Short Story

22 0 0
                                    

Preface:
“Huwag ka ng tumingin masasaktan ka lang”Sabi ko at tumawa siya, isang tawang pilit

“Anong nakakatawa?”Tanong ko pero nginitian niya lang ako

“Di ka pa nainlove diba?”nagulat na lang sa sinabi niya

“P-Paano mo nasabi?”

   “Kasi kung nainlove ka na,Alam mo na”Nakangiti niyang sabi habang sumluyap sa ibang direksyon

     “Anong alam ko na?”Ngumiti siya saka tumingin sa taas, sa langit

       “Kung may mahal ka, makikita mo pa rin siya kahit wala siya sa tabi mo”

**
  “Calderon Musika Alyz” Pagtawag sakin ng guro ko at itinaas ko ang kanang kamay ko

  “Present” ngumiti sakin ang guro at tumango

“Buti at mabuti na ang kalagayan mo,Ms Calderon, Pumunta ka na lang sa Faculty at ibibigay ko ang summary ng mga lesson nan a miss mo” Napatango naman ako at nagpasalamat sa kaniya

  “Salamat po”

**
Pagkatapos kong makuha ang mga namiss kong lesson ay pumunta ako sa canteen para hintayin si Sei, ang kaibigan ko

    “Musika! Buti nakapasok ka na,Namiss kita Bes!” Masayang sabi ni Sei at umupo sa tapat ko

    “Eto naman parang hindi nasanay,nga pala sasama ka ba mamaya sa café?” At umiling na ito

     “May thanksgiving kami mamaya pero babawi ako bes! Di nga lang bukas pero promise babawi ako” at natawa na lang ako sa ekspresyon niya

    “Okay! Kalma lang bes hindi naman ako magtatampo” nakangiti kong sabi at nagkuwentuhan na lang kami hanggang mag dismissal na

    “Sige na bes, Mauna na ko!” sabi ni sei at kumaway muna siya bago siya pumasok sa taxi na pinara niya kanina

     “Sige ingat!” At kumaway rin ako

  Nagsimula na kong maglakad papuntang café at hindi ko mapigilang mapaisip kung doon pa rin ba tumatambay si Ethos at ang Girlfriend niya

“Musika!”Masayang bati sakin ni Thea ang kapatid ng may ari ng café pero hula ko ay sa kaniya pinababantayan ngayon ang café

“Thea!” masayang sabi ko at nabigla ako dahil bigla niya akong dambahin at yinakap

   “Narinig ko yung balita, I’m glad you’re okay” nag aalalang sabi nito at tipid akong ngumiti

“Yeah, Tsaka hindi naman ako mamatay dahil lang sa maliit na bagay no, Don’t worry” sabi ko at ngumuso naman si thea na ikinatawa ko

“Basta magiingat ka ah!”

“Oo na po”Nakangiti kong sabi at nagtawanan kami, inalalay ako ni thea at umupo kami sa bandang gilid ng café kung saan kita ang paglubog ng araw

“Anong gusto mo?”Tanong ni thea

  “Frappe, Strawberry Flavor tsaka vanilla cake”Nakangiti kong sabi at nag paalam saglit si thea para kunin ang mga orders namin, Habang hinihintay ko si thea ay kinuhanan ko ang paglubog ng araw para maipost sa instagram pagkatapos non ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na built ng katawan

   “Ethos?”Bulong ko sa aking sarili pero ang mas ikinataka ko ay wala ang girlfriend niyang si Laurie, Pinanood ko si Ethos na umupo sa bandang sulok na mas lalong ikinataka ko ang alam ko ang puwesto niya noon ay sa gitna para madali siyang mahanap ni Laurie kapag hindi sila sabay dumating

   Anong nangyari ng wala ako? Pakiramdam ko sa dalawang linggo ako nawala andaming nangyari
Si Ethos Acosta, Kilala ko siya pero hindi niya ko kilala , Nakakatawa diba? Nagmumukha tuloy akong isang babae sa isang kuwento na umaasa na pansinin niya ko pero malabong mangyari yon dahil may laurie na siya, at siya si Ethos Acosta na kilala bilang lalaking patay na patay sa kaniyang Girlfriend na si Laurie Abellana at Ako? Ako lang naman si Musika Alyz Calderon isang simpleng babae

MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon