IKALAWANG TULA

553 9 0
                                    

Ang tula pong ito ay ginawa ko para sa mga mayroon man o walang ama. Basta mahal nyo ang mga tatay/daddy/papa/ama/erpat nyo ay makakarelate kayo. Maraming tao sa mundo na wala ng ama kaya sana, kung ikaw ay may kasama pang ama sana pahalagahan mo sya dahil hindi habang panahon ay kasama mo sya at dadating araw na iiwan ka rin nya at mawawala sya sa piling mo. Pag dumating yung araw nayun ay balikan mo lang ang tulang ito.

MAIKLING TULA PARA SA ISANG AMA

Mga alaala natin ay sariwa pa,
Sa isip at puso ko'y di pa nabubura,
Mga pagtawa nating dalawa na kaysarap sa tenga
At mga asaran sa twina na kaysarap sa alaala.

Hindi ko akalain na ganong kabilis,
Ang paglisan mo na para lang winalis,
At mga pagsasama natin na tila kay bilis,
Na paniguradong aking mamimiss.

Patawarin mo ako sa aking pagsuway,
Sayong simpleng utos na kay lumbay,
At pati narin sa ating pagkawalay,
Sa mundo kong ikaw ang sumusubaybay,
At laging gumagabay.

Aking ama ang sakit sa pakiramdam,
Na ito na pala ang huling paalam,
Na hindi na pala kita mahahagkan,
At di na muli pang masusulyapan.

Ngunit ito'y iyong laging pakatatandaan,
Pagmamahal ko sayo'y di mababawasan,
Bagkus ito pa'y madaragdagan,
Dahil sino man ay hindi ito mapapantayan.

Aking itay ikaw ay mahalaga,
Ngunit huli na dahil ikay wala na,
Humingi man ng tawad ay di na malalaman pa,
Kung ako nga ba ay mapapatawad mo pa.

Pagsisihan ko man ito ay wala ng silbi pa,
Wala na akong magagawa pa,
Umiyak man ako'y di mo na maririninig pa,
Dahil huli na nga ang lahat at ika'y wala na.

Alam kong huli na mahal kong ama,
Pero maraming salamat sa mga oras na nakasama kita,
Sa mga oras na nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang tunay na ama,
At patawad dahil huli na ng ito'y aking nakita.

Salamat at patawad mahal kong ama,
Gusto ko mang ibalik ang mga oras na kasama pa kita,
Ay di ko na magagawa pa,
Ngunit ikaw pari'y mananatili sa puso ko ama.

Salamat at Patawad Mahal Kong Ama

By: Emma Sulit Gutierrez

IBA'T  IBANG TULA NI EMMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon