7. Moved On or Not?

19 0 0
                                    

Yuna POV

Tatlong taon din ang lumipas...napromote ako bilang branch manager sa Makati. Bago umuwi, naisipan kong dumaan sa McDOnalds para makabili ng happy meal para kay Yurie...a sweet 3 year old girl...my daughter.

Siya ang naging inspirasyon ko sa panahong lugmok ako ng kalungkutan sa nangyaring kamalian ng buhay ko. Siya ang magandang resulta ng pagkakamaling yun. At hindi ko siya pinagsisisihan...ang ama niya lang ang kinamumuhian ko.

Hindi makakaila ang ama nito dahil nakuha niya halos lahat ng features ng mukha ni Rein. Tanging ang alam ng anak ko ay patay na ang ama niya.

Nainvite ako at ang anak ko sa isang event sa Shangrila. Tuwang tuwa si Yurie sa mga naggagandahang gown na suot ng mga bisita.

"Pero mommy ikaw pa din pinakabeautiful" sabi nito sa akin sabay kiss sa cheecks ko.

"Bolera" sabi ko sabay gigil sa kanya.

Naupo kami sa table na assigned sa company namin nang may biglang maupong magkasintahan sa tapat namin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko ang pinakasusuklaman kong tao sa mundo. Si Rein.

Ni hindi ako nito tinitingnan, sa kasama niyang babae ito halos nakatitig.

Nang mapansin ako ng babae bigla itong napangiti at lumapit sa akin.

"Yuna?" Yuna Lei?" is that really you?" tanong nito sa akin

"Yes, I am" sabi ko lang. Sino ba ito? Bakit niya ako kilala.

"You don't remember me?" sabi nito. "Kathy...as in Katherine Perez...inaanak ni Mayor Barrameda" pakilala nito sa akin

Bigla akong napalundag sa tuwa..."Kat Kat!" niyakap ko siya ng mahigpit. Si Kat Kat ay kababata ko na naging kaibigan ko ng naging iskolar ako ni Mayor Barrameda. ISang beses pa lang ako nakarating sa mansion nang maghatid ako ng transcript ko kay Mayor. Lagi akong binigyan ng kahit ano nitong si Kat Kat na nakatira sa mansion.

Napalitan ng suklam ang saya na nararamdaman ko ng lumapit sa amin si Rein. Pero hindi ako nagpahalata dahil ang tingin ko dito ay nananadyang hindi ako kilala.

"Babe..."sabi nito kay Kat. "Are you not going to introduce me to your lovely friend?" tanong nito

"Oh...babe, this is Yuna Lei Gonzales...a Barrameda scholar" pakilala nito sa akin. "This is Jo, my boyfriend"

Pigil akong ipakita ang galit sa lalaking kaharap ko pero nanatili akong formal sa kanya.

"Nice meeting you" sabi ko dito at nakipagkamay sa kanya

"Pleasure is mine" sabi nito. Gunggong, pleasure lang kasi ang hinabol mo sa akin noon! Halos gusto ko siyang patayin sa mga oras na ito.

"By the way. Yuna. May I invite you on Saturday" sabi ni Kat. "We will have a family party at the mansion, since you were once their scholar, surely they will love to see you there and its our engagement party" dagdag nito sabay lingkis sa lalaki.

Gigil na gigil akong tumango at ngumiti na lang.

Nang biglang napansin nila ang anak ko na kanina pa pala sa likod ng skirt ko.

"OMG is she your daughter?" sabi ni Kat. "She is so beautiful"

"May asawa ka na pala, I thought you are single" dagdag pa ni Rein

Tumango lang ako. Style mo bulok! Gag* to..amnesia ang peg! Siya ang dahilan kung bakit may bata dito sa harap niya tapos ganun lang? Iuntog ko kaya to sa semento tapos ipamuka sa fiancé niya na gag* siya. Denial king, galing! Showbiz ang peg? Nagtatago ng anak? Kaharap na ang inanakan hindi kilalanin? Kapal!


Started in the BusWhere stories live. Discover now