Jacob's POVAgad akong bumaba ng kabayo ng makita ko si Tito Jack na kararating lamang.
"Tito Jaack !"
Mukhang hindi niya ako narinig dahil tuloy tuloy lang siya sa paglalakad papasok sa bahay kaya hinabol ko siya sa loob.
" Tito Jack !"
Nanlulumo siyang humarap sakin na ikinanuot ng noo ko , may problema kaya ? pero agad din siyang ngumiti ng pilit.
"Oh jacob"
Lumapit ako sa kanya.
"Nagpadala na po ba ng sulat si Ate Jez?"
Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya at nag iwas ng tingin.
"Pasensya na Jacob pero wala pa eh"
Nanlumo naman ako sa sinabi niya , matagal na rin yung huling sulat sakin ni Ate Jez. Ano kayang pinagkakaabalahan niya? Bigla naman akong kinabahan.
"Pero tito jack its been two months since her last letter."
Huminga siya ng malalim at pinatong ang isang kamay sa balikat ko.
"Baka busy lang ang ate mo graduating na yun diba. Don't think too much , she's okay"
Tumango nalang ako sa sinabi ni tito jack kahit sa loob loob ko hindi ako panatag.
Nasan ka na Ate Jez ?
* After 2 years*
Nakalumbaba ako sa may bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan. Dalawang taon na ang nakalipas at hindi ko parin nakikita si Ate Jez ang sabi niya magbabakasyon siya dito pero hindi matuloy tuloy dahil marami raw siyang inaasikaso, pero okay lang ang mahalaga nagpapadala siya ng mga messages through email at least alam kong okay siya.
Napaayos ako ng upo ng makitang nagmamadaling sumakay si Tito Jack sa kotse niya. Saan naman kaya siya pupunta gayong napakalakas ng ulan?
May nagsasabi saking sundan ko siya kaya agad kong kinuha ang jacket ko at bumaba. Pinuntahan ko si Mang Ernest.
"Oh saan ka paroroon bata ka? Ang lakas lakas ng ulan"
"Mang ernest ipagdrive mo po ako"
"Ha? Anong sinasabi mo?"
"Sige na po please emergency !!!"
Pinagdikit ko yung dalawang palad ko.
"Oh siya sige sumakay kana"
Agad akong sumakay sa loob ng old pick up truck ni Mang Ernest at sinuot ang seat belt.
"San ba tayo tutungo hijo?"
"Sundan niyo po yung kotse ni tito jack", nagmamadali kong sabi.
"Ano ba talagang nangyayari?", naguguluhan si Mang Ernest pero gayun pa man ay pinaandar na niya ang saksakyan.
"Basta po. May aalamin lang po ako ! Hmm. Pwede pong isa pang favor?"
"Basta kaya ko hijo"
"Pwede po pakibilisan yung takbo?"
Usad pagong kasi kami eh , baka di na namin masundan si tito jack kapag nagpatuloy ang ganitong takbo.
"Hay. Yun lang pala eh , sige"
Hindi ko alam pero hindi maalis ang kaba sa dibdib ko habang sinusundan si tito jack. Para kasing may mali pero hindi ko matukoy.
"Mukhang malayo ang paroroon ni Jack ah"
BINABASA MO ANG
At Death's Door ( COMPLETED )
Misterio / SuspensoJacob Louis Yco is determined to give justice to the death of his mother and his sister upon meeting a girl named Mayday Larsson who will help him , without any fear they went back to Shinzui Academy to reveal the untold story.