"TRICIA'S P.O.V"
"Be! Bilisan mo, malelate na tayo!" sabay hila sakin ng bestfriend ko. Grabe to, ang lakas ng loob na kaladkadin ako eh siya nga tong may kasalanan kung bakit kami late ngayon. Kung di ba naman nag puyat sa kakachat dun sa boyfriend niyang singkit edi sana maaga siyang magigising at di ako maghihintay sa kanya.
"Teka lang naman Gabby wag mo naman ako kaladkarin, saka NSTP lang naman yun ihh, okay lang na malate." Bakit ba naman kasi di ako nakapag enroll ng NSTP nung summer ihh, eto tuloy nagsa-suffer ako sa Sunday classea.
"Ano ka ba be, baka di ko na makatabi ang crush kong si James." hindi na lang ako nagsalita. Landi talaga neto, may boyfriend na may crush pa. Haha.
After ilang minutes nakarating na kami sa classroom namin and thanks God wala pa yung prof namin.
"Buti na lang wala pa si Sir Acosta matatawagan ko pa si boyfie ko."
"Ang landi mo talaga! Excited kang pumasok para makatabi si James tapos ngayon tatawag ka sa boyfriend mo. Hay naku Gabby!" sabay batok ko sa kanya, ng matauhan. Haha.
"Hay naku inggit ka lang! Kasi until now nagluluksa ka parin. Until now umaasa ka parin. Move on na kasi be. Diyan ka na nga muna." hindi ko lang siya pinansin at hinayaan siya. Palabas na sana siya ng may biglang pumasok ang prof namin.
"Good morning class"
"Good morning Sir Acosta!"
"Wala tayong class ngayon sa kadahilanang kailangan namin mag prepare ng mga officers para sa gaganapin na drug prevention next sunday. So all NSTP Officers will be left here with me while others can go. See you next sunday."
Whaaaahhh!! Badtrip! Officer ako, hindi pa ko makakauwi.
"Bye be, buti na lang di ako officer! Haha. See you tomorrow na lang."
Sinimangutan ko na lang siya habang tinitignan siyang umalis kasama ang ibang classmate namin na di officer. So eto ako lumipat sa may unahan at naghihintay na mag start ang meeting.
"Magsisimula tayo ng meeting pag nandito na yung President ng 8-10 na class" sabi samin ni Sir. Sino ba kasi yung president na yun at paspecial masyado, kailangan pang hintayin ihh. Gustong gusto ko ng umuwi ihh. Haha.
"Sorry Sir I'm late, nagsisimula na ba kayo?" lahat kami napatingin sa guy na nagsalita. Siya siguro yung hinihintay namin. Haiys, buti naman at dumating na.
"Okay, nandito na si Mr Enriquez, we can start the meeting now."
So nag start na kami ng meeting. Nag set ng committee. Si yung mr Enriquez yung naging president and ako naman yung naging secretary niya.
"Pede ko bang kunin yung number mo? Para matext kita if may mga pag uusapan tayo regarding the program. By the way I'm Jay Enriquez, and you are?" sabay aboy ng kamay niya sakin.
"I'm Tricia Sanchez." sabay tanggap ko ng kamay niya. "Akin na yung phone mo ng mailagay ko na yung number ko." inabot niya sakin yung cp niya then nilagay ko yung number ko sa cp niya. "Okay na. Text mo na lang ako if may kailangan kang malaman for the program."
"Thank you Miss Sanchez. See you around." then he left. Ang presko naman ni kayah. Akala mo naman gwapo. Haha.
--*
"Bakla san ka ba banda? Kanina pa ko dito sa Cafeteria eh, nauubos ko na tong carbonara ko!" kasalukuyan kasi akong nandito sa Cafeteria ngayon. After ng meeting nagutom ako so I decided na pumunta ng caf para kumain ng favorite kong carbonara. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng tumawag yung bruhita kong bestfriend. Nag away daw sila ng jowa niya kaya ayun, pupuntahan daw niya ko. Akala niyo yun, kagabi lang ang sweet sweet nila tapos ngayon biglang magkaaway na. Wala talagang forever. Parang siya.
"Eto na malapit na. Pwede ba wag mo kong sigawan. Wasak na nga puso ko wawasakin mo pa eardrums ko." pagmamaktol niya.
"Naku, ewan ko sayo. Basta bilisan mo na lang at inaantok na ko." hindi ko na siya hinintay sumagot at binaba ko na cellphone ko. Nako, magdadrama lang naman. Makapagsoundtrip na nga lang.
Busy ako sa paghahanap ng earphone ko sa bag ng may biglang naglagay ng Soya Milk sa lamesa ko.
"Alone?" Napatigil ako sa pagkalkal ng bag ko at tumingin sa nagsalita. Sa lahat ng taong pwede kong makita ngayon, bakit siya pa!?
"F-for now, oo. P-pero parating na si Gabby." nauutal na sabi ko. Trying to be calm as I can.
"So pwede kitang samahan." hindi pa ko nakakasagot kung pwede ay bigla na siyang umupo. "Na miss kita Tricia. Anong nangyare?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. I can see the pain in his eyes and I must admit, it kills me.
"I don't know John. It just happen." I replied, trying to hold back my tears. Bakit ngayon pa? Hindi pa ko ready na makita siya.
"Hindi pwedeng hindi mo alam. Bigla ka na lang lalayo ng walang pasabi? Bigla mo na lang ako iiwasan na parang di ako dumating sa buhay mo? Bigla mo na lang tatagalin lahat ng communication natin tapos sasabihin mo na hindi mo alam kung bakit mo nagawa yun? We knew each other since we were little. You are my bestfriend."
Bestfriend...
Oo nga pala. Bestfriend. That's excatly the reason. But I don't have the guts to say it to you.
"Tricia.."
"Sorry John but I need to go." hindi ko na siya hinayaan na makapagsalita at tumakbo na agad ako palabas. Naririnig ko pa siya na tinatawag ang pangalan ko pero nagmatigas ako. Hindi ko siya nilingon. Kailangan mong magpakatatag Tricia.
Nararamdaman ko ang pag bagsak ng mga luha mula sa mata ko. Wala na kong pakialam sa mga taong nasasalubong ko. Siguro iniisip nila na sobrang bigo ko ngayon kaya ganito na lang ako umiyak. Wala na kong pakialam. Masakit eh. Sobrang sakit.
Boogsshh.
Haiys, ang malas malas ko naman ngayon. Bwiset na bato naman kasi to eh. Pa harang harang sa daan ko, nadapa tuloy ako. Pero imbes na bumangon ako, mas lalo akong umiyak. Iyak lang ako ng iyak, ng may bigla akong naramdaman na humawak sa balikat ko at binangon ako.
"Hindi ka ba sinabihan ng magulang mo na pag nadapa ka, bumangon ka. Hindi yung umiyak ka ng umiyak." tinignan ko lang siya. Masyado akong nasasaktan ngayon kaya hindi ko magawang makapagsalita.
"May masakit ba sayo? Oh tignan mo may sugat tuhod mo! Halika ka nga. Dadalhin kita sa clinic." hindi parin ako umimik. Hinayaan ko lang siya na buhatin ako. Walang lakas buong katawan ko eh. Eto hirap sakin, pag umiiyak nawawala sa sarili. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Wala akong sakit ha. Ganito lang talaga ako pag nasasaktan, nawawala sa sarili.
"Hindi ko alam kung anong nangyare sayo. Basta kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo din yan. Nandito ako oh! You can count on me like 1-2-3, I'll be there🎶🎵" sabay kanta niya, with matching sayaw pa. Isipin mo na lang na karga karga niya ko sa likod niya tapos sumasayaw siya. Struggle is real siguro siya ngayon.
Napangiti at napatawa tuloy ako bigla.
"Thanks Jay."
Then he gave me his sweetest smile.
YOU ARE READING
Para na sa iba pala
RandomGaano kasakit na buong akala mo mahal ka pa ng taong mahal mo, pero ang totoo hindi niya lang kayang sabihin sayo na iba na ang kanyang gusto? Gaano kasakit na alam mo sa sarili mo na kahit nakangit at nakatawa siya sa harap mo, ramdam na ramdam mo...