Chapter TWO

3K 106 10
                                    

Chapter 2

I slowly open my eyes and saw nothing but trees.

Pakiramdam ko matagal akong nakatulog.Hinawakan ko ang balikat ko nang bigla itong sumakit saka ako bumangon.

Tumayo ako.

'Hindi ka makakalayo!'

nagpaikot-ikot ako sa kinatatayuan ko hoping to find the owners voice...the prince!

'Hahanapin kita at sa oras na mangyari yon parurusahan kita,pagsisihan mo ang paglayo sa akin.PAGSISIHAN MO!'

Tumakbo ako palayo though wala ring nangyayari.Naririnig ko pa rin siya.Ang boses ng taong minsan kong minahal.Ang Prinsipe.On that thought a tear escaped in my eyes.

But he changed.HE BADLY CHANGED FOR THE WORST.
***
Malalim na ang gabi,malakas ang ulan at malakas ang kulog subalit hindi mapakali si Donya Pachita sa kanyang kinauuupaan.

Minu-minuto siyang tumitingin sa labas.Hindi mapakali,andyang tatayo siya,uupo at titingnan ang hawak-hawak na kwintas.

"Ma,it's already midnight.Sino po ba ang hinihintay niyo.You know that its bad for your health.Magpahinga ka na."Elizabeth,her daughter approach her.She  smile sadly.

"I'm worried about your sister Eliza,I felt something bad.I can't sleep.Kani-kanina lang umilaw ang kwintas na to."

Itinaas nito ang hawak na kwintas,ngumiti naman si Eliza at lumapit sa kanyang ina.

"Ma,matagal-tagal na rin simula nang umuwi sila Ate kasama ang pamilya niya.I think Mishylah was 6 years old that time pero bakit ngayon pa kayo nag-aalala na may nangyaring masama sa kanila?"tinabihan niya ang ginang at hinawakan ang kamay nito.

Pareho silang nabigla ng humangin nang malakas at umilaw ang kwintas na hawak hawak ng ginang.Kakaiba ang pag-ilaw nito kumapara kanina.

Nagkatinginan sila nang bigla na lang may kung anong nabasag sa ibaba,sa sala ng Mansiyon.

"Ahhhhhh....tama....naaaa....."

Naalerto sila nang may babaeng sumigaw na parang sinasaktan.Dali -dali silang bumaba ng hagdanan.

Takot at pangamba ang kanilang nararamdaman.Kung sino ang babaeng sumigaw?Magnanakaw ba ito o multo o ano pa ba?

Mas lalong nagliwanag ang kwintas na kanyang hawak at para na itong nagsilbi nilang ilaw dahil nakapatay ang ilaw sa sala ng bahay.

May sumigaw na naman at may nababasag na mga gamit.

'Jusko!'mahinang usal ng matanda.

Sinundan nila ang ingay at parang nasa kusina ito.Nawala ang ingay,tumigil ang pagsigaw,pati ang panahon nakikisabay.Umilaw lalo ang kwintas.

Nadatnan nila ang isang babaeng nakahandusay sa kusina,duguan ito at gula-gulanit ang suot na puting bestida at napakarumi rin nito.

"Si-sino ka?"tanong ni Elizabeth.Lumapit sa babae.

"Ma.....mita....."

"Mamita."

Nabigla sila walang ibang tumatawag sa kanya ng mamita,iisang tao lang at yon ay ang apo niya.

"MISHYLAH?JUSKO APO ANONG NANGYAYARI SAYO?OH GOD HELP US!WHERE'S YOUR MOM?YOUR DAD?"naghe-hysterical na usal ng matanda at dinaluhan ang apo.

Para namang naitulos si Elizabeth sa kinatatayuan.

Itinaas nang dalaga ang kamay."Ahhhhhhh."sumigaw ito na parang pinahihirapan sa sakit.

"God.MISHYLAH,WHAT'S WRONG?"

"K.wi....ken...tas"

"Wh-what?"

"Kw...int...as..."nahihirapang usal nito,natauhan naman ang matanda at agad iniabot ang kwintas.

Nahihirapang ipinagtapat ito ng dalaga.Ipinagdugtong niya ito at nakabuo ng isang hugis pusong kwintas.Umilaw ito nang sobrang nakakasilaw.

Mahinang nag-usal ng salita ang dalaga at ilang sandali lang ay parang pumutok ang liwanag kasabay non ang pag-ilaw ng marka sa kanyang balikat at ang pagkawala ng kanyang malay.

The Lady Vampire & The CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon