong mag-isa tuwing naiisip kita.
Tuwing naaalala ko ang iyong mala-anghel na mukha.

Kay sarap balikan ng mga panahong tayo’y magkasama pa.
Para tayong mga batang nagtatampisaw sa ilog.
Mga basing sisiw nanaliligo sa ulan.
Hayaan mo, sa aking pagbabalik gagawin natin itong muli o aking giliw.”

Napayakap na lamang si Felissa sa unan matapos basahin ang sulat noon ng kanyang dating kasintahan. Hangga ngayo’y hindi n’ya pa rin ito makalimutan. Tuwing nalulungkot s’ya ay iyon lamang ang kanyang ginagagawa upang sumaya. 

Kay tagal na niyang hinihiling na bumalik na ito, ngunit tila paunti-unti na ring nawawala ang kanyang pag-asa. Sa loob ng limang taon ay puro paghihintay at pag-asa na babalik pa ito. Hanggang pag-asa na lang yata s’ya dahil ni anino ni Filipe ay hindi n’ya pa nakikita.

“Sana talaga… bumalik ka na, kailangan kita ngayon,” bulong niya sa hangin habang iniisip na nasa harapan niya ang kasintahan. Napangiti na lamang siya ng sampalin siyang muli ng mapait na katotohanan, na wala ang kanyang minamahal.

Dali-dali niyang niligpit at ibinalik ang mga sulat sa lalagayanan nitong kahon ng makarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Ng matapos siya ay binuksan na niya ang pinto at bumungad sa kanya ang mukha ng matagal na nilang kasambahay, ang kanyang Nanang Linda.

“Nanang, ano po iyon?” malumanay niyang tanong sa matandang kasambahay. Kulubot na ang balat nito sa noo at namumuti na ang kanyang mahabang buhok, hindi ganoon kaputi ang matanda at maliit lang ito kaya  hindi siya gaanong ma-aninag ni Felissa dahil sa dilim ng kanilang bahay.

Inilabas ng kanyang nanang ang isang sampaguita. “May nagpapabigay sa iyo.”

Napakunot ng noo si Felissa. “Sino po?”

“Hindi ko alam, iniwan lang iyan sa tapat ng pinto at may Felissang nakasulat sa papel.” Namuo agad ang ngiti sa labi ng kanyang nanang na para bang iniinis ito. “O s’ya, maiwan na kita’t may gagawin pa ako. Basta kay Filipe ako a.”

“Nanang!” bulyaw ni Felissa sa kanyang nanang habang tumatawa. Sinarado na niya ang pinto at mabilis na inamoy ang sampaguita. Parang isang pabango ang amoy ng sampaguita, mas gugustuhin n’ya pang mabigyan nito kaysa rosas.

Napa-isip s’ya bigla ng buklatin niya ang papel na may nakalagay na pangalan niya, sino ang magbibigay sa kanya ng sampaguita sa gayong dalawa lamang ang may alam na ito ang kanyang paborito?

Magkita tayo sa simbahan, Felissa.
-Maria

Natawa na lamang siya ng malamang si Maria pala ang nagpadala nito, ang buong akala niya’y si Filipe na. Kay taas talaga niyang mangarap.

Matapos niyang makapagbihis ay umalis niya, tanging sa kanyang nanang lamang siya nagpaalam dahil lagi namang wala ang kanyang mga kapamilya. Mabilis lang siyang nakapunta sa simbahan. Nakalimutan niyang dalhin ang sampaguita na ibinigay sa kanya kaya hindi pa man siya nakakapasok ay sampaguita na agad ang una niyang binili.

Papasok na siya ng simbahan ng mahagilap ng kanyang mata ang isang lalaking nakatalikod at nakatingin sa altar sa labas ng simbahan. Pamilyar ang damit na suot nito, puting polo na may kulay itim na guhit at itim na pantalon. Buhok  na kapag nasinagan ng araw ay parang nagiging pula at puti at maskuladong katawan, likod pa lang ay kabisado na n’ya at alam na n’ya kung sino ito, hindi s’ya maaring magkamali. “Filipe?”

Muntik na niyang mabitawan ang sampaguitang nasa kanyang kamay sa pagkabigla, napalaglag ang kanyang panga , hindi n’ya alam kung tama bang gumalaw o titigan na lamang siya.

Ngunit bago pa siya makapagdesisyon ay nakaalis na ang lalaki sa dati nitong p’westo. Dali-dali siyang tumakbo papasok ng simbahan ngunit pagkapasok niya ay hindi na niya ito nakita pang muli.

“Ughh!” mahina niyang sabi at napasabunot sa buhok. “Baka guni-guni ko lang iyon.”

Lumuhod na lamang siya at nanalangin. Nakalimutan na niya ang pagkikita nila ni Maria sa sobra niyang pagkabigla. Hindi niya alam kung totoo ba ang kanyang nakita o namamalik-mata lamang siya.

Matapos niyang manalangin ay tumayo na siya at palabas na sana ng makita n’ya muli ang lalaki palabas ng simbahan. Kumabog ng kay bilis ang kanyang puso na tila lalabas ito sa kanyang katawan ng muntikan na itong humarap patalikod sa kanya. Isang lalaki ang tumawag sa kanya bago pa man ito tuluyang umakyat ng kalesa. Napatunganga siya doon ng mahigit dalawang minute dahil hindi pa rin mapasok ng kanyang isip ang lahat ng nangyari.

Wala siya sa sariling umuwi sa kanila. Napatingin siya sa takip silim at bumalik sa kanyang isipan ang mga panahon noong kasama pa niya si Filipe, tuwing hinahatid siya nito bago magtakip silim. At ngayon, s’ya na lamang mag-isa ang naglalakad.

Tuluyan nab a talagang matutupad ang kanyang hiling?

O pinaglalaruan lang s’ya ng kanyang isip?

Bumungad sa kanya pagbukas ng pinto ang mukha ng kanyang nanang na may halong pag-aalala at tuwa. “Alam mo na ba ang balita, iha?”

“Ano po iyon?” nagtataka niyang tanong.



Nakabalik na daw ang dati mong kasintahan, si Filipe.”

Tuwing Takip SilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon