4. Finally, safe

16 0 0
                                    


Rein POV

Kailangan matalas ang paningin naming sa paligid, mahirap na baka marami pa ang rebelde dito sa paligid. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito lalo at madilim.

Kanina pa nanginginig sa takot si Yuna...ang ganda ng pangalan niya, kasing ganda niya. Gusto ko siya yakapin kanina sa may puno para maibsan ang takot na nadarama niya...napangiti ako ng maramdaman kong sumiksik siya sa likuran ko.

Naririnig ko ang hingal sa hinga niya. Pagod na rin ako.

Natuwa ako nang may natanaw akong ilaw malayo. Thanks God...

Dali dali kaming pumunta sa may ilaw. Nagmumula ito sa isang barong barong.

"Tao po" tawag namin

Bumukas ang bintana at may isang matandang lalaki ang dumungaw.

"Magandang umaga po tatang, pasensya na po sa abala" bungad ko dito. "Biktima po kami ng highjacking dun sa may highway...nakatakas lang po kami" dagdag ko.

Nang maaninag niya ang aming mga mukha. Binuksan na nito ang pintuang kahoy.

"Naku mga anak, sige pasok na" sabi ng matandang lalaki. Nakita din namin na bumangon ang matandang babae sa higaan.

"Ising, kuhanan mo sila ng tubig na maiinom" utos nito sa asawa niya.

Nang makainom na kami ng tubig, nagsimula na kaming magkwento sa nangyari sa amin sa bus.

Yuna POV

Tinulungan ko si Lola Ising na maglatag ng pangalawang banig para makapahinga na kami.

"Tabi na kayo dyan mag-asawa" sabi pa nito

"Ho?" nagulat kong tanong sa kanya. "Naku hindi ko kami mag-asawa, nagkakilala lang ho kami kanina sa bus" sabi ko dito

"Ay akala ko mag-asawa kayo...kasi magkahawak kamay kayo mula ng pagdating ninyo dito sa amin" sabi ni Lola. "Pero bagay kayong dalawa, iha" pangangantyaw nito sa akin

"Ay grabe si lola oh" saway ko sa kanya. Para siyang teenager na kinikilig at kiniliti pa ako sa tagiliran.

"Sige dito ka sa tabi ko ha" sabi nito at pinahiga na ako sa gilid ng bintana. Ang pwesto namin, mula sa pintuan si Rein, si Lolo Isko, si Lola Ising at ako.

Hindi naman ako dalawin ng antok dahil hanggang ngayon, natatakot pa rin ako sa mga naranasan namin.

Nagising ako ng maramdaman kong tumatama ang sikat ng araw mula sa bintana sa mukha ko. Pagbangon ko, maayos na ang mga hinigaan namin, pati si Rein, wala na din dito sa higaan. Ang aga naman nilang gumising.

Bumaba ako ng hagdan at nakita silang nasa hapag kainan.

"Magandang umaga po" bati ko sa kanila. "Pasensya na po at ngayon lang ako nagising" sabi ko sa kanila

"Naku iha, ayos lang yun" sagot ni Lolo Isko habang humihigop ng kape.

Tumayo si Rein at kinuhanan ako ng tasa at tinimplahan ng kape.

"Ako na" akma kong aagawin ang tasa

"Ako na lang" sabi nito "Upo ka na lang dun" dagdag pa nito

Naupo na lang ako at nakita kong ngumingisi si Lola Ising. Loka tong matandang to ah, pang-asar din. Napasin ito ni Lolo Isko.

"Uy Ising bakit ka ba ngumingisi ngisi dyan?" tanong nito "Para kang kinikiliti sa pwet"

Buti nga sabi ko sa isip ko...

"Kasi naman, Isko...naalala ko lang noong kabataan natin" sabi ni Lola. "Silang dalawa, parang tayo noon"

Namula ata ang mukha ko sa sinabi ni Lola Ising...napatingin ako kay Rein na kasalukuyang nakangiti din. Aba sumali pa sa trip ng mga gurang.


Started in the BusWhere stories live. Discover now