Ang tulang ito ay ginawa ko noong November 15,2016 para sa kaarawan ng pinakamamahal kong ina at sana po ay makarelate kayo haha. Thank you chingus!❤️😘😘
TULA PARA SA PINAKAMAMAHAL KONG INA
Lubos ang galak, pag ika'y kasama.😁👭
Maraming pasasalamat, na ikaw ang aking ina.💃🏼💋
Pagmamahal mo saakin, ay napakahalaga.❤️
Pinaramdam mo sakin, na isa kang tunay na ina.👩🏼💓Salamat sa lahat, sa pagmamahal at suporta,
Sa pagtitiyaga, at pananatili saking sinta.
Pati narin sa pagiging mapagmahal na ina,
Sa aming magkakapatid na kay ggwapo't gaganda.😍😝😂Patawarin mo kami, sa madalas na pagsuway.
Sayong simpleng utos, na kay lulumbay.
Sa aking mundong, ikaw ang gumagabay,
At laging naka subaybay.Isa ka sa pinakamagandang, regalo kong natanggap.
Na aking babaunin, hanggang sa pag abot ng mga pangarap.
Naway akin kang mapasaya,
Saking simpleng pagpapaligaya.Alam kong hindi habang panahon,
Ay tayo'y magkakasama,
Kaya't akin nang susulitin,
Habang ika'y akin pang kapiling.Hindi man ito sapat, ikay napaka halaga.
Mahal na mahal kita,
Yan ay lagi mong tatandaan.
Kailan man ay di ka mabubura,
Sa puso kong sayo lang nakalaan.😘❤️💓-Emma Sulit Gutierrez
BINABASA MO ANG
IBA'T IBANG TULA NI EMMA
PoetryIBA'T IBANG TULA NI EMMA by Red_Butterflies0108 Mga tulang may pinaghuhugutan, Mula sa author na may pinagdadaanan. Enjoy reading!