Chapter 3
(Three years later)
"Ma'am baka naman po may magagawa pa tayo para iligtas ang kumpanya."malungkot siyang ngumiti sa akin saka nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit niya.
"Mahalaga sa akin ang kompanya Mishyla yet I can't do anything to save the company........"she sighed,nilapitan niya ako at hinawakan sa mga kamay.
"Luging-lugi na ang kompanya besides yong mga kapatid ko nasa States and…gusto nila akong doon na manirahan kasama nila."
Ngumiti siya,ngiting nagsasabing magiging okay din ang lahat.
"Mishyla Saavedra,naging tapat ka sa akin for two years hindi madaling ang mga pinagdaanan mo sa akin pero nandyan ka pa rin.I am very lucky to have you as my secretary and as a friend and don't worry hindi ka mawawalan ng trabaho!"
Binitiwan niya ang kamay ko at kinuha ang mga gamit niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"tanong ko at kinuha ang kanyang mga gamit.
"May isang businessman na naghahanap ng new secretary dahil napatalsik na naman ang bagong sekretarya niya and I referred you kasi alam kong magtatagal ka doon,ikaw pa!"
Nandito na kami sa labas naghihintay sa sundo niya.
"Bago pero pinatalsik agad?Wow ma'am ah,tinanggap niya pa kung patatalsikin niya rin.How rude of him?"
Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang isang kamay.Ang init!
"Haha,hindi mo siya masisisi,he has this different principles kasi,ang dinig ko kung mag-a-apply ka raw as his secretay bawal kang ma-inlove sa kanya."
Tinuro pa niya ako.
"No thanks ma'am.Wala pa sa akin yan!Atsaka kapal din ng fes niya kapag nainlove ako sa kanya no, gusto ko lang ng trabaho at… sweldo."
"HAHAHA!"
We both laughed.
"Ikaw rin… sigurado akong babawiin mo yang sinabi mo ngayon kapag nakita mo na ang new boss mo.Oh siya andito na ang sundo ko,kita na lang tayo sa farewell party hija,okay."
She wave her hand at me so I do the same,I waved back,sumakay na siya pero agad ding lumabas.
"Wala pa sayo ang love na yan o you still haven't move on?"
Agad din siyang pumasok sa kotse at umalis.
Oo nga pala nakwento ko sa kanya na minsan na akong nagmahal pero wala siyang alam sa tunay na ako.
Noong una nahirapan ako,nahirapang mag-adjust sa buhay ko dito sa mundo kung saan kalahati akong nabibilang.
Sa pang-amoy,pandinig,liksi.Hindi ko alam kung pano pigilan but then ang kwintas ang naging gabay ko sa lahat.
Hindi ako hayok sa dugo dahil kalahati pa rin akong tao.
Makapangyahirahan ang magkadugtong na kwintas.Itinatago nito ang tunay na ako.
Tiningala ko ang langit.
Kapag nanatili ba ako sa mundong yon naikasal ba ako sa prinsipe?Hindi ba mapapahamak ang mama ko?
Pinunasan ko ang luha ko,tatlong taon na ang lumipas sa mundo ng mga tao at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa mundo ng Vampelaria.ANG MUNDO NG MGA BAMPIRA!
"Hey,Mishyla hindi ka pa ba uuwi para maghanda sa party mamaya,you know party party.I'm sure maraming magaganda mamaya."tinanggal ko ang braso ni Alex na nakaakbay sa akin at nagmake face sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/89422762-288-k444652.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lady Vampire & The CEO
VampireA Vampire Lady na nagpabuntis sa isang inaakalang tao para matakasan ang pagkakatali sa Prinsipe ng mga Bampira!!!